Chapter 7

27.5K 185 1
                                    

"Wow ang ganda naman dito mukhang mahal ang upa dito ah..." sabi ni Pat na manghang manghavsa paligid niya.

Andito kami sa bagong bahay na lilipatan namin.. malayo sa squatter malayo sa gulo.. nasa subdivision kami ngayon. Di kami makapaniwala na ganto ka sarap sa pakiramdam na mag bagong buhay..

"Oo nga.. mukhang mahal.. kakayanin ba ng sahod mo yung upa dito?" Nagtatakang tanong ni Sander.

Di niya alam na sagot na lahat ni Vin to.. kapalit ng pagtatrabaho ko sa kanya..

"Oo naman. Kaya wag niyo na isipin yun ako na bahala dito sa upa.. basta pangako niyo sakin wag na wag na kayo gagawa ng masama.. tanggal na yan sa bokabularyo natin yun" sabi ko at tiningnan silang dalawa ni Pat.

Tumango sila pareho.. bilang pag sang ayon..

Nilibot namin ung buong bahay, di siya ganun kalaki pero sakto lang para sa amin. Pag dun na ako sa kanila ni Vin dalawa na lang sila ni Pat dito.

May dalawang kwarto tong bahay sakto lang para sa kanilang dalawa..
Abalang nag aayos ako ng mga damit namin dito sa kwarto habang nasa kabilang kwarto naman si Pat nag aayos din.

"Kelangan ka pupunta dun kay Vin?" Biglang sabi ni Sander at umupo sa tabi ko.
"Bukas na.." simpleng sagot ko.
"Mag iingat ka dun.. at... sana..." di ko na pinatapos yung sasabihin niya ng siilin ko siya ng halik.

Napapikit siya ng mariin..
"Alam ko yang nasa isip mo... ayokong mangako kasi baka di ko matupad.. pero isa lang yung pangakong matutupad ko, babalik at babalik ako dito sa inyo.. mag iipon lang tayo pangako yan..." paliwanag ko sa kanya.

Alam kong iniisip niya kaya pipilitin kong di mangyari. Ayokong mag isip si Sander mahal ko siya at alam kong mahal niya din ako..

"Gabi na.. maghahanda lang ako ng hapunan natin para makapagpahinga na tayo" sabi ko at saka tumayo lumabas ng kwarto.

Tinungo ko yung kusina..
Nagluto ako ng binili namin kanina sa palengke bago kami pumunta dito sa bahay.

Fully furnished tong bahay na nirekomenda ni Vin sakin. Kaya di ako hirap gumalaw dito sa loob ng bahay..

"Mukhang masarap tong hapunan ah.. specialty mo talaga tong adobong manok Thea ah.." sabi ni Pat na sarap na sarap sa kinakain niya.

Napangiti na lang kami ni Sander..
"Kumain kayo ng kumain sa susunod mas masarap pa dito ulam natin.." sabi ko na nasa tono ng may pag asa.

Kumagat na ang hating gabi at tulog na tulog na sina Sander at Pat..

Text message
Received from: Vin Alcantara
"IM ALREADY HERE. MAGPAALAM KA NA SA KANILA"

Bumuntong hininga na lang ako..
Kasalukuyan akong nasa kwarto ni Sander.
Gumawi na ako sa kwarto ni Pat at nag iwan ng sulat dun. Ngayon dito sa kwarto ni Sander ngayon..

Nag iwan na lang ako ng sulat sa mesa na nasa tabi ng kama niya.

Nalulungkot ako kasi maiiwan ko ng sandali yung taong mahal ko..

Hinalikan ko muna siya sa noo bago ako tuluyang lumabas ng kwarto..

Huling lingon sa bahay na to..
Hintayin niyo ko Pat at Sander babalikan ko talaga kayo.. pangako yan..

"Sorry if ngayon pa talaga.. its already 12 midnight naman so.. okay ka na? Alis na tayo" sabi niya pagkasakay ko ng kotse niya.

Tahimik lang ako buong byahe hanggang makarating kami dito sa isang building kung saan siya nakatira. Naka condo nga siya diba?

Pagbaba namin ng kotse ay nagtungo agad kami sa elevator.
Pareho kaming tahimik at nakita ko pa siyang humikab.

"Inaantok ka na? Matulog ka na pag dating natin sa unit mo ako ng bahala sa mga gawain dun kung meron man" cold na sabi ko sa kanya.

Tumango lang siya..
Nakarating na kami sa 16th floor kung saan yung unit niya. Grabe ang taas naman ng unit na kinuha niya.

"Room 1601" pabulong kong sabi.
Nakita ko kung paano niya buksan yung hightech niyang pinto.
Nag swipe lng siya ng parang card at automatic na bumukas..

Pagpasok namin.. namangha ako dahil ang gara ng condo unit niya.. parang wala namang aayusin at lilinisin, daig pa niya yung babae sa kalinisan nitong condo niya.

"Dito ka.. bakante to walang gumagamit. Linisin mo na lang bukas medyo maalikabok dito eh.. pero kung asiwa ka sa alikabok dito ka na muna sa sala matulog.." sabi niya pagkabukas niya ng bakanteng kwarto.

"Ah okay lang dito na lang muna ako sa sala matutulog bukas ko na lang linisin yung kwarto.. eh ikaw ba wala ka na bang kelangan? Baka may gusto kang ipagawa?" Sabi ko sa kanya.

"Okay sige.. bukas ng umaga mag luto ka ng breakfast may mga food diyan sa ref ikaw na bahala basta bukas pag gising ko may pagkain ako" sabi niya at aktong bubuksan na yung pinto ng kwarto niya.

"Hmm.. okay sige.. pahinga ka na.." sabi ko at tumalikod na sa kanya.

Siya ay pumasok na rin sa kwarto niya.. sa sofa ako nahiga.. di ako makatulog iniisip ko pa rin sila Pat at Sander..

makalipas ang mag dalawang oras eksaktong pagtingin ko ng oras sa cellphone ko ay alas tres na ng madaling araw..

Naramdaman kong lumabas ng kwarto si Vin pero parang may kausap agad akong nagtakip ng kumot para di niya ako mapansin na gising pa.

"Please... talk to me... bakit mo ba ako natitiis?" Sabi niya sa kausap niya sa phone halata sa boses niya yung lungkot.

"Kate! Please.. babe.. i missed you.. kausapin mo na ako please.. answer the phone i know gising ka pa" sabi pa niya pero parang nanginginig na yung boses niya.. umiiyak ba siya?

Nagkunwari akong nagising.. bumangon ako kunwari kinukusot ko yung mga mata ko..
Nakita kong agad niyang tinago yung phone niya at pa simpleng pinahid yung mga luha niya..

"Oh bakit andiyan ka? Gising ka pa?" Kunwari nagtatakang tanong ko.
"Sorry nagising ba kita?" Sabi niya sa mahinang tono.
"Di naman... may problema ka ba?" Sabi ko. Concern lang ako baka kasi may problema nga..
"Wala.. di lang ako makatulog ulit.. nagising kasi ako.." sabi niya sabay naupo sa sofa.
"Wait.. timpla kita ng gatas para makatulog ka na ulit my trabaho ka pa naman.." sabi ko at pumanhik papuntang kusina.

Di na siya tumanggi sa gatas na tinimpla ko.. ininom niya ito.. umupo ako sa tabi niya..

"Ubusin mo yang gatas para makatulog ka na ulit.." sabi ko habang tinitingnan ko siyang umiinom ng gatas.

"Thank you.. matulog ka na ulit.. sa kwarto ko na to ubusin.." pagkasabi niya ay agad siyang pumasok sa kwarto niya.

Feeling ko broken hearted yun..
Kawawa naman siya.. gwapo nga siya, mayaman pero di naman siya masaya.. tsk!
Nagpasya akong matulog na dahil marami akong gagawin mamaya.. simula ng pagbabago..

Me & My BestfriendWhere stories live. Discover now