KABANATA XV: Pinagmulan

48 10 0
                                    

Nakakalat na mga bulaklak, tila bang pyesta sa kahabaan ng hallway. Nanginginig na mga binting pawang nanlalamig. Kinakabahan kung kaya't naghihintay na lamang sa kanyang pagdating.

Ilang minuto, ilang saglit, tanaw-tanaw na ang kanyang presensiya at ito'y nakapiring. Nakapalibot na mga estudyante tanging ngiti lamang ang nakikita sa mga labi.

"Ano ba talagang nangyayari? Huy Jim, tanggalin mo na nga 'yung piring baka mabangga ako." bigkas niya't tanging kaba na ang dumadaloy sa aking katawan.

"O sige na, tanggalin mo na Binibining Aya." pagsugo ni Jim habang tinutukso ito.

"Jim, pinagtri-tripan niyo na naman ako---" wika niya't sa pagtanggal ng piring ay tila hindi na natapos ang sasabihin nang bumungad sa kanyang mga mata ang nakahilerang mga bulaklak.

Ako'y nakatayo sa kanyang harapan hawak-hawak ang isang kumpol na bulaklak. Kinakabahan, pawang hindi mabasa ang kanyang reaksyon habang ito'y nakatingin sa akin at sa kanyang paligid.

Nagsisigawang mga estudyante, maging mga guro at mga kaklase. Napapikit na lamang at gustong maglaho ng tuluyan.

"Lance? A-Ano 'to?" pag-utal niya't nagtataka pa rin sa kanyang mga nakita.

"A-Aya, limang buwan na rin kitang niligawan at limang buwan ko na ring hinugot 'tong lakas ng loob ko. Sana, maging buo na ang desisyon mo." pangungusap ko't tila bang walang tigil ang dumadagungdong kong kaba.

"A-Aya, will you be my girlfriend?" nauutal kong tanong sa kanya't tila bang kinakabahan sa kanyang magiging sagot.

"Yes! Yes!" sigaw ng mga nakapalibot sa aming dalawa, maging mga kaibigan ko'y ganoon din ang salita.

Naghihintay sa kanyang magiging sagot. Nanginginig baka iba ang inaasahang sasabihin. Tatanggapin ang magiging kapalaran kahit na alam kong masakit ang mararamdaman.

"Lance---" bigkas niya ng pangalan ko't naghihintay ng kasunod.

"Yes." dugtong nito't nagpasaya sa damdamin ko.

Wari lahat ng mga nakapalibot ay tuwang-tuwa maging ang puso ko'y lumulukso sa tuwa. Hindi inaakalang iyon ang isasagot niya.

"Yes? A-As in oo?" paninigurado ko kung kaya ay gustong marinig muli sa kanya't hindi pa rin makapaniwala.

"Oo Lance... Yes!" sagot niya pang muli at agad na niyakap ito't binigay ang bouquet na dala-dala ko.

"Girlfriend ko na si Aya!" sigaw ko at hindi pa rin makapaniwala sa nangyaring ito.

"Huy, ano ba. Hinaan mo lang 'yung boses mo." saway nito't napangiti na lamang kaming dalawa sa isa't-isa.

Saktong-sakto, Valentine's Day. Hindi aakalaing matatapat kung kaya hindi na rin inisip pa. Tanging saya ang pumalit sa kabang dinarama kanina.

Ilang saglit pa'y hindi maggawang humiwalay sa kanya kung kaya't hindi pa rin makapaniwala na unang araw na kami'y magkasintahan.

"Brother Lance, baka nakakalimutan mo 'yung usapan natin. Hindi naman sa nagpaparinig---" bigkas ni Jim na tila bang nagpaparinig ito't sumagot agad sa kanya.

"Don't worry brothers, kargo ko kayo. Kita niyo pa ngang sinusulit pa namin 'yung araw namin." sagot ko sa mga parinig nina Jim.

"Aasahan namin 'yan. 'Pag 'yan hindi mo natupad, aabangan ka namin sa kanto." wika pang muli ni Jim na tila bang nang-aamok ito.

"Mga tarantado talaga oh. Sige na, mamaya." sagot ko na lamang at napatawa kaming pareho.

"Sinabi mo 'yan." reaksyon nito sabay panunuro na para bang may kaaway.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon