🌹 11

3.2K 46 4
                                    

That One Night
Chapter 11

"This world might full of sinners, and all that sinners are once a foolish holy."

--

Pierre Delvono

Napahawak sa sentido ko habang patungo sa Condo unit ko. Kanina ay nagising ako sa playhouse na siyang nasa unit ni Irish. Kaso ay tulog siya sa couch niya kaya pinili ko nalang na hindi gisingin. Bakit kaya ako nandoon?

Sino ang lumabas? Bakit ako nasa loob nung playhouse? Hindi kaya si Loth ang lumabas?

Kung siya ang lumabas sana naman ay walang ginawang problema sa madla. Pero mukhang wala naman nga. Baka pinerwisyo lang si Irish.

Pagkapasok ko sa unit ko ay mukhang wala namang nabago bukod sa umuga pa rin ang chandelier. Kaagad akong nagtungo sa kwarto ko at kinuha ang mga gamot ko.

Binuksan ko ang bottled water na nasa tabi ng lamp table ko. Kumuha ako ng tig-isang tableta at ininom ang mga iyon ng sabay-sabay. Kailangan kong inimun ng consistent itong mga gamot ko upang walang lumabas ni isa kanila. Pansamantala. Pero alam kong impisible iyon. Hindi ko sila makokontrol anumang sandali ay pwedeng may lumabas sa kanila.

H'wag naman sana si Ezekiel. Siya lamang ang mortal kong kaaway sa kanila. Lalo pa't nakikipag-ugnayan siya kay Niniana.

And that's the worst scenario.

Muli akong lumabas ng unit ko. Kailangan kong bumalik sa M Gaming hub. Marami akong gustong sabihin kay Tyler.

Pagkalabas ko at pagtungo ko sa elevator habang hinihintay ang pagbukas non ay napatingin ako sa humahangos na si Irish.

Pinakatitigan niya muna ako bago kawayan.

"Pieeeee!" Banggit niya sa palayaw niya sa akin.

Huminto siya sa tabi ko at pareho ba naming hinihintay ang elebator na nasa third floor palang.

"What's wrong?" Tanong ko. Sobrang hindj siya mapakali. Kitang-kita sa kanya ang kaba.

"Kasi Pie, si Nini! Sinugod sa hospital!" She said and trying to lower her voice and calm.

"Ano'ng nangyari sa kanya?" I asked.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan.

"I don't know, pero tumawag lang sa akin ang make-up artist niya at sinabi sa akin iyon." Sabi niya muli.

Bumukas na ang elevator kaya sabay kaming sumakay sa loob.

"Gusto mo bang samahan kita?" I asked.

Napatingin siya sa akin. Hindi ko rin alam ang pumasok sa isipan ko kung bakit ko natanong iyon. Para kasing gusto ko rin alamin ang kalagayan niya. At kung bakit siya isinugod sa hospital.

"Pwede naman." Sagot ni Irish.

Pagkabukas ng elevator ay nasa parking lot na. I insist na sa sasakyan nalang ni Irish sumakay. Kaya kaagad niyang pinaandar iyon nang makasakay kami.

Irish remain focus sa pagda-drive. Hindj niya ugali ang maging madaldal habang nagmamaneho o kaya naman ay ayaw niya ng mag maingay kapag nagda-drive siya.

That One NightWhere stories live. Discover now