CAPITULUM 46

1.1K 97 1
                                    

'Very creative, Robinhood Arsonist.'

Illuminated by the light of a nearby streetlamp, Detective Nico Yukishito saw writings on one page. Nakasulat sa itaas ng pahina ng maliit na bibliya ang mga numerong iniwan sa kanila ng arsonist.

2 1     8 -1      0  0      4  -1

Nova peered over his shoulders to have a look of it. Ilang sandali pa, napailing na lang ang dalaga. Hindi pa rin nito maunawaan ang ibig sabihin ng mga numero. "It looks like RA wrote this himself.. pareho ang handwriting sa mga naunang number code na nakita natin kina Mr. Jones at Mr. Kingstone. Black signpen ang ginamit niya.  Mukhang inaasahan na niyang bubuklatin natin ang bible na 'yan. Sick bastard!"

Pero tahimik lang na pinag-aralan ni Nico ang mga numero.

Indeed, it was the same handwriting.

"Well, it looks like we can finally add something to his profile, Nova."

"What do you mean?"

Itinuro niya ang mga numerong nakasulat sa bibliya, "The letters slant to the left, and we can see a few smudges of ink on the left side of the paper.. Given that it's his handwriting, there's a high possibility that the Robinhood Arsonist is..."

"Left-handed!"

Ngumisi si Nico at tumango.

Bumaling ulit siya sa bahay ni Dr. Aguirre. Tuluyan nang naapula ng mga bumbero ang sunog.

'Kung hindi sila rumesponde agad, baka tuluyan nang nasunog ang buong bahay.'

Ilang sandali pa, nilapitan siya ng lider ng grupo. He took off his helmet, revealing the perspiration on his forehead. Alanganin itong ngumiti kay Nico, tila nagdadalawang-isip sa sasabihin.

"Mabuti na lang at hindi pa kumalat sa second floor yung apoy. We detected the use of an accelerant. Most likely gasoline. N-Nahanap na rin namin ang katawan ni Dr. Aguirre.. he's body was burned beyond recognition. Poor man." Napapailing na lang nitong sabi. "Tinatawagan na ni Officer Mariano sina Inspector Ortega."

"Have you seen anything odd inside the house?"

"Um... Hindi pa po namin masyadong nalibot---"

"Good. I'll go and check the crime scene myself."

Nagulat pa ang bumbero sa sinabi ni Nico. Bumaling siya kay Nova at inabot dito ang bibliya. "I'll be back." Bago pa man siya sumagot, dumiretso na ang binata sa nasunog na bahay. Hindi na niya pinansin ang naguguluhang tinging ipinukol sa kanya ng iba pang mga bumbero. Sa isang gilid, nakita niyang abala pa rin si Rizee sa pakikipag-usap sa telepono.

Binuksan niya ang flashlight ng kanyang cellphone. Mabilis siyang pumuslit sa loob at hinakbangan ang ilang mga nasunog na kagamitan. Basa pa ang sahig dahil sa mga kemikal na ginamit ng mga bumbero sa pag-apula ng apoy, at nang inilibot ni Nico ang ilaw, tumambad sa kanya ang nasunog na bangkay ni Dr. Aguirre.

The black corpse laid motionlessly on the floor, a rope tied to his neck.

Nilapitan ni Nico ang katawan at sinipat nang maigi ang bungo nito. 'It looks like the arsonist even smashed his skull.. What a fucking monster.'

Detective Nico Yukishito spent the next few minutes scavaging through the rubble, looking for anything that can give them a lead. Wala siyang ibang nahanap maliban na lang sa bathtub na mukhang pinuno ng gasolina. The fire caught it too quickly, and Nico was surprise that an explosion didn't occur.

Dumako ang mga mata ni Nico sa ikalawang palapag. Doon niya napansing nakabukas ang isang pinto.

He walked up the stairs and entered the room. It was as dark and lifeless as the corpse downstairs. Hindi na magugulat ang binata kung bigla na lang magpakita ang multo ni Dr. Aguirre.

That idea almost amused him.

"Kung nakakapagsalita nga lang ang mga patay, mas magiging madali ang paglutas sa mga krimen dito sa Eastwood."

Akmang babalik na sana siya sa ibaba nang mahagip ng kanyang mga mata ang ilang piraso ng damit sa sahig. Nico crouched down and saw a pair of shirt and pants. His eyes sharpened at when he noticed the stain on them.

'Gasoline.'

Nang ilatag niya sa sahig ang pantalon, nakumpirma niyang hindi ito kay Dr. Aguirre. Judging from the corpse downstairs, hindi katangkaran ang doktor. He also had short legs.

Sa haba ng pantalon, madaling malaman na matangkad ang lalaking nagsuot nito.

These clothes can only be the Robinhood Arsonist's.

Nang kapain niya ang mga bulsa, doon niya nakita ang nakatiklop na tissue paper.

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon