laya

8 0 0
                                    

ngayon ay araw ng kalayaan
kailan ka magiging malaya?
malaya sa nararamdaman mo para sa kanya?
hindi nasuklian ng tamang pagmamahal pero bilanggo pa rin ng pag-ibig sa nakaraang sinta.

kailan ka lalaya mula sa magulo mong kaisipan?
kaisipang nagtali sayo upang di makausad
hangarin mong maging malaya
gawin ang dapat gawin upang lumaya at maging masaya ang bawat araw.

iwagayway ang bandera ng iyong pagkatao
maging bayani ng iyong sarili
palayain mo ang iyong sarili at mamuhay ng may galak

061317//

Tula nun Bata ",)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon