Chapter XIV

120 6 0
                                    

Magandang araw!

Sarap-buhay^^ pa-meryenda-meryenda na lang.

Mga tao, pupunta kaming Wesleyan sa Cabanatuan sa Friday, Sept 7, 2012 to support my friend, “Maricar Francisco” number 24 sa MUTYA NG NUEVA ECIJA. Balita ko nandoon din bilang judge ang tinitilian na si DANIEL PADILLA. :D

               Ewan bakit ko sinabi. Feel ko lang. LOL.LHSS!

oH, read na kayo,then VOTE, then COMMENT, then FAN!

-yang yoseob&donghae(everlasting)

~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0~0

CHAPTER XIV

               Doon nga nakatira sa Vlad.

               Ilang taon na rin ang nakalipas simula nang makita ni Dona si Vlad doon.

               It was four years ago pero until now, naging habit na niya ang pagtingin lagi sa bahay na iyon.

               Nag-transfer kasi si Vlad sa Laguna noong 2nd year high school kaya simula noon ay hindi na sila nagkita. Buti na rin sa loob-loob ni Dona. Kahit hindi na niya ito makikita, mas maganda yun baka kasi hindi na daw niya kayanin ang kahihiyan mula sa pagkakareject sa kanya.

               And the fact na nakikita niya ito ay lalo lang nakakadaragdag ng sakit within.

               Napanlakihan siya ng mata ng biglang huminto ang bus sa tapat ng bahay nila Vlad.

               Napatingin si Vlad sa bus na kasalukuyang nagpapaypay ng inihaw.

               Nataranta si Dona kaya na-stuck siya sa pwesto niya. Tulala sa lalaking naka-pink. Nga-nga.

               Bigla namang napangiti si Vlad pagkakunwa’y kumaway kay Dona mula sa labas ng bintana.

               Poker face pa rin si Dona hanggang makauwi sa bahay nila.

ARKIN’S POV

               Ang daming ginawa sa Student Council Office. Sobra na akong naging busy sa mga nakaraang araw. Sumasakit ulo ko. Tss~

               Pagpasok ko sa room, ang una kong nakita si Dona.

               Kaharap si Ayla.

               Tinetext nga pala ako ni Ayla simula pa noong isang linggo. Hindi ko alam kung paano niya nakuha number ko. Sabi niya may gusto siya sa akin. Tinawanan ko lang. Lakas ng trip. Besides, medyo masama pakiramdam ko nun dahil sa sobrang dami ng ginagawa, kaya hindi ko rin siya nakausap ng matino.

               “Anong meron?” tanong ko. Sumasakit talaga yung sentido ko.

               Narinig kong nagreact yung mga girls. Hindi ko alam kung bakit at anong meron talaga. Laging ganon kapag dumadating ako. Ewan at baka guni-guni ko lang.

               “Hindi ko alam diyan sa mga kaibigan mo! Nagbubulungan sila kanina tungkol sa akin pero nung tinanong ko, walang masabi. Tanong mo pa dito kay Ellen!” saka tumuro si Ayla kay Ellen na kasama niya.

               Napatingin ako kay Dona.

               Nakatingin din siya sa akin. Ayun, parang tulala lang siya na parang tanga.

She's an Erotomaniac! (Ang Makupad na Pag-Ibig) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon