CAPITULUM 65

1.1K 118 17
                                    

"Quite foolish of you, Terrence Hidalgo.. or should I call you 'Macky'?"

Detective Nico Yukishito noticed him flinch at the name.

"P-Paano mo nalamang...?"

"Ikaw si Macky? We did some investigation."

Hindi pa rin natinag si Nico sa panganib na nagtatago sa likod ng mga mata ng Robinhood Arsonist. Marami na siyang nakaharap na kriminal, that's why he is no longer affected by their evil. Unti-unti nang nagiging immune si Nico sa mga demonyong katulad ng lalaking kaharap niya ngayon.

Yes, the notorious Robinhood Arsonist is none other than Terrence Hidalgo, or "Macky". Ang parehong Macky na lumaki sa bahay-ampunan at nakaligtas sa sunog sa apartment ni Arnold Cabrera.

At first, it seems impossible.

But the best mysteries always have the worst twists...

"Nakaligtas ka sa sunog na 'yon, labing-apat na taon na ang nakakaraan. Naikumpirma ito ng 'nanay' mong si Mrs. Alma Hidalgo---oh, wait. You're not really her son, are you?"

Nang hindi umimik si Terrence, ipinagpatuloy lang ni Nico ang kanyang paliwanag.

"Dating arson investigator ng Eastwood Fire Department ang asawa ni Mrs. Hidalgo... at ang isa sa mga kasong iniimbestigahan niya noon ay ang mga sunog na nilikha ng kriminal slash arsonist na si Arnold Cabrera. Fifteen years ago, pinatay ni Cabrera si Mr. Hidalgo. Nagtago siya sa batas at sinubukang 'magbagong-buhay' kaya inampon ka niya mula sa Genesis orphanage. Ni hindi mo alam na isang kriminal at mamamatay-tao ang lalaking umampon sa'yo, Macky. Kung hindi ako nagkakamali, natutunan mo ang ilang arson techniques kay Cabrera, hindi ba? Living with an arsonist, you slowly adapted his way of killing, even though you were just nine years old that time...

One year later, dahil wala na siyang maipangkain sa'yo at wala na siyang pambayad sa inuupahan niyong apartment, kinidnap ni Cabrera ang batang si 'Terrence Hidalgo'---coincidentally, the son of the man he killed before... Nang malaman ni Mrs. Hidalgo na si Cabrera ang kidnapper, muling nabuhay ang galit niya at ang takot na may mamatay na naman sa kanyang pamilya. She refused to give the ransom. Instead, she acted on impulse and located your apartment... pero nang maabutan niya kayo roon, huli na ang lahat. Pinatay ni Cabrera ang batang si Terrence...

Sa galit ni Mrs. Hidalgo, she attacked with a knife and killed Cabrera. Nang mahimasmasan na siya sa ginawa niyang krimen, doon ka niya napansing nagtatago sa isang sulok. You already had a matured mind at the age of ten, at ikaw mismo ang nagmungkahi kay Mrs. Hidalgo na sunugin ang bangkay nila Cabrera at ang buong apartment para walang maiwang ebidensya ng karumal-dumal na krimen.. the plot twist? Magkasing-edad lang kayo noon ng namatay niyang anak na si Terrence. You were both desprate to escape that crime scene, that's why Mrs. Hidalgo agreed that you will replace her dead son..."

Walang-ganang napailing si Nico sa nalaman nilang katotohanan nang kumprontahin nila si Mrs. Hidalgo kanina. It was a gruesome crime, indeed. Nonetheless, it shed some light on the case.

"Ang bangkay na nahanap ng mga awtoridad sa apartment ni Cabrera ay ang bangkay ng totoong Terrence Hidalgo. Inakala nilang ikaw ang namatay noon, pero hindi nila alam na nagpalit kayo ng katauhan. Desperada at tuliro noon si Mrs. Hidalgo, kaya gumawa siya ng mga ilegal na paraan para iayos ang identity mo. The burnt body of her kid inside Cabrera's apartment wasn't even verified if it was you, thanks to her insistence... Tuluyan mo nang inangkin ang buhay ni Terrence at tumira sa bahay ng mga Hidalgo. Inamin ni Mrs. Hidalgo ang lahat ng iyon."

Iyon rin ang dahilan kung bakit hindi naglalagay ng mga lumang larawan si Mrs. Hidalgo sa kanilang bahay tuwing may bisita sila. Kaya nang makita ni Rizee ang lumang family picture nila (na kinuha bago mamatay si Mr. Hidalgo), agad na nataranta ang ginang at itinago ito. Ayaw niyang may makapansin na hindi kamukha ng "Terrence" ngayon ang tunay na anak niyang namatay noon. Once they find out that he looks nothing like the kid in the old photo, people will surely have suspicion.

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now