13 - Amnesia

2.6K 81 2
                                    

 
 
  
   
ANG TUMATAMANG liwanag sa mukha ni Loviel ang nagpamulat sa kanya. Bumangon siya at tiningnan ang bakanteng higaan sa tabi niya. Nakabangon na siguro si Leidan.

Umahon siya sa kama at hinagilap ang roba. She needs to freshen up. Baka sakaling maging malinaw ang lahat sa kanya. Inaantok pa siyang pumasok sa banyo only to see a naked man under the shower.

"Ahhh!!" Tili niya nang makita ang kahubdan ni Leidon sa likod ng bubog na dingding na naghihiwalay sa shower area at sa water closet.

Mabilis naman ang naging kilos ni Leidon para balutin ang katawan.

"What is it? Anong nangyari?" Gulat na tanong ni Leidon kay Loviel. Nakatapis na ito ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan.

"You were taking a bath naked and I saw.. your.. nakedness!" Naiinis na wika ni Loviel na nakatakip ang mga kamay sa mata.

Leidon cracked a smile.

"I'm covered, Lovie."

Dahan-dahan naman na inalis ni Loviel ang kamay na tumatakip sa mata. Pinanlisikan niya ng tingin ang lalaki na hindi mawala ang ngiti sa labi.

"Bakit ba hindi ka naglalocked ng pinto?!" Inis na tanong ni Loviel.

"I'm sorry about that. Nasanay kasi ako na hindi naglalocked ng pinto dahil ayaw mo." Kumuha pa ng isa pang tuwalya si Leidon para tuyuin ang buhok.

Napakunot naman ang noo ni Loviel. Tinutukoy ba nito ang buhay niz

"Let's talk about that later after I take a bath. Get out."

Agad namang tumalima si Leidon. Lumabas ito ng banyo para magbihis. Pagkalabas ng lalaki ay isinara ni Loviel ang pinto at inilock ito.

Ilang minuto siyang nakasandal sa pinto at iniisip ang mga sinabi ni Leidon. She has an amnesia. Mahirap paniwalaan dahil ang alam niya ay ito ang may amnesia at hindi maalala ang nakaraan nito. Pero bakit tila bumabaliktad ang sitwasyon nila. Ano ba ang dapat niyang paniwalaan?

Noong mga nakalipas na araw ay nawindang ang mundo niya nang makita ang kamukha ng kanyang asawa. Akala niya ay makukulong siyang muli sa poder ng mapanakit na si Leidan. Tinulungan niya itong makaalala ngunit iba ang nangyari. Siya na ngayon ang tinutulungan nitong makaalala.

She needs to know how she had an amnesia.

Nagmamadali siyang naligo para makausap si Leidan. Nang matapos at makapagbihis ay agadniya itong hinanap. Nakita niya ito sa gilid ng pool at may kausap sa cellphone. Nakatalikod ito kaya hindi siya nito namalayan na lumapit.

Pinakinggan ni Loviel ang pinag-uusapan nito at ng nasa kabilang linya.

"Tell her I miss her, mom. Kaunting panahon na lang makakasama na niya ang kanyang mommy." Bumaling si Leidon sa kanan kaya agad na kumubli si Loviel sa likod ng halaman. "Yes, mom. She's fine. She just need time to recover."

Naisip ni Loviel na siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Mas lalo niyang ginalingan ang pagtago para mapakinggan ang kung ano pang mapag-uusapan ni Leidon at ng kausap nito na sa wari niya ay ina nito.

"I know, mom. Akala ko rin hindi ko na siya makikita pero tadhana ang gumawa ng paraan para magkrus ang landas namin. I was not able to call you for a couple of months because of the accident I had. But I'm sure my men told you I'm fine. I was able to regain my memory because of her. And now, it's my turn to help her."

Nakita ni Loviel na ngumiti si Leidon at tumango na tila masayang sinasang-ayunan ang sinasabi ng nasa kabilang linya.

"I will, mom. I got to go. I will call you once she remembers. Okay. Tell my baby I love her and her mommy loves her so much."

After saying those words, Leidon cut the call. Bumuntong hininga muna ito bago pumasok sa kabahayan. Pinanatili ni Loviel ang sarili na nakakubli hanggang sa masiguro na wala na si Leidon.

Lumabas lamang siya sa pinagtataguan nang masigurong wala na ito. Pumasok siya sa loob ng kabahayan at hinanap ang lalaki. She checked his office but he was not there. Sunod niyang tinungo ang lihim na silid ngunit wala rin ito doon.

She went into their bedroom but he was not also there. Huli niyang pinuntahan ang kusina at doon niya ito nakita abala sa paggawa ng kung ano.

"Can we talk?" tanong niya rito.

Nilingon siya nito saka ngumiti. "Sure. Let me finish this sandwich for you."

Tinanguan niya ito at umupo sa island stool habang hinihintay ang sandwich na ginagawa nito. Ilang minuto lang ay inilapag nito sa harap niya ang dalawang piraso ng sandwich na nasa magkaibang plato.

"We can now talk." Naupo ito sa island stool na katapat ng sa kanya. "What do you want to talk about?"

"You said I had an amnesia." Panimula niya. "How did I had it? Did I had an accident?"

"No. Hindi ka naaksidente. You were abducted."

"I was abducted?? By whom?" Habang nagtatanong si Loviel kay Leidon ay may mga piraso ng larawan sa kanyang isipan ang kanyang nakita. Sigurado siyang mga alaala niya iyon.

"By the man you thought was your husband."

"Si Leidan?"

Tumango si Leidon while he grabbed one of the sandwiches and stuck it into his mouth for a bite.

"No other than Leidan. Siya lang naman ang kilala mong asawa hindi ba?" Loviel sensed sarcasm and pain in Leidon's words.

"Siya ang kilala ko dahil siya ang naaalala ko. If you're my husband, help me remember you then." Loviel said with desperate tone. "Kung totoo ang sinasabi mo na may amnesia ako, sino ang mga taong kinilala kong pamilya? Sino ba talaga ako? I can't just believe whatever you say. Hindi kita kilala para basta na lang paniwalaan ang mga sinasabi mo. I don't even know your real name."

"Leidon Cardinal. I am Leidon Cardinal and you are Mary Loviel Flores Cardinal, my wife."

Inalok siya ni Leidon ng sandwich na ginawa nito ngunit tinanggihan niya. Hindi naman sa hindi niya ito gusto, mas interesado lang siya sa mga nalalaman nito tungkol sa kanyang totoong pagkatao.

Katulad na lamang ng pangalan niya na ang alam niya ay Loviel Torres pero ngayon nalaman niyang ang pangalan pala niya ay Mary Loviel Flores-Cardinal.

"Bakit naman ako maniniwala sa mga sinasabi mo? Paano kong ginagawa mo lang ito para makalimutan ko si Leidan?" May pagdududa pa rin sa dibdib niya.

Hindi niya matanggap na ang buhay na pinaniniwalaan niya ay hindi pala totoo. Her life was a lie.

"I just want my wife back. May mga taong naghihintay na maalala mo, Loviel. I wouldn't risked my life if this is all a drama."

Nagtataka siyang tumingin kay Leidon dahil sa sinabi nito. She didn't asked anything but Leidon knew what she wanted to ask.

"Naaksidente ang yate ko the same day Leidan died. Patungo rin ako sa Cebu noon dahil ayon sa aking informant ay doon pupunta ang taong kumuha sa iyo. I didn't know that time na si Leidan ang abductor mo. My yatch crashed because of the debris from Leidan's plane. My head hit a hard object from the yatch that caused my temporary memory loss. Months have passed that I lived as Leidan because of his things found with me. Hanggang sa may mga tao na nag-claim na hindi ako si Leidan kundi si Leidon Cardinal. I didn't believe them dahil sa mga gamit ni Leidan. Kaya tumakas ako para alamin ang totoo kong pagkatao until I met you. You helped me remember my past including Paulin." Leidon paused when his phone rang.

Nabitin naman sa ere ang pagsasalaysay ni Leidon kay Loviel nang sagutin nuto ang tawag. Lumayo si Leidon sa kanya para kausapin kung sino man ang tumawag.

Naiwan naman si Loviel na nakatanaw lamang sa likod ng lalaki na nagsasabing asawa niya.

'If you really are my husband, I am a lucky woman then.' Loviel felt butterflies in her stomach while watching Leidon from afar.

Ang gwapo naman ng asawa niya.

 
  
  
~~~~~~~~~~~~~~

Alluring Mrs. BiancaflorWhere stories live. Discover now