04 - Freed

3K 84 1
                                    

 
  
   
ILANG ARAW NA SIMULA NANG MAAKSIDENTE ANG PRIVATE PLANE NI LEIDAN. Wala pa ring narerecover na katawan dahil sa lalim ng lugar na pinagbagsakan ng eroplano nito. Kahit ang katawan ng mga kasama nito sa eroplano ay hindi rin narecover pa ang katawan.

It's been five days. Limang araw na silang nagluluksa sa pagkawala ni Leidan.

"Loviel, we need to talk to you." Mr. Daniel Biancaflor approached her while she was busy talking with a friend who payed her a visit after she learned about Leidan's death.

"Yes, Tito." Loviel excused herself for a second and followed Leidan's father. "Kamusta na po ang paghahanap sa katawan ni Leidan, Tito?"

Until now Loviel is still calling Leidan's parents as Tito and Tita. She feels like she has no right to call them Mom nor Dad because she doesn't really love their son.

"That's what we wanted to talk with you, Loviel." Mr. Biancaflor's face saddened. "Labag man sa aming kalooban pero itinigil na namin ang paghahanap sa labi ni Leidan at ng mga kasama niya. It was too risky. Masyadong malalim ang lugar at napakadelikado para sa rescue team ang pilitin na abutin ang ilalim ng karagatan. We decided to stopped at tanggapin na ang katotohanan na wala na talaga si Leidan. Sana maintindihan mo kami kung hindi namin maipakita sa iyo ang katawan ng iyong asawa. It was also hard for us."

Loviel became sad at the news. Oo at ayaw niya kay Leidan pero ang hindi ito makita sa huling pagkakataon ay lubhang nakakalungkot din. Hindi man lang siya nakapagpaalam rito. Ngunit wala siyang magagawa kung iyon ang desisyon ng mga magulang nito.

"Kung 'yon po ang desisyon niyo wala po akong magagawa." Iyon lamang ang tanging nasabi ni Loviel.

Kinabukasan nga ay nagsagawa sila ng funeral para kay Leidan kahit na wala ang bangkay nito. Sa dagat kung saan bumagsak ang eroplano nito ay nagdaos sila ng maikling misa ng pamamaalam sa namayapang asawa. Deep inside Loviel's grieving was a silent happiness. She is really free from Leidan's obsession.

"Goodbye, Leidan. Maraming salamat sa kalayaan na binigay mo." Mahinang usal ni Loviel habang pinapanood na dalhin ng alon ang bulaklak na itinapon sa dagat para kay Leidan. "Maraming salamat sa pagpapatatag sa akin. Tinuruan mo akong maging matapang. Pinaramdam mo man sa akin ang lahat ng sakit na hindi ko pinangarap na maranasan, alam kong hindi mo iyon sinasadya. Pinapatawad na kita sa mga nagawa mo."

Nakahinga ng maluwag si Loviel nang makita kung paano tangayin ng karagatan ang bulaklak. It was like Leidan was telling her that she's free. She smiled as a cold breeze touched her skin.
 
  
  
   
  
ONE YEAR LATER...
 
  
   
Hindi na bumalik sa dating trabaho si Loviel pagkatapos ng trahedyang nangyari kay Leidan. Nahirapan na siyang maging komportable sa trabaho dahil pakiramdam niya ay lahat ng makakasalamuha niya ay pinapakisamahan lamang siya dahil sa awa. Sino nga ba naman ang hindi maaawa sa tulad niyang ilang oras pa lang na naikakasal ay nabalo na kaagad.

Isa pa sa problema niya ay ang apelyido ni Leidan na dala-dala pa rin niya hanggang ngayon. She is still Mrs. Loviel Biancaflor dahil ayaw pumayag ng mga magulang ni Leidan na magpalit siya ng apelyido habang wala pa siyang nakikita na mapapangasawa muli. She's not in a hurry to get married so soon. Pagkatapos nang nangyari kay Leidan pakiramdam ni Loviel ay nagkaroon siya ng sumpa dahil walang lalaki ang nagtatangka na manligaw sa kanya.

"Loviel, may problema daw sa branch. Baka pwedeng ikaw na muna ang pumunta doon at ayusin kung ano man ang problema. Kailangan ko lang tapusin itong proposal para sa ating expansion." It was Layzel, Loviel's eldest sister.

Dahil nga hindi na bumalik si Loviel sa dating trabaho na flight attendant ay tumulong na lamang siya sa negosyo ng kanyang pamilya na bigay ni Leidan. Dahil nagtapos ng kursong cooking and pastry ang kanyang nakakatandang kapatid, isang bake shop and restaurant ang kanilang negosyo. Mayroon na silang isang branch sa Quezon City habang ang main ay nasa Makati City. Sila ng ate niya ang nagmamanage ng kanilang negosyo dahil hindi na ito kayang asikasuhin ng kanilang mga magulang.

"Sige, ate Lay. Pupunta na ako." Agad na kinuha ni Loviel ang susi ng kotse at umalis para puntahan ang branch sa Quezon city.

Ilang minuto lang ang naging travel ni Loviel dahil hindi naman traffic. Pagdating niya sa branch ay sumalubong agad sa kanya ang manager na si Claire.

"Mam Loviel, pasensiya na po sa pagpapapunta sa inyo rito. May isa po kasi tayong costumer na nagrereklamo dahil mali ang naibigay sa kanya na meal. Irereklamo daw po niya ang restaurant dahil hindi maganda ang serbisyo." Agad na wika ni Claire nang makalapit kay Loviel.

"Mali nga ba ang naibigay sa kanya o hindi?" Loviel calmly asked.

Hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena dahil ilang beses na siyang nakasalamuha ng mga ganitong costumer na nantitrip ng mga service crew na kesyo mali ang bigay na order pero ang totoo hindi nagustuhan ng mga ito ang lasa ng inorder nila kasi akala nila swak sa panlasa nila iyong nasa picture.

"Nagkamali po ng bigay ang waiter pero agad din naman po napalitan pero nagalit pa rin po ang costumer." Claire was so nervous while telling her the situation.

Naiintindihan niya ito dahil bago lamang ito sa posisyon bilang manager.

"Where is the costumer and the waiter?" Naglakad si Loviel papasok sa private area ng restaurant kung saan mga authorized personnel lamang ang pwede.

"Nasa opisina po siya, mam."

Mas binilisan at nilakihan ni Loviel ang hakbang. Habang naglalakad ay inihahanda na ni Loviel sa isip ang mga sasabihin para hindi na makaangal ang costumer. As for her crew, may kaparusahan ang pagkakamali nito.

Mabilis na binuksan ni Claire ang pinto ng opisina nito. Loviel stepped inside. Nang makapasok sa loob at makita ang nakatalikod na lalaki na kinakausap sa mataas na tono ng boses ang mga crew na naroon ay nabuhay ang pamilyar na kaba sa dibdib ni Loviel.

The built of the guy facing his back at her was so familiar to her. Hindi siya maaaring magkamali dahil mahigit isang taon niyang kinatakutan ang bulto ng lalaking iyon. Naging mabagal ang hakbang ni Loviel habang papalapit sa lalaki. Nakamalay naman ang lalaki sa presensiya niya kaya dahan-dahan itong humarap sa kanya.

Muntik nang mawalan ng balanse si Loviel nang makita ang mukha ng lalaki. Muling nabuhay amg takot at kaba sa dibdib niya nang makita ang mukha ng asawa.

"Leidan?" Loviel couldn't believe what her eyes were seeing.

Kumunot ang noo ng lalaki.

"Excuse me, how did you know my name? Are you the owner of this place?" Magalang at kalmadong tanong ng lalaki na may mukha ng asawa niyang si Leidan.
 
 
Totoo ba ang nakikita niya o namamalikmata lamang siya? Buhay nga ba talaga si Leidan? Si Leidan nga ba talaga ang nasa harap ni Loviel at buhay na buhay na kinakausap siya?

Makukulong na naman ba siya sa takot?

 
 
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Alluring Mrs. BiancaflorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon