Author's note

908 40 40
                                    

Siguro marami sa inyo ang naiinis sa kwento, isama niyo na ako. Pero uulitin ko, kailangang mawala ni Shot. Ilang beses kong inulit at sinabi na hindi ito love story, sinulat ko siya dahil may gusto akong sabihin sa mga mambabasa ko.

Ano nga bang gusto kong sabihin?

Gusto kong ipakita ang kahalagahan ng maliliit na bagay. Hindi porket malakas ang mga mahal mo sa buhay ay habambuhay na sialng nandyan sa tabi mo. Hindi natin hawak ang oras, nasabi mo na ba ang I love you sa kanila? Hihintayin mo pa bang maranasan ang sakit na naranasan ni Lian na hindi man lamang narinig ni Shot ang salitang I love you mula sa kanya?

Gusto ko ring ipakita na hindi porket buhay ka eh nabubuhay ka na. Gusto niyo bang mabuhay katulad ni Lian noong una oh kagaya ni Shot? Hindi masama ang protektahan ang sarili sa mga pananakit ng mundo, pero kapag ginawa mo iyon ay pinoprotektahan mo rin ang sarili mo laban sa kasiyahang dulot nito.

Salamat muli sa pagbasa.

Hope in a Bottle (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora