KABANATA XXVI: Pag-amin

46 6 0
                                    

Binabagtas ang kahabaan ng daan, narito sa sasakyan pabalik ng bahay. Galing sa isang emergency meeting para sa London shooting. Dala ang isang kulay pulang lalagyan na ang laman ay isang kwintas kung kaya napag-isipang ibigay kay Czea bago ito umuwi.

Kamay na parehong nasa manobela. Pagngiti na lamang ang nagagawa, nag-aasam na patuloy na matatamasa ang ganitong pakiramdam.

Ilang saglit pa ay narating na ang paroroonan. Agad na ipinarada sa labas ang sasakyan sabay pagkuha ng kulay pulang kahon at lumabas ng tuluyan.

Hinay-hinay na binuksan ang gate upang hindi ito makahalata. Agad na pumasok sa loob, dala-dala ang kahon.

Nagtataka, bukas na mga ilaw pawang walang Czea na bumungad sa aking presensiya. Aakmang tumungo sa loob ng kwarto subalit sa aking pagsilip ay ganoon din ang paglitaw ni Czea na nagpaigtad sa akin.

"UY!" pagsigaw ko nang ako ay nagulat sa kaniyang pagbungad.

"Czea naman, ginulat mo 'ko do'n ha?" natatawa kong pagbigkas habang siya ay tila bang nag-alinlangang ngumisi.

"Ano bang ginagawa mo?" pagtatanong ko pa. "Siya nga pala, this is for you," dagdag ko.

Inabot sa kanya ang isang kulay pulang kahon.

"A-Ano 'to? H-Hindi ka na dapat nag-abala," nag-aatubili niyang pagbigkas.

Inabot muli sa kanya at ako ay nagsalita. "Sige na, it's yours. Just a simple gift, buksan mo."

"S-Salamat."

Unti-unti nitong binuksan ang kahong ibinigay sa kanya kalakip ang tila bang hindi mabasang reaksyon na inirehistro niya. Pawang mga mata ay nagtataka, kakaiba sa mga matang nakita ko kanina. Ngumiti at hinayaan na lamang.

"L-Lance, mahal 'to," wika pa niya.

"Don't mind it. Wait, i'll wear it for you-" aakmang isusuot ito sa kanya kung kaya agad naman itong nagsalita.

"A-Ako na. S-Salamat nga pala rito," bigkas niya.

Ngumiti ito ng bahagya at agad na napayuko. Isinilid muna ang kwintas sa lalagyan at ako na lamang ay tumango.

"Tara let's eat, baka lumamig na 'yung pagkain," pagbaling niya.

Ako ay napatangong muli at pareho nang tumungo sa hapag-kainan. Siya ay sinundan na tila bang nagbibigay pa rin sa akin ng pagtataka.

"Czea, sandali. Are you okay?" pagpigil ko sa kanya sabay paghawak sa kanyang braso.

Inilapag nito sa mesa ang kahong ibinigay sa kanya at ito ay nagsalita. "Oo naman, bakit mo natanong?" bigkas niya nang ito ay nakaharap na sa akin.

"No, you're not okay."

Napailing na lamang ako kasabay ang unti-unting pagkunot ng noo ko.

"Lance, okay lang nga ako-" pagputol niya nang ako ay agad na nagsalita.

"Hindi ako naniniwala," wika ko.

Siya ay natahimik sapagkat nagawa na lamang nito ay ang pag-iling sabay pagkamot ng ulo.

"Lance, I'm okay. Kaya tara, kumain na tayo dahil masamang pinaghihintay ang pagkain," ani Czea.

Ako na lamang ay tumango habang ito ay umupo na sa upuan ngunit sa aking pagtingin sa sahig, tila bang bumungad sa akin ang nakakapanghinalang litratong nahulog mula sa kanyang bulsa.

"Ano 'to? Sayo ba---" bigkas ko nang kinuha ang litratong nakatupi, nakakakulob sa sahig malapit sa kanya ngunit sa aking pagtingin, tila bang nagtataka paanong napunta ang litratong ito na sa pagkakaalam ko ay nakatago.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon