Chapter 9: Happy Birthday Lian!

628 22 1
                                    

"Happy Birthday to you" Sabay sabay na awitan ng lahat na naroon. Kahit iilan lamang sila sa bahay nila Lian ay damang dama mo ang saya nila. Dumating doon ang apat na kaibigan ni Lian, dumating din doon sila Shot, Tonton pati na ang Mama nito.

Hinipan ni Lian ang kadila sa cake at nagpalakpakan sila. "Ngayon na lang ako nakaihip ng candle sa cake." Emosyonal na sabi ni Lian. "Muntik ko nang makalimutan na ganito pala kasaya magcelebrate ng birthday. Napakaespesyal ng pakiramdam ko." Patuloy pa nito.

"Espesyal ka naman kay kuya palagi." wika ni Tonton kay Lian sabay tinukso siya ng kanyang mga bisita.

"Naku, tantanan niyo nga ako. Kumain na tayo." Saway ni Lian sa kanyang mga bisita sabay nagtawanan sila.

Habang nagsasalo-salo sila sa inihandanng pagkain nila Lian ay maririnig mo ang tawanan sa parte nila Lian at kanyang mga kaibigan. Si Shot naman ay sumusulyap paminsan minsan na parang inaakala na siya ang pinag-uusapan. Si Tonton naman ay nasa harap ng TV at nanonood habang kumakain.

"Antonio, umayos ka nga ng upo mo. At home na at home ka ha, hindi natin bahay to." Paalala ng Mama niya dito.

"Naku, hayaan mo na. Sa totoo lang eh masaya kami na napapadalas ang pagbisista niya sa amin. Para kaming nagkaroon ng isa pang anak." Sagot naman ni Aling Mercedez.

"Buti nga may pinupuntahan na silang iba, madalas kasi nagkukulong ang dalawang iyan sa bahay kapag wala pa ako at nasa trabaho pa. Mas panatag naman ako kung alam kong dito sila pumupunta, lalo na si Tonton na bata pa."

Para namang naging dekorasyon sa dingding si Shot na walang kasama at kumakausap. Pumunta siya sa tirasa sa labas para doon na lamang kumain. Nakita iyon ni Lian at sinundan siya.

"Anong ginagawa mo dito sa labas? Doon ka kaya kumain sa loob." Binigyan siya ng karate chop ni Shot sa noo.

"Ikaw kaya ang pumasok, bakit iniwan mo ang mga bisita mo sa loob?"wika ni Shot

"Eh mukhang hindi ka naman nag-eenjoy. Malay mo ito na ang huling birthday ko, ayaw mo pang i-enjoy." Sabay tawa ni Lian na mukha namang hindi nagustuhan ni Shot. Kumunot ang noo ni Shot, ayaw niyang nagbibiro si Lian tungkol sa kamatayan. Napansin naman iyon ni Lian at hinawakan ang kamay ni Shot.

"Handa ka na ba?" seryoso niyang tanong kay shot.

Kinuha ni Shot ang kamay ni Lian at dinampi iyon sa knayang pisngi.

"Hindi pa. Huwag muna. Gusto ko munang marinig na sabihin mo na mahal mo rin ako." Malungkot ang tono ng boses ni Shot.

"Alam mo ba ang wish ko kanina noong hinipan ko ang kandila. Sabi ko, sana matupad ang hiling mo. Iyon lang ang kaya kong isukli sa iyo sa pagsagip mo sa akin. Valid pa rin naman iyon kahit lipas na ang birthday ko di ba?"

"Oo naman. Eh alam mo ba ang wish ko?" tanong sa kanya ni Shot.

"Ano nga ba?"

"Secret! Sabihin mo muna mahal mo rin ako." Sabay ngiti ni shot habang hawak hawak pa nrin ang kamay ni Lian.

Binawi ni Lian ang kamay niya kay Shot at binigyan siya ng karate chop. "Magtigil ka, pumasok ka na nga sa loob."

Hindi nila namalayan na nasa binatana pala at nakatanaw ang mga kaibigan ni Lian. Isang matunog na tukso ang natanggap nila mula dito.

"Sabihin na kasi. Ang tagal ha."biro ni Suzi

"Lian yung hair mo, nandito sa loob natatapakan ko. Ganda mo ha!" segunda naman ni Mimi.

Kinuha ni Lian ang kanyang tsinelas at binato sa salamin. "Magsikain nga kayo diyan sa loob."

"Tara na nga sa loob ng bahay." Sabay silang tumayo at pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok sa loob ay nakisalamuha na rin si Shot sa kanyang mga kaibigan.

Hope in a Bottle (Completed)Where stories live. Discover now