Prologue:

2.6K 56 1
                                    

Lian (Voice over)

Tuwing sasapit ang aking kaarawan ay nakagawian ko nang magpa-anod sa tabing ilog ng mga bagay na inaasam ko.  Isinusulat kong lahat ng iyon sa kapirasong papel at inilalagay sa isang bote, umaasa na dadalhin ito ng alon sa isang tao na makakarinig sa kwento ko.

Ngunit parang gaya ng bote ay inaanod lang palayo ang aking pag-asa.   Patuloy na inaanod sa kawalan, hindi sigurado ang pupuntahan.  Hindi naman sa umaasa akong may darating na lamang isang araw at tutulungan ako, nais ko lang talagang may makarinig ng kwento ko.  Hindi naman din masamang umasa, lalo na sa isang tulad ko na handang maniwala kahit saan.

Hope in a Bottle (Completed)Where stories live. Discover now