🌹2

15.3K 147 17
                                    

🌹

"You're like an air to me, because I can't live and breathe without you."

Niniana Velaroza

Sobrang sakit ng ulo ko. Para akong nahulog sa kung saan. Kainis!

Pagkamulat ko ay nagtaka ako. Bakit nandito ako sa kwarto ko? Nakayanan akong dalhin ni Purple rito? Kaya loves na loves ko ang kaibigan ko na 'yon. Binihisan pa talaga ako ng nightgown ko.

Pero...

Bakit ang daming petals ng roses sa kama ko?

Inalis ko ang isa sa buhok ko. Napalaban yata talaga ako kay Purple kagabi. Sobrang sama kasi ng loob dahil brokenhearted pa ako. Gustuhin ko mang tanggapin na hindi ako mamahalin ni Hideo Canliagn pero ang sakit talaga. I-announce ba naman sa publiko na magpapakasal na siya. Kaya ang sakit nakakaiyak!

Nang gumalaw ako ay may naramdaman akong kirot sa pagitan ng mga hita ko. Saan ba ako tumama kagabi? Wala talaga akong maalala. May sapot pa yata ang utak ko.

Puno ng rose petals ang kama ko pati ang sahig. Ano bang trip nitong si Purple? Hindi naman kaya natitibo na siya sa'kin?

Ika-ika tuloy akong maglakad habang patungo sa bintana sabay inihawi ang dim curtain. Nagliwanag sa buong kwarto ko. Tirik na pala ng sobra ang araw. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Purple.

"Yes? Natutulog pa 'ko eh..." Sagot niya mula sa kabilang linya.

I rolled my eyes.

"Ikaw paano mo ako kinaya kagabi? Na-appreciate ko ah."

"What are you talking about?"

Nangunot ang noo ko.

"Diba hinatid mo ako sa unit ko kagabi?"

"Gaga, paano kita ihahatid kung noong pagbalik ako ay wala ka na sa pinag-iwanan ko sa'yo. Diba sabi ko hintayin mo ako saglit?"

"HA?!" Bulalas ko.

"Wala ka na nga sa sarili mo kagabi eh. Hinahalikan mo na kaya ako. Kadiri ka."

Napapikit ako. Aminado naman ako na gano'n ako kapag sobra na sa kalasingan.

"Paano ako napunta rito sa unit ko kung ganoon? Nakabihis pa ako Purple!"

"Promise Nini, hindi kita hinatid kagabi. Nag-alala pa nga ako sayo eh."

Kinikilabutan ako.

What the fuck...

"Purple h'wag mo ako i-joke. Kinikilabutan ako."

"Oo nga! Maniwala ka! Kailan ba kita biniro? Lalo na't bagong gising ako?"

Nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Then who brought me to my unit?

Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi. Nakakainis naman kasing hangover, hindi ako makapag-isip ng maayos. Isa malaking pagsubok ang sakit ng ulo na dulot pa nito. Hays.

"Purple, kinakabahan tuloy ako. Wala talaga akong matandaan na may naghatid sa 'kin kagabi."

"Baka naman kinaya mo? Or else gumapang ka? Lumipad ka?"

"Purple naman, alam kong wala ako sa sarili pag lasing ako pero hindi ko naman magagawang gumapang."

Napatingin ako sa may side table ng kama ko. Nangunot ang noo ko.

Bakit may letter doon?

Lumapit ako doon at kinuha 'yon saka binasa.

I'll never forget what happened between us. I want to be with you again. Same time. Same desires and same feellings between us.

That One NightWhere stories live. Discover now