CHAPTER 15

5.5K 154 5
                                    

"Are you coming with us?" tanong ng mommy ko pagkabukas ng pinto. Nakangiti siya pero nasa mga mata ang lungkot. Hindi ko kinaringgan ng hindi maganda ang mga magulang ko sa nangyari sa amin ni Errol. Hindi ko na rin sinabi pa ang lahat-lahat. Napapagod na akong magpaliwanag. Good thing, they just let me be. But it doesn't mean they didn't care. Madalas kong makitang umiiyak si mommy kay dad at naririnig na naawa siya sa akin.

Mabuti pa ang mga ito. Hindi ko pa ganap na sinasabi ang lahat ay naiintindihan na nila ang pinagdaraanan kong sakit.

"Where are you going?" matamlay kong tanong.

"We'll go to Florida. I think you should come. You need to relax. We will stay on your Aunt's place." Nakangiting sabi ni mommy.

Umiling ako. "I can't."

Nalungkot si mommy. "The divorce has finally ended a week ago. You should go out. Start... moving on, Jersey..."

Ngumiti ako nang mapait. Ilang araw ko rin namang pinagiisipan ang lahat. Hindi mahirap ang divorce dito sa US. Errol was a billionaire. He has money and power. Madali para sa kanya na makipaghiwalay sa isang iglap lang.

Ang saklap. Ilang taon namin inalagaan ang samahan. May mga naging problema kami pero ni minsan ay hindi naming naging option ang hiwalayan. Kaya nakakalungkot na nauwi kami sa ganito.

At nakakagalit din dahil basta na lang niya akong isinuko. Binitawan niya ako. Napakasakit na mas pinili niyang mawala ako kaysa ang pakinggan. Talong-talo ako pero naisip ko na hindi pala. Puwede akong bumangon. Libre ang mag-move on. Hindi na nila hawak ang parteng iyon ng buhay ko.

Tuluyan nang natuldukan ang lahat sa pagitan namin ni Erwan. Tuluyan na rin akong nawalan ng koneksyon. Si Jimmy na bulusok na dumating ay biglang nawala rin. Well, ano pa ba ang aasahan ko? Tapos na ang papel niya sa buhay ko. Mukhang binayaran lang naman siya para guluhin ako.

"I will check my new product lines this afternoon."

Lumiwanag ang mukha. "You will start working now?"

Ngumiti ako. "Yes. Masyado po akong na-depress kaya kailangan kong maging busy para makalimot."

"Oh, Jersey..." naiiyak na sabi ni mommy at niyakap ako. Naiiyak na naman ako pero pinigilan ko. Tama na ang iyak. Magsisimula na akong maghilom.

Saglit pa kaming nagusap hanggang sa umalis na sila. In-assure ko na okay lang ako kaya natuloy sila sa lakad nila. Ako naman ay nagpunta na sa office. Inabala ko ang sarili ko.

Lumipas ang isang buwan na ganoon ang sistema ko. Bahay-trabaho lang. Hindi ko na rin inisip kung aalis pa ako sa poder nila mommy. Puwedeng-puwede akong magsolo pero sa huli ay nagdesisyon akong makasama na lang sila.

Pauwi na ako nang araw na iyon. Ginabi ako sa laboratory. Gumagawa kasi ako ng bagong product line hanggang sa nadatnan kong naguusap sina mommy sa kusina. Hindi nila alam na dumating na ako. Mukhang hindi nila napansin.

"Do you think we should tell Jersey the truth? I think she deserves to know." Sabi ni Jerry.

"I thought we talked about this?" worried na tanong ni Molly.

Kinabahan ako. Pakiramdam ko ay isang sikreto ang naririnig ko. Sumilip ako. Kita kong bothered si Jerry. "I'm sorry... I just thought we should tell her. I saw Eric on my dream. He wants to see his daughter."

"Oh..." tanging nasabi ni Molly at nahulog sa pagiisip. Panay ang buntong hininga nila hanggang sa nagsalita ulit siya. "You think is it a sign that Jersey should now that she's adopted?"

Natutop ko ang bibig ko. Parang nanlaki ang ulo ko sa pasabog na iyon. Halos hindi ako makapag-react agad. Napasandal na lang ako sa pader nang sandaling iyon.

"I don't know. I'm confuse. Gustong-gusto ko na ring sabihin noon pa man pero natatakot ako. She might lose her focus and gave her a hard time. Ngayong matanda na siya, nawalan naman ako ng pagkakataong sabihin dahil sa divorce. I don't want to give her another heart ache. She just broke up with her husband." sagot ni Jerry.

Natahimik ang dalawang matanda. Ako naman ay hindi na magawang magtagal. Umakyat na ako sa kwarto at naupo sa kama. Nakatanga lang ako sa kawalan. Paulit-ulit na tumakbo sa isip ko ang nalaman ko tungkol sa pagkatao ko.

Ilang araw kong dinala sa isip ko ang tungkol doon. Gustuhin ko mang tanungin sina mommy pero sa huli ay hindi ko ginawa. Alam kong masasaktan lang sila. Mula pagkabata ay naging maalaga sila sa akin. Hindi nila pinaramdam na iba ako.

But there's this feeling of hollowness in me. Nagkaroon bigla ng void na alam kong hindi makukumpleto basta ng iba. Ang void na ito ay tinatawag kong 'past'. Gusto kong malaman kung ano, sino at saan ako nanggaling.

I secretly hired a detective. Hindi ko na ipinalaam dahil wala rin naman akong balak na makipag-communicate pa. Aalamin ko lang ang pinanggalingan ko. Iyon lang iyon. Napilitan akong maghalungkat sa mga gamit nila mommy para maghanap ng clue kung saan ako dapat magsalita hanggang sa nakita ko ang lumang handwritten na kasunduan tungkol sa pagbili nila mommy sa isang baby. And I know that was me. Nakita kong Eric Magno ang pangalan ng lalaking nagbenta ng bata.

After a series of investigations, sad to say, it was all negative. Nahirapan akong ipahanap si Eric Magno. Na-fu-frustrate na rin ako pero wala akong ibang ginawa kundi ang maghintay sa resulta.

Hanggang sa kinausap ako ng detective. He insisted to meet me in person. Pumayag ako dahil ramdam kong mahalaga ang sasabihin niya.

"Any news?" tanong ko kapagdaka.

Tumango ang matandang detective. "Yes but I'm sorry, I think I found something more."

Inabot ko ang folder na hawak niya at binuklat. Parang nanlaki ang ulo ko nang makita ang picture ng isang babae na kahawig ko na kuha sa isang webcam. Nakahubad siya. Iba-ibang anggulo at kinikilabutan ako sa mga malalaswang post niya. Pakiramdam ko, dahil hindi magkalayo ang itsura namin ay ako ang nasa picture!

"T-This is not me!" napapahiyang bulalas ko.

"I know. She is Eunice Carreon also known as Erica Valentino. We found out about her on a porn site. You see, I am also conducting another investigation about cyber prostitution that's why I saw her. I investigated her and found out that she's the daughter of Frederico Carreon also known as Eric Magno. Eric was his nickname and Magno was his middle name. Eric Magno was known gambler that's why he was using his alias. He wanted to hide his identity." Paliwanag ng detective.

Gulat na gulat ako sa mga nalaman. Binasa ko pa ang report ng detective at na-shock ako sa background ng pinanggalingan kong pamilya.

Isang dating pole dancer ang nanay ko at kasalukuyang sumasama kung kani-kaninong lalaking mayroong pera. Si Eunice ay bagaman nakapagtapos ng college ay mas piniling pasukin ang paghuhubad on line. Sugarol ang namayapa kong ama. At ayon sa investigasyon ay matagal na silang hiwalay.

"Thank you..." shocked pa ring pasasalamat ko sa detective. Pinilit kong makabawi sa lahat at sumulat sa check book ng huling bayad ko sa kanya.

Tulala ako nang mapagisa. Hindi maalis sa isip ko ang lahat. Hanggang sa hindi ko maikaila sa isip na mayroong isang balita ang nakapagpasaya sa akin: mayroon akong kapatid—si Eunice.

Mukhang kailangan niya ako para hindi tuluyang masadlak sa putikan...

DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)Where stories live. Discover now