Chapter 20

16.2K 122 1
                                    

napaka weird kasi parang di maganda pakiramdam ko ngayon.. nakakaramdam ako ng pangangalay ng balakang ko..
naalimpungatan ako dahil sa sakit na naramdaman ko..

"Vin.. gising please.." sabi ko sabay niyugyog ko siya ng mahina para magising siya.

gumising nga ito at sabay kuso pa ng mata niya..

"bakit?may masakit ba sayo?" sabi nito ng makita na di ako mapakali.

ka buwanan ko na kasi.. baka manganganak na ako.. kaya ganto yung nararamdaman ko..

"oo masakit eh.. baka manganganak na ko.." sabi ko.
kaya dali daling bumangon si Vin at inalalayan akong makababa ng kama.
"tara punta na tayong hospital.." sabi niya at di na nag abalang mag bihis pa dahil sa pagmamadali nito.

agad niya akong binuhat pababa ng condo niya matyaga niya akong binuhat pababa pasakay ng kotse niya.

naramdaman kong habang tumatagal ay lumalala yung sakit.. humihilab na yung tiyan ko.. feeling ko anytime lalabas na si baby..

nakarating na nga kami dito sa hospital agad akong chineck ng mga nurse dito at hindi nga ako nagkamali ay talagang manganganak na ako kaya dinala na nila ako sa delivery room..

makalipas ang ilang oras ay naisilang ko na nga ang aming anak..
"congratulations misis.. healthy po yung baby.." sabi ng nurse na tila natutuwa sa baby namin.

naihatid na ako ngayon dito sa private room ng hospital.. kasama na rin namin yung baby namin ni Vin..

"may ipapangalan ka na ba sa kanya?" sabi ko sabay hinimas ko yung buhok niya.
"parang kamukha ko siya.. Vin Alcantara Jr. ganyan yung pangalan niya" sabi niya na may ngiti sa mga labi nito.

natuwa ako sa naisip niyang pangalan.. dahil gusto niyang igaya yun sa pangalan niya. di nga naman maikakaila na anak niya to dahil mag kamukha sila..

nakuha niya din yung ilong ni Vin na matangos.. pati yung kulay na maputi.. parang wala namang nagaya sakin.. nakakatuwa isipin..

*tok tok tok*
(may kumakatok sa kwarto)

pinagbuksan ni Vin ng pinto kung sino man yung kumakatok..
pagbukas niya si Sander at Pat amg bumungad sa pinto.

"pasok kayo.." sabi ni Vin at pumasok naman sila Sander at Pat.
"pasensya sa abala.. tumawag kasi tong si Vin sinabi na nanganak ka na daw.. kaya eto nagdala kami ng prutas para sayo Thea" sabi ni Pat.

si Sander naman ay lumapit sakin at agad na tiningnan yung baby..
"napaka gwapong bata.." sabi ni Sander at hinipo yung kamay ng bata.
"eh kayo ng gf mo kelan kayo magkakaroon ng anak?" sabi ko kay Sander.
"naku! buntis na nga eh.." sabat naman ni Pat.

napangiti ako sa narinig ko.. masaya ako at bubuo na rin ng sariling pamilya si Sander.

"masaya ako para sayo Sander.. kelan kasal?" sabi ko pa. at ngumiti siya.
"mag iipon muna kami bago yung kasal.. mahirap na.." sabi ni Sander.

"so.. maybe mauuna kaming ikasal ni Thea.." sabi naman bigla ni Vin.

di ako makapaniwalang nakatingin sa kanya.. ka..kasal ba kamo? papakasalan ako ng isang Vin Alcantara?

"wow.. bestman ako.." sabat naman ni Pat.
bumaling yung tingin ko kay Pat..
"eh ikaw kelan ka magkakalovelife?" sabi ko sabay tawa ng mahina.
"naku ayoko pa.. enjoy ako sa pagiging single ko.. kaya kung saan ako nakakarating ngayon eh.." sabi nito sabay kamot ng ulo..

pinayagan na rin kami ng doctor na umuwi ng bahay..
tulog si baby ng makauwi kami.. dito sa dati kong kwarto na nursery room ngayon ni baby Vin.. kaya dito ko muna siya inilapag sa baby crib nito..

"gusto mo bang kumuha tayo ng yaya ni baby para may makatulong ka dito?" sabi ni Vin sabay tumabi ito sakin sa pag upo.
"okay lang wag na.. kaya ko naman dito lang naman ako sa bahay eh..kaya ko to.." sabi ko sabay hinawakan ko kamay niya.
"babe.. nag aalala lang kasi ako sayo this week kasi may business trip kami ng mga share holders namin mga 5 days kami sa Batangas lang naman.."

business trip? nakakapagtaka na ngayon lang siya nagkaroon ng business trip..

"hmm.. ganun ba? okay lang ako.. ano ka ba.. wag mo kaming alalahanin ni baby dito.." sabi ko sabay hinimas ko yung likod niya.
"everyday akong tatawag sayo para kamustahin kayo ni baby.. sure ka talaga babe? sama na lang kaya kayo ni baby?" sabi pa nito.
"ano ka ba.. okay lang talaga.. at saka baka di ka makapag concentrate sa trabaho mo niyan.." sabi ko na lang.

dumating na ang araw ng business trip ni Vin sa trabaho.. maaga siyang nag handa at tinulungan ko naman ito sa paghahanda ng mga kailangan niya..

"ingat ka dun.. tumawag ka pagdating mo dun.." sabi ko pero nakayakap lang ako sa kanya habang siya ay hawak hawak niya ako sa bewang.
"dont worry babe i will.. mas mag ingat kayo ni baby dito.. lock mo lahat ng dito especially the door.." sabi niya.
"opo.. sige na baka gabihin ka.." sabi ko sabay ginawaran ko siya ng halik sa labi nito. at ganun din siya sakin.

dito ko na inilagay si baby sa kwarto namin total wala naman si Vin.. pina andar ko na lang yung TV at nanood ako..

VIN POV

hay kung bakit kasi ngayon pa talaga nag patawag ng meeting eh.. pwede namang next month na lang total next year pa naman yung project na yun..

im worried about my son and Thea.. sila lang kasi yung andun sa bahay.. hope they're okay..

exactly 7pm ng makarating ako dito sa Batangas.. its a private resort owns by Mr. Lao one of our share holder;

"hi reservation for Mr. Alcantara.." sabi ko sa receptionist ng resort.
she just gave me the key of my room..

pagpasok ko ng room..
ay agad akong napabagsak sa kama.. im so freaking tired..

so i decides to call Thea para ipaalam sa kanya na dumating na ako dito.
"hello babe.. andito na ako kakarating ko lang.. i just checked in dito sa private resort ni Mr. Lao.. kamusta kayo ni baby?" i said.
"okay naman kami dito ni baby.. eto tulog na siya.. eh ikaw kumain ka na ba?" she answered.
"di pa babe.. dont worry about me.. i can take care of myself.. ingat kayo ni baby.. i love you" sabi ko.
"i love you too.. ingat ka.. bye.." she said.

i opened my laptop to check if there is some email sent to me by my secretary..

To: Mr. Vin Alcantara
Fr: Ms. Shayne Jurico

message: Project meeting with the share holder will be tomorrow at Lao's confession hall, at exactly 10am.

after i read the email.. i decided to go on my rest ayoko na kasing lumabas para kumain mas ramdam ko pa yung pagod kesa sa gutom..



Me & My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon