Chapter XXII

92 1 0
                                    

I don’t know if my story is good. Kindly comment or PM me.

Gusto ko ng inspiration!!!

Nga pala, nag-iisip ako if magsusulat ako ng Book 2 neto or hindi. May mga new ideas na nag-po-popped out sa utak ko eh.>___<

Okay. It’s chapter 22 na.

-yang yoseob&donghae (the reasons why I love KPOP)

~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0

CHAPTER XXII

ARKIN’s POV

               “Huh? So iniisip mo talaga na ako ang tatay ng dala niya?”sabi ko kay Dona.

               Bakit niya iniisip na ako ang nakabuntis kay Marjorie? Tsk~ ibang klase ding mag-isip ‘tong babaeng ‘to.

               “Kasi nakita ko kayo kaninang na-uusap sa likod ng building,” sabi ni Dona habang dahan-dahang umaayos sa kinauupuan niya. Nakita kong pinipisil na naman niya ang hinlalaki niya.

               O________O  ako ito.

               “Nakita mo kami?” panliliwanag ko. Shemay.

               Patay. Huwag mong sabihing narinig niya?!

               Pagkatanong ko ay sinamaan niya ako ng tingin.

               “Nakita nga di ba? Paulit-ulit?” saka sumimangot ulit.

               Lumunok pa ako ng malaki saka nagpatuloy.

               “So alam mo na ang lahat?” tanong ko. Kinakabahan na talaga ako.

               Wala sa loob na napatingin siya sa akin. Parang medyo naiiyak siya na ewan.

               “Anong lahat?” sabi niya na medyo nababasag pa ang boses.

               Phew~

               Buti nalang at SLOWPOKE ang babaeng ito. Grabe. Lumagkit ang pawis ko dun ah!

               “So, anong standing niyo ni Vlad?” iniba ko para huwag niya ng kalkalin pa.

               “Bat iniiba mo ang usapan? Anong “lahat” ang pinagsasasabi mo?” heto na ang atribidang Dona. Sabi ko nga, ganyan yan. Hindi titigil kapag nabitin.

*flashback*

               “Kamusta ka na?” sa wakas nagsalita na si Marjorie.

               Matinding silence din ang namayani sa amin.

               Actually, dapat magkikita kami ni Dona ngayon kasi may hihingin akong medyo malaking favor para sa student council tea party. Pero nung nagpunta ako sa tagpuan sana namin, nakita ko si Marjorie –ang babaeng unang minahal ko.

               “Heto gwapo pa rin,” biro ko. Aminin ko medyo naiilang ako ngayon kasi sa mga nangyari dati.

               “Haha. Kahit kailan palabiro ka!” biro din niya saka hinampas ang braso ko.

               Still beautiful –yan ang tanging masasabi ko ngayon.

               Hindi nagbabago mga ngiti niya. Hindi nagbago ang paraan ng pakikitungo niya.

She's an Erotomaniac! (Ang Makupad na Pag-Ibig) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon