KABANATA X: Ramdam

43 13 0
                                    

"Love, kain na. I prepared already your breakfast."

"Happy Anniversary, Lance!"

"Ano, iiwan mo na lang ako? Iiwan mo na lang akong mag-isa?"

"Lintik na career na 'yan! Ayoko na."

"Aya!"

Biglang napabangon.

Bulong sa tenga na nagpamulat sa aking pagtulog. Ngayo'y nakaupo sa kama, himas-himas ang mukhang hindi maipinta. Nasasabunot ang buhok, napailing at natulala, ano bang ibig sabihin noon?

"Aya?"

Dali-daling tumayo diretso sa salamin at tiningnan ang sarili. Inayos ang buhok sabay himas muli ng mukha. Ano bang nangyayari sa'yo?

Dumiretso sa kusina, nagbabaka-sakali ngunit tila bang blangko ito't napaupo sa upuan. Iginala ang mata sa lahat ng sulok ng bahay, wala namang nag-iba.

Napapikit na lamang, tumayo, naglakad patungo sa kung saan nakalagay ang kahon ng mga liham. Binuksan at binasa ang mga ito.
-----------------------------------------------------------
July 22, 2011
Love,
Thank you for the medicines. Here eat your breakfast.

A.
---------------------------------------------------------
March 25, 2011
Love,

Happy Graduation to us. Here's my gift.

A.
---------------------------------------------------------
October 04, 2013
Love,

Mahal kita, habangbuhay.

A.
----------------------------------------------------------
January 20, 2012
Love,

Sorry. You can see Nikko now. Wash your hands first.

A.
-----------------------------------------------------------

Sa huling liham na aking natanaw, tila bang napatigil, napapaiyak. Humahagulgol na naman, tangina. Pinahiran ang mga luha, dali-dali namang isinara ang kahon at ito'y itinago sa ilalim ng mesa.

Sinimot ang hangin, napahinga ng malalim. Inayos ang sarili at tumayo na lamang upang magliwaliw. Napasilip sa bintana na nag-aasam ng magaang pakiramdam.

Alas nwebe sa orasan, umiling na lamang at dumiretso na sa banyo't maligo upang hindi mahuli sa taping.

Ilang saglit pa'y natapos na, dumiretso muli sa kwarto upang magbihis ng damit. Pagkuha ng damit sabay pagsuot nito, tila bang naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko.

Kinuha ang bag, kinuha ang susi ng kotse. Agad na lumabas at isinara ang pinto kung kaya't ayos na ang sarili. Dali-daling binuksan ang gate at isinara ito nang nailabas na ang sasakyan. Humarurot papuntang kawalan.

Ngayo'y narating ang patutunguhan makalipas ang tatlumpong minuto o higit pa. Agad na ipinarada ang sasakyan at dali-dali namang dumiretso sa set kung saan ipiniprepara nila ang lahat.

Narito sa isang IT company kung kaya't dito ang magiging susunod na mga eksenang gagawin. Naghahanda na ang mga artista't mga ekstra kabilang na si Jason na ating bida.

"Good Morning Direk. The taping will start in few minutes. The technicals are just rechecking the equipments." bati ni Yaz nang lumapit ito sa akin upang magpaalala.

"Okay, thanks Yaz." sagot ko naman.

"Tumawag nga po pala si Mr. Larrienza kagabi, Direk. Shooting places raw in London is as hundred percent as ready. They will be coming back here later this afternoon." ani muli ni Yaz at napangiti naman ako.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن