10 - Supposed To Be

2.3K 72 7
                                    

 
  
 
NAGISING si Loviel na himig ng awitin na kanyang naririnig. May tumutugtog ng piano at pamilyar sa kanya ang himig ng tinutugtog nito. Sumasabay ang himig sa kanyang utak sa bawat tunog ng piano.

Bumangon siya mula sa kinahihigaang kama at hinanap ang pinanggagalingan ng tunog. Bagaman nagtataka kung nasaan si Leidan na katabi niyang natulog kagabi ay isinantabi na muna niya ito. She's curious to know who was playing her favorite song on the piano. Sa panaginip niya lamang nakikita na may tumutugtog sa piano ng kanyang paboritong awitin ngunit ngayon ay totoo na ito.

Dinala siya ng mga paa sa isang silid hindi kalayuan sa silid nila ni Leidan. Nakaawang ang pinto ng silid kaya bahagya niyang nakikita ang likod ng isang lalaki sa harap ng grand piano. Ito ang tumutugtog ng kanyang paboritong awitin.

Napakunot ang noo niya. Nakita na niya sa kanyang panaginip ang lalaking iyon. Is this a dream come true?

Naglakad siya palapit sa lalaking tumutugtog. Habang papalapit siya ay palakas naman ng palakas ang tibok ng puso niya. The man was wearing a white shirt and a white pajama. His hair was disheveled as if he just woke up.

Nang makalapit rito ay hindi na siya nagulat nang makita si Leidan. Nakapikit ito habang ang mga kamay ay tumutugtog. She loves the song he was playing. It her favorite song. She just love that song and she doesn't know why.

"How did you know this song?" tanong ni Loviel kay Leidan.

Napamulat si Leidon nang marinig ang tinig niya. Ngunit tuloy pa rin ang mga kamay nito sa pagtugtog.

"This is your favorite song." Kaswal na tugon nito saka ngumiti kay Loviel.

Naupo siya sa bakanteng pwesto sa tabi nito.

"Yeah, that's my favorite. But how did you know this? Kahit si Leidan ay hindi alam kung ano ang mga paborito at ayaw ko pero ikaw, paano mo nalaman ang mga gusto ko?" Napansin kasi ni Loviel na halos lahat ng bagay sa bahay na iyon ay angkop sa panlasa niya.

Even the curtains and the bed covers were according to her likes. Ang mga gamit sa kusina ay swak din sa kanyang panlasa. Pakiramdam nga niya ginawa ang bahay na iyon para sa kanya.

"Because I know you more than anyone else in this world, Lovie."

Napakunot siya sa makahulugan nitong mga salita.

"Bumalik na ba ang mga alaala mo, Leidan?" tanong niya rito.

Ngumiti lamang ito saka muling nagtipa sa piano. This time it was a different song. Ang ipinagtataka niya ay alam niya ang awit na ito. As he played the piano, pictures from her mind flashed before her.

What the f*ck was those images? Hindi malinaw ang mga imahe sa kanyang isipan ngunit natitiyak niyang kasama si Leidan sa mga imaheng iyon.

"If only I could turn back the time, hindi ko sama ginawa ang mga ginawa ko noon. Mas masaya sana tayo, Loviel. It's all my fault." Maya-maya ay wika ni Leidan nang matapos nito ang pagtugtog sa piano.

Naisip na Loviel na ang tinutukoy siguro nito ay ang mga ginawa nitong pananakit sa kanya noon. Ang pagtrato nito sa kanya na parang isang bagay na pag-aari nito na pwede nitong gawin ang kahit na ano sa kanya.

"I know you have your reasons for doing those things, Leidan. You just have to learn how to handle your anger and everything will be alright." Alam niyang may anger management issues ito kaya hindi nito makontrol ang galit.

"I wish I had but there's no valid reason to justify what I did. I am sorry, Lovie. Sorry for not being there to protect you. Naging duwag ako."

Nagtaka siya sa sinabi nito. Iba ang tinutukoy nito na nagawang kasalanan. It was not about his anger management issues. Iba ang tinutukoy ni Leidan na ipinagtataka niya.

"Protect me from what, Leidan? Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan."

Tiningnan siya ni Leidan sa mga mata saka kinulong ang kanyang mukha sa mga palad nito.

"Babawi ako, Lovie. Babawi ako sa lahat ng aking mga pagkukulang." Pagkasabi nito no'n ay hinagkan siya nito sa labi at niyakap.

Naguguluhan siya pero gumanti pa rin siya ng yakap dito. She felt safer when she's on Leidan's arms. Pakiramdam niya ay walang makakapanakit sa kanya kapag nasa bisig siya ng asawa. Ibang-iba ang pakiramdam na ito noong ang nakakasama niya ay ang Leidan na mapanakit.

"Sa tingin ko bumabalik na ang alaala mo, Leidan," sabi niya habang nakayakap dito.

"Sana nga bumalik na ang mga alaalang nawala, Lovie."

Mga salita ni Leidan na alam niyang may ibang ibig sabihin. Hindi lamang niya matukoy kung ano ang nais nitong iparating.
 
  
   
SABAY na kumain sina Loviel at Leidan ng almusal. Bahagya pang nagulat si Loviel nang makita ang mga pagkaing ipinaluto ni Leidan sa mga katiwala.

"Sana magustuhan po ninyo ang mga iniluto namin, Miss Loviel," wika pa ng isang katulong na naghain ng pagkain sa harap niya.

Nginitian niya ito.

"Sigurado na magugustuhan ko ang mga ito. These are all my favorite." Binalingan ni Loviel si Leidan na tahimik lamang na nakamasid sa kanya. "Salamat dito pero nagtataka pa rin ako kung paano mo nalaman ang mga gusto kong pagkain. Sino sa pamilya ko ang kasabwat mo rito?"

"Meron ba sa pamilya mo ang gusto na makausap ako para pagtanungan ko ng mga bagay na ito, Lovie?"

Kinunutan niya ito ng noo. Ano na naman ba ang ibig sabihin nito?

"Oo naman. Close kayo ng parents ko 'di ba? Kaya nga mabilis mo silang napapayag noon na pakasalan ako." Hindi niya sinasadya na maging sarkastiko kay Leidan. Hindi lamang niya mapigilan ang sarili dahil hanggang ngayon ay ikinasasama pa rin ng loob niya ang ginawa nito at ng magulang niya. Agad din naman niyang binawi ang mga sinabi nang maalala na wala nga pala itong maalala. "Pasensiya ka na, hindi mo nga pala 'yon naaalala."

Hindi naman ito umimik. Itinuon na lamang nito ang tingin sa pagkain na nasa plato nito. He looks disappointed. Wala itong imik habang kumakain. Siya naman ay hindi mapakali dahil natatakot siya na baka galit ito at saktan siya.

"Eat comfortably, Lovie."

Napaupo siya nang tuwid nang magsalita ito. Napakalakas ng kabog ng dibdib niya. Naaalala niya kung paano magalit si Leidan at natatakot siya na baka ma-trigger niya ang hindi maganda nitong behavior kapag galit.

Napakislot siya nang hulihin nito ang kamay niya. Nanlalamig anag kamay niya at nanginginig sa takot.

"I'm sorry, Leidan. Hindi ko sinasadya na sagutin ka ng ganon. Hindi na mauulit. Huwag mo akong sasaktan." Pinipigilan niyang maiyak habang nakikiusap sa asawa.

Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito dahil ayaw niyang makita ang galit sa mga mata nito.

"I am not mad at you and I won't hurt you if that's bothering you, Lovie." Marahan nitong pinisil ang kamay niya saka ngumiti. Wala siyang nakita na kahit kaunting galit sa mga mata nito ng tingnan niya. "I will protect you and will never hurt you. Remember that."

Napatango naman siya sa sinabi nito. Unti-unting nawala ang kaba at takot niya rito.

Umahon naman ito sa kinauupuan at hinagkan siya sa noo.

"Aalis muna ako sandali. May tao lang ako na kakausapin. See you at lunch."

Umalis kaagad ito pagkasabi noon. Sinundan lang niya ito ng tingin habang papalayo. Hindi naman nakaligtas sa paningin niya ang nakakuyom nitong kamao.

Did Leidan controlled his anger just now?

Napangiti siya sa pagbabagong iyon ng asawa. Sana ito na ang simula ng maganda nilang pagsasama na mag-asawa.
  
   
   
    
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Alluring Mrs. BiancaflorWhere stories live. Discover now