Chapter 3 ~ My Best Friend

74 49 0
                                    




Twenty-six years old, kind and handsome Tyron Casimir was Priscille’s best friend, classmate sila since Kindergarten until Grade 10 sa isang private school pero ngayon si Tyron ay isa ng Architect at kung saan-saan ito napapadpad na kompanya at lugar, Tyron don’t want to settle his life in one place. He always jokingly to Priscille that he is a claustrophobic person, kaya ayaw niya mag-stay sa iisang lugar lang. He is adventurous and travelers and promise to protect Priscille at all cost noong nalaman na iniwanan siya ni Onyx.


Magkakilala sila Tyron at Onyx, dahil batchmates sila sa University during college at doon na nagdistansiya si Tyron kay Priscille dahil nagkaroon na ito ng boyfriend pero hindi naman nagbabago ang pagtingin nila sa isa't-isa as a friend, as a bestfriend at aware naman si Onyx sa sitwasyon nila, naging magkalapit naman sila Tyron at Onyx because of Priscille at buo naman ang tiwala ni Onyx sa girlfriend niya pagdating kay Tyron dahil mabait ito at mapagkakatiwalaan.


Minsan kachat ni Priscille si Tyron at hinahayaan naman siya ni Onyx, hindi naman ito nakakaramdam ng selos kaya sa nangyari na pagkawala ni Onyx ay sigurado na hindi iyon ang dahilan kaya iniwanan si Priscille ng boyfriend niya. Open sila sa isa’t-isa about family and friends matters kaya walang problema kahit lalaki ang bestfriend ni Priscille. May malalim pang dahilan kaya biglang naglaho si Onyx.


“I’m going to work.” Paalis na si Priscille sa bahay niya ng tumawag si Tyron para icheck siya.


“Are you sure? Okay ka lang, Cille? Ang baby? Ingat kayo,” may pag-aalala ang boses ng kaibigan sa kabilang linya.


“OA ka na naman, I’m strong! Remember?” replied ni Priscille para manahimik si Tyron na halata namang nag-aalala ito sa kalagayan niya.


“Mag-ingat ka, papasok na rin ako sa trabaho,” he’s updating. “ At masama ba mag-alala? Basta nandito lang ako okay?” he added.


“Oo! D’yan ka lang. Don’t you dare to go here,” pagbibiro ni Priscille but sounds a warning dahil parating sumusulpot si Tyron sa bahay niya sa tuwing nag-aalala ito.


Si Tyron Casimir ay nagdesisyon na manirahan sa Tarlac dahil kay Priscille, siya kase ang unang nakaalam ng kalagayan ni Priscille dahil wala naman itong ibang mapagkukuwentuhan dahil galit kay Priscille ang pamilya niya. Hindi nahirapan si Tyron na puntahan si Priscille dahil minsan na itong dumalaw sa bahay niya noong kakalipat lang nila ni Onyx.


Pinakiusapan si Tyron ni Onyx na hanapin at bilhin ang paboritong painting ni Priscille sa mismong kaarawan nito bilang regalo kaya nagkaroon ng pagkakataon si Tyron para malaman kung saan nakatira ang best friend niya. Wala siyang pagtanggi dahil para sa kaibigan niya iyon at kahit malayo ay bumyahe siya mag-isa gamit ang sasakyan niya para hindi masira ang painting at mismong siya ang magdala.


Walang mapagsidlan ang saya ni Priscille ng mga oras na iyon dahil dalawa ang naging surprise sa kaarawan niya. Ang painting na regalo ni Onyx at si Tyron; ang bestfriend niya.


“Uhh! Off ko na ’to. Late na ako. I’m going to drive my scooter,” paalam ni Priscille na mas lalo naman nag-alala ang nasa kabilang linya.


“Prisilya! Anim na buwan ka nang buntis! Hindi ka na puwede mag-drive!” paasik si Tyron pero alam niyang matigas ang ulo ng kaibigan niya at wala siyang magagawa kahit ano pang sabihin niya maliban na lang kung puntahan niya ito para ihatid sa ospital na pinagtatrabahuhan.


“Nye-nye. Bye na,” pang-aasar ni Priscille.


“What if mag-hire akong driver mo?” suhestiyon ni Tyron na hindi naman pinapansin ni Priscille.


Isang buntong-hininga lang ang tanging sagot ni Priscille sa kaibigan niya bago pinatay ang phone at umangkas na sa scooter. Hinimas muna ang tiyan niya bago ito pinaandar.


“Let’s go, baby. Kapit ka lang,” may ngiti sa mga labing saad ni Priscille habang maingat na nagmamaneho palabas sa gate ng bahay niya. “Minsan OA na ang tito Tyron mo. Kaya naman natin diba?” she’s talking to herself.


Hindi naman masyadong malayo ang pinapasukan niya, around 20 minutes lang ang byahe niya papunta sa Municipal Hospital, nasa dulo na ng Tarlac ang kaniyang lugar kaya halos kakaunti ang taong nakatira roon, isang tahimik at malinis na probinsiya na ipinagmamalaki ng mga mamamayan ang kanilang lugar at napamahal na rin si Priscille sa mga taong araw-araw niyang nakakasalamuha. Kahit baguhan siya sa lugar na iyon ay mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga taga probinsiya kaya isa na rin iyon sa rason kaya hindi niya magawang talikuran nang basta-basta lang ang buhay niya roon.


She’s happy with her life living in province. There’s a small town with a little forest in the middle, it looks like an islet. Priscille live in a warm cozy cottage. Outside her home a growing flowers in lawn, there's only a pathway in the center to reached her simple home. Inside her home was a little living room with an old bookshelf filled with old books and old paintings. When Priscille and her boyfriend Onyx living together in their new home they spent their time collecting old books and old paintings from a city. Priscille obsessed with those antique things, she loves vintage and retro.


Onyx Miranda supported her hobbies since they became lovers, he spoiled her and never try to make her cry kaya malaking katanungan kung anong nagawa ni Priscille or may pagkukulang ba siya? Araw-araw niya tinatanong sa sarili ang mga katanungan na iyon pero wala naman siyang nakukuhang sagot kaya sinusubukan niyang kalimutan na lang ang lahat at hayaan ang oras na gumamot sa sugat na iniwanan ni Onyx.

Naging responsable naman ang boyfriend niya dahil kahit iniwanan siya ay mayroon itong malaking halaga na iniwan para sa magiging anak nila pero hindi naman iyon sapat dahil ang kailangan ni Priscille ay katuwang sa magiging anak nila. Kailangan niya ng kasama at karamay dahil kahit tapos siya ng nursing ay natatakot pa rin siya at kinakabahan sa oras na manganganak na siya.



But nowadays she felt at ease because Tyron insist to look for her when she’s giving birth. Though, ilang ulit naman si Priscille na tumanggi sa mga offer ni Tyron pero masyadong makulit ito kaya wala siyang nagagawa kundi ang hayaan na lang ang best friend niya na alagaan siya at tingnan-tingnan siya.


Minsan nahihiya na siya dahil imbes na maghanap si Tyron na babaeng makakasama habang-buhay ay sa kanya napupunta ang atensyon nito. Palagi niya namang pinapaalala na nasa tamang oras na para maglagay na rin siya sa tahimik na buhay ngunit matigas ang puso nito. Aalagaan daw muna siya hanggang sa lumabas na ang baby niya at maging okay na ang lahat. Kapag nakikita na raw ni Tyron na hindi na siya nahihirapan sa sitwasyon ay puwede na siya nitong iwanan at bumalik na sa Maynila o kaya sa Japan para doon na manirahan dahil nandoon ang negosyo ng pamilya nila.


Naging dahilan rin si Hezron, ang pinsan niya kaya hindi muna siya aalis ng Tarlac, nag-aaral daw kase ito, nagtransfer pa galing Maynila para makasama siya at mabantayan niya. Gustong-gusto rin ni Hezron ang probinsiya kaya nagkakasundo sila ng kuya Tyron niya at halos sa lahat ng bagay ay magkasundo sila.


Maipagmamalaki ni Priscille si Tyron dahil sobrang bait nito, hindi lang sarili ang iniisip kundi ang kapakanan ng lahat ng tao na nakapalibot sa kanya. Kaya naman ng magpaalam siya sa boss niya na sa Tarlac site siya magtatrabaho ay agad siyang pinayagan nito.


He is a good employee, a good person and he has a looks; he is tall, presentable, his eyes were always smile, has a pointed noise, perfect white teeth and a nice lips and hard-working. Almost perfect pero nagtataka si Priscille kung bakit hindi niya nagustuhan ang bestfriend niya noong mga panahon na sila lagi ang magkasama. Wala man lang si Priscille naramdaman na kahit kaunting pagtingin para kay Tyron.


Courage To Let Go( On-going )Where stories live. Discover now