♦️1

31.1K 201 24
                                    


Warning: Hindi ito suitable sa mga readers kong bata pa ha. Kukuritin ko kayo sa singit.

♦️

‘I love you and I can't resist loving you more and more.’

Pierre Kiorch Delvono

Medyo sumasakit ang mata ko sa mga chroma lights sa buong bar ni Lily. Pagkapasok na palang ay gusto ko na umalis.

She was my once upon a time an apple in my eyes. But now, she's happy with the man she truly loves.

It's been a month at ngayon lang ako muli ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtungo rito. I tried to think that I would move on.

And yes, we still be friends lalo na at bestfriend ko ang nakatatanda niyang kapatid na si Tyler.

And speaking of my bestfriend. Natanaw ko siya sa bar counter. He's wasting his life again well, hindi yata nalalayo sa gagawin ko rin.

Tinabihan ko siya at um-order ako ng beer. Kita ko sa kanya na parang nagdurusa sa kung ano.

“Pierre, ang sakit-sakit.” Panimulang sambit niya.

Nangunot ang noo ko.

“Ha? Hindi naman kita sinaktan ah? Bakit masakit?” Sagot ko sa kanya.

He just cried and I felt taken away by his pain. Napaano ang gagong 'to? May invisible blade ba ako na humiwa sa kanya?

“Pierre, hindi ko ma-imagine na ginawa ko 'yon sa kanya... Sa babaeng pinakamamahal ko.”

Lumagok siya muli ng beer.

Since highschool ay magkaibigan na kami. Kaya alam ko kung gaano niya kamahal si Nicole Gayle Fernandez at walang babae sa buhay niya kundi ito lang. Pero nang dahil nga sa pangyayaring 'yon na nagawa niya dati ay hindi niya mapatawad ang sarili niya.

“Bro, napatawad ka na ni Nicole. Kaya ikaw, patawarin mo na rin ang sarili mo.”

Kinabog-kabog niya lang ang dibdib niya.

“I can't, Pierre. I can't. Sobra akong nandidiri sa sarili ko. Paano ako matatanggap ng anak ko? Paano?”

Uminom nalang ako ng beer. Napakahirap nga ng pinagdaraanan ng kaibigan ko.

“Pero Bro, ako rin. Sobrang sakit pala na ma-reject noh? Hindi naman sa pilit lang na tinanggap kong maging kaibigan ko nalang si Lily. Pero ang impact, ang sakit kasi Bro nandoon pa rin.”

Tumungga nalang ako kasi ayokong maiyak. I felt my heart aching by what I just said. Hindi ko talaga matanggap.

Iba talaga kapag hindi ka kayang mahalin pabalik.

“Sana nga Bro, naging ganyan nalang ako, katulad ng sa'yo. Sana noon palang naglakas-loob na ako na sabihin sa kanya. Edi sana nalaman ko pa...” Sabi ni Tyler.

I don't know pero parang biglang may pumitik sa loob ng utak ko.

Napangisi lang ako.

Heto na naman siya...

Si Ezekiel...ang alter ego ko.

--
Ezekiel Rios (alter)

“Hinding-hindi mo magugustuhang maging ako, Ler.”

I said seriously and mockingly. Inilabas ko ang golden lighter ko at isang yosi. I just smoked.

“Tangina ka Bro, kailan ka pa natutong magyosi?” Tila hindi makapaniwala si Tyler. Para siyang nawala sa kalasingan.

That One NightWhere stories live. Discover now