Chapter 9 ~ Unconditional Love

51 38 0
                                    


Two months had passed, that was first week of January, Priscille and Tyron navigated the challenges of pregnancy, they are excited for an angel to come out, and patiently waiting and preparing for the arrival of Priscille little one. Kahit si Tyron ay naglalaan ng oras para kay Priscille, para samahan itong mamili ng mga kakailanganin sa panganganak niya.

As Priscille’s due date approached, she couldn’t deny the growing feelings she had for Tyron. She couldn’t believe herself that she found herself falling with Tyron. However, she was hesitant to reveal her true emotions, fearing that it might complicate their friendship or maybe she’s not sure of what she feels towards her best friend. Ayaw niya rin isipin ni Tyron na ginagamit niya ito or sinasamantala ang kabaitan dahil sa kailangan niya ito.

Ayaw niya muna magbigay ng signs kung hindi naman siya sigurado. Tama na ang hayaan niya lang itong alagaan siya. With Tyron by her side, she slowly learned to heal and let go of the pain that Onyx had caused. Sobrang suwerte niya kung tutuusin dahil mayroon siyang kaibigan na handang gawin ang lahat para lang sa kapakanan niya.

Tyron's love was genuine, unwavering, and unconditional. He showed her that true love doesn’t abandon or hurt; it uplifts and supports. Napatunayan na naman iyon ni Tyron dahil kahit pa nagkaroon ng boyfriend ang best friend niya ay hindi niya ito iniwan at kahit noong nabuntis siya ay suportado pa rin siya hanggang sa nawala si Onyx ay wala siyang ginawa kundi ang samahan at alagaan si Priscille.

“Ron, samahan mo ’ko,” tawag ni Tyron kay Hezron habang nagmumokmok ito sa kanyang k’warto.

“Saan kuya?” sagot naman ni Hezron na mukhang bumalik na talaga ang lahat sa normal. Hindi na rin muna siya pumupunta ng coffee shop tuwing weekend dahil baka makita niya na naman si Priscille at bumalik ang kanyang nararamdaman.

“We’re going to the hospital,” saad ni Tyron.

“What?! Anong nangyayari sa’yo kuya Tyron? Seryuso?” pasigaw si Hezron habang patakbong lumapit kay Tyron. Akala niya ay kung ano na ang nangyari ngunit nadatnan niya itong hawak ang phone at tumataginting pa ang messenger.

“What?!” naasar na tanong ni Hezron.

“Manganganak na si Priscille,” excited na balita ni Tyron sa pinsan at hindi naman maitatanggi na nagulat rin si Hezron sa balita at nakaramdam siya ng kakaibang kaba at excitement.

“Anong gagawin ko roon?” palatak ni Hezron na nakailang hakbang na pabalik sa kanyang kuwarto.

“Magbabantay. Samahan mo ’ko, this is my first time,” saad ni Tyron na humarap pa sa kinaroroonan ng pinsan na pabalik sa k’warto. Nakita niya ang pagbuntong-hininga nito sabay sandig sa dahon ng pinto.

“Sounds a father huh?” pang-aasar ni Hezron sa pinsan na kitang-kita na hindi mapakali sa kinatatayuan.

“Tara na! Manganganak na pala siya e’ bakit hindi ka pa makalabas ng bahay.” Si Hezron at sabay pasok sa  k’warto para palitan ang boxer shorts niya ng jogging pants.

“Nasa lying-in na naman siya at maya-maya pa naman daw lalabas ’yong baby,” paliwanag ni Tyron.

“Tara na kuya! Buti nagkataong sabado ngayon wala akong pasok dahil kung mag-isa ka lang dito baka nagsisigaw ka na,” pang-aasar pa ni Hezron habang paikot-ikot si Tyron sa kusina at hindi alam kung anong kukunin.

“Nasa fridge ang malamig na tubig. Inom ka muna kuya Tyron,” saad ni Hezron na parang robot lang din si Tyron na sumunod sa kanya. “Tara na. Ako na magda-drive,” dagdag pa ni Hezron na itinaas ang susing hawak sa kanang kamay.

Courage To Let Go( On-going )Where stories live. Discover now