Chapter 33

10.4K 89 10
                                    

Matapos ang ilang oras na nakababad kami sa jacuzzi ay bumalik na din kami sa room namin..

Di ko alam pero naalimpungatan ako at nagising ako ng alas 3 ng madaling araw, wala sa tabi ko si Vin.

Bumangon ako, at dahang dahan na lumakad pero nag suot muna ako ng jacket ko kasi titingnan ko kung lumabas ba siya. Nakakapagtaka lang kasi na wala siya dito sa buong kwarto.

Paglabas ko nasa tabing dagat ako naglalakad ako dahil nga hinahanap ko si Vin. Pero sa paghahanap ko hindi ko inaasahan ang maabutan ko.

Ang asawa kong si Vin, kasama ang ex niyang si Kate!!!!

Bigla akong kinabahan! Di ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, bakit sila magkasama? Nasasaktan na naman ang puso ko!

Halos nagtatago sila sa puno ng niyog! Di kalayuang ako ay nakatago at halos naririnig ko pinag uusapan nila.

"You know what Kate sobrang perwisyo mo talaga.. ano ba gusto mo?" Sabi ni Vin.

"Vin.. i really miss you! Di ko matiis eh.. sobrang nasasabik ako sayo alam mo ba yun?" Sabi ni Kate na niyayakap si Vin.

Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng to! Mariin kong pinikit mata ko at humingi pa ng konting pasensya.

"Kate.. bitaw ka nga muna baka may makakita satin dito.. ano ka ba.." sabi ni Vin na tila tumitingin pa sa paligid nila at pilit na winawakli yung kamay ni Kate.

"No.. gusto ko yumakap sayo. Pag bigyan mo na ako.. please.. i miss you Vin.. i still love you Vin.. " sabi ni Kate sabay hinalikan sa lips si Vin.

Di na talaga ako makapagtimpi!
Sinugod ko na silang dalawa! Kapal ng mukha ng bwesit na Kate na to! Babasagin ko mukha mo!!

"Hoy! Mga walang hiya kayo!!!" Sigaw ko sabay takbo ng mabilis at nahablot ko ang buhok ni Kate.

"Araaaay! Thea get off me! You bitch!" Sabi ni Kate habang sinasabunutan ko siya gigil na gigil na talaga ako.

"Aahhh.. ako pa ngayon yung bitch malandi ka! Higad! Ayaw nga sayo ng asawa ko! Haliparot kang panget ka!" Sabi ko sabay sinampal ko siya ng napakalakas.

"Viiiin!!!!! Help!!!!" Sigaw niya. At humingi pa ng tulong ang gaga!

"Babe! Awat na.. shit!" Sabi ni Vin habang pinipigilan ako sa ginagawa kong pambubugbog kay Kate.

"No!!! Kasalanan mo to! Isa ka ring gago! Malandi! Maghiwalay na tayo!" Sigaw ko sa kanya!

Di pa ako nakontento sa ginagawa ko.
Sinuntok ko siya sa mata! Sabay sinipa sa tiyan niya. Pinagsusuntok ko rin siya sa likod at mga braso niya.

Halos di ako maawat ni Vin dahil nga parang lalaki nga yung lakas ko. Aba! Lumaki ako sa kalye sanay ako sa basag ulo! Kaya babasagin ko talaga tong pagmumukha ng babaeng to!

Hanggang sa nakita kami nila Larry nakita kong mabilis na tumakbo si Larry samin para umawat.

"Shit! Thea tama na yan bugbog sarado na yan" sabi ni Vin sabay binuhat ako papalayo kay Kate.

"Bitawan niyo ko!!! Papatayin kitang hayop ka kapal ng mukha mo hinahalikan mo pa asawa ko! Pagsiksikan mo yang sarili mo hayop ka!" Sigaw ko nagwawala na ako at parang feeling ko wala na din ako sa sarili ko.

"Shit! Tama na!" Sigaw ni Larry sakin.
Dun lang ako kumalma at agad akong napaiyak di ko mapigilang napayakap ako kay Larry.

"Huhuhuhuhuhu!!!!! Larry!!!!" Sigaw ko. Wala na akong pake kung anong isipin nila. Masama ang loob ko! Sobrang sama!

Bumaling ang attention ni Larry kay Vin at Kate.

"Ano bang nangyayari Mr Alcantara? Whats going on here?" Nagtatakang tanong ni Larry.

Me & My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon