Chapter IV -The Knight in Mapurol Armor

287 11 4
  • Dedicated kay Rolly John Melendez Ambrocio
                                    

Si Jarell yung nasa gilid mga bakla....------>>>>>

CHAPTER IV

The Knight in Mapurol Armor

               “Sa tulong daw ni Errol,” nakangiting hawak ni Andie sa kamay ni Dona.

               “S-S-S-sino?” nauutal na sabi ni Dona. *shock* *nga-nga*

               “Errol torres. This year’s Campus Idol, ateng,” saka isinara ni Andie ang nakanga-ngang bibig ni Dona. “Sobra ka sa Ka-OA-an. Pugaran pa ng lamok yang bunganga-ness mo.”

               Over na sa ka-OA-an. OA na kung OA.

               Si Errol Torres ang usapan dito. Pwedeng mag-OA.

               Usap-usapan sa university na magkababata itong si Bebe Kevin at si Fafa Errol. Kaya siguro ay napapayag niyang ibaba na ni Kevin ang mini-tarpaulin sa lobby ng college. Hindi rin siya malakas sa presidente ng praterniti na yon.

               Kaso walang fraternity na kinabibilangan si Fafa Errol. Pinipilit na siya kaso ayaw talaga.

               Napagpasyahan nina Dona at Andie na pumunta na ng canteen. Nagpaiwan nalang si Arkin sa garden. Ayaw siguro maistorbo sa pagbabasa niya ng kanyang pinakatatanging Sherlock.

               ‘Basta masaya ako,’ sa loob-loob ni Dona dahil sa pagtatanggol bigla sa kanya ng isang knight in shining armor.

               Pagdating sa canteen, normal lang ang nangyayari. Maingay dahil sa mga gumagawa ng projects at assignments, mga kinikilig habang nagkwekwentuhan, mga varsity na nagme-meryenda, mga nagtatawag ng kaibigan...Halo-halo ang tao.

               Bumili sila ng kanilang pagkain at naupo sila sa bandang gitna ng canteen.

               Tumahimik ang lahat. Saka tumingin sa pwesto nila Dona.

               May isang lalaki pa lang lumapit sa kanila –none other than (tugs, tugs, tugs!)

               Si Fafa Errol. Saka nagsalita.

               “Dona,” saka lumunok ng malalim. “Sugar ka ba?”

               Tahimik pa rin lahat. Hinihintay ang mga nangyayari.

               “Ha? Hindi,eh,” iling ni Dona.

               Siniko siya ni Andie. “Sumagot ka na lang ng ‘bakit, errol?’, ” saka nag-twinkle eyes pa.

               “Ha? Bakit?” nakangiting tanong ni Dona kay Errol.

               “Kasi,” napakamot ng batok ang binata. “Mahal ang parking! BOOM!”

               Naghiyawan lahat ng tao. Tawa ng tawa hanggang may nahuhulog na sa kanilang upuan.

               “woohh!! Sobrang waley!”

               “Boy pick-up ng university!”

               “Hanep! Lakas ng trip! Rak en rol!”

               Napatakip naman sa mukha si Dona dahil sa kag*guhang ginawa ng ‘new crush’ niya. Sobrang corny. Sobrang waley.

               “shocks! hindi ba siya nahihiya?”, sabi niya kay DOMO.

               Siniko ulit siya ng bespren nya. Tiningnan niya ito at nakita niyang ngumuso si Andie sa likod niya.

               Paalis na si Errol kasama ng mga varsity habang tumatawa.

               “There goes your knight in mapurol armor. Sobrang nakakainis ang kapurol-an. Alam mo ang dapat? Tinatapon. Walang kwenta, Let’s go na!” saka tumayo si Andie.

** ** ** ** **

               Nagkaka-chat sila ng bespren niyang si Arkin ngayon sa Facebook.

               Kinuwento niya lahat ng nangyari noong hindi sila magkasama.

               Busy nga kasi si Arkin sa pagbabasa kaya kinukuento na lang niya.

               “Pinagtanggol ka lang, crush mo na agad? OA ka talaga,” reply ni Arkin nang wala na silang mapag-usapan.

               “Hindi naman kami personal na magkakilala pero he fought for me,” reply ni Dona.

               “Assuming ka. Pinagtanggol ka lang, ‘he fought for you’ na agad? Ateng, baka hindi mo alam, ang ibig sabihin ng ‘fought’ ay ipaglaban hindi ipagtanggol. Diifferent words,” mahabang reply ni Arkin.

               “Che! Ganon din yon!” reply niya. Naiinis na naman siya.

               Ngayon lang ulit niya nararamdaman ang inis sa bespren niyang si Arkin.

               Noong huli ay noong isang taon kung saan biglang hindi namansin si Arkin sa kanya. Yun yung mga panahong nag-aaral ng todo (tamang term) si Arkin para maka-top sa klase kahit minsan lang. Iniwasan daw niya si Dona dahil ayaw na muna niya ng lakwatsa. Pag-aaral ng serious lang.

               Tapos, kanina lang umaga ulit siya nainis.

                Nagtapat siya kay Kevin ng nararamdaman gayong hindi naman ito ang unang pagkakataon na naghayag siya ng pagka-crush niya sa mga lalaki.

               At ngayon, nanenermon pa! Tinatama pa ang mga sinasabi niya.

               Sinabihan pa siyang, assuming.

               “Ano bang problema mo?!” pag-ta-type ni Dona nang makitang hindi nagrerespond ang bespren niya.

               “Ha?” reply naman ni Arkin.

               “Sige sasakyan ko trip mo. Bahala ka!” nag-log-out na si Dona.

               ‘Arkin Aquino...tingnan natin ang lakas ng loob mo!’ sa isip-isip ni Dona.

-----------------

woohhh!!Long weekend!^^

sana matapos ko ng maaga mga "assignment" and for the preparation sa marketing!

ganbatte, HRDM3. Kaya pa ito!^^

-Donghae&Yoseob<3

She's an Erotomaniac! (Ang Makupad na Pag-Ibig) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon