The Ball

143 7 1
                                    

"Bakit ka napapangiti?" puna ng mom nya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Bakit ka napapangiti?" puna ng mom nya.  Nasa sasakyan na sila papunta sa Makati Shang for ABS CBN ball. First time nya aattend ng ball kaya excited sya.

" Mom....." nakita nyang napatingin sa kanya ang mom nya na naghihintay ng sagot sa tanong nito na bakit sya nakangiti. Hindi nya alam kung time na ba para sabihin nya ito pero gusto nya din banggitin ito sa mom nya. Besides she knows everything, and she thinks her mom deserves to know everything since if hindi dahil sa kanya e hindi sila naging malapit ni Darren. Humarap sya sa ina saka pinagpatuloy ang sasabihin " I think I'm falling for Darren" pagamin nya sa mommy nya.

Naghihintay sya ng reaction sa mom nya pero ngumiti lang ito. "Mom, say something! " pilit nya sa mom nya.

"What? Ano gusto mo sabihin ko? Na alam ko na?" tukso ng mommy nya.

"You know?" gulat nyang tanong. Pero on a second thought, basa na din ng mom nya mga kinikilos nya these past few days at alam nya yun.

"Common anak,nanay mo ako okay? Alam ko ang kinikilos mo. Ramdam ko kung ano ang nararamdaman mo." hinawakan ang kamay nya. Buti nalang, hiwalay ang car nila ng dad nya papunta sa hotel dahil pinuntahan pa nito ang business nila kaya nakakapagusap sila ng mom nya.

"Am I that obvious?" tanong nya. Tumango ang mommy nya bilang pagkumpirma. "Ewan ko ba mom, I tried very hard to ignore anuman ang nararamdaman ko. Pero habang tumatagal, mas.. mas.." she's thinking for an  exact word while snapping her fingers.

"Lumalalim? mas lalong nahuhulog?" dugtong ng mom nya.

"Yes!" sabay turo nya sa mom nya. Finally her mom said the exact word. " What do you think mom? "

"What do I think what?" Kung ano gagawin mo?" tumango sya bilang pagsangayon. "Anak, nasa sayo yan. Alam mo naguusap nga kami ni dad.Natatakot sya na baka mainlove ka ng tuluyan kay Darren. Pero sabi nga namin, we will never stop you to enter a relationship just because you're young. Unang una, you know the sense of right and wrong. Second, napakamature
mo. Kung hindi nga dahil sa yo, kung hindi dahil sa pakikialam mo samin dati e baka hiwalay na kami ni Dad remember? So we both agreed na hahayaan ka namin magdesisyon. Andito lang kami to guide you. " tanda nya yun. Yung time na napapadalas ang away ng parents nya. Na kinausap nya sila ng bukod para pagusapan yung nangyayari sa kanila. And her mom is right, at a young age alam na nya kung ano ang dapat gawin. Thankful sya sa maturity at wisdom na meron sya. Kung hindi dahil dun, siguro broken family na sila.

"So dad is okay with it?" muli nyang tanong.

Tumango ang mom nya, "Yes, but of course you have to talk to him. Just informing you where he stands" advice ng mom nya.

"Of course mom. Thank you. I loveyou" niyakap nya ang mom nya.

"I loveyou too anak. Doon ako kung san ka masaya" Aarrgh. I love my mom. She is the best mom in the world. At the back of her mind while still hugging her mom. Thankful sya for having a supportive parents. Alam nyang maraming worries ang parents nya sa pagpasok nya sa showbiz pero never sya pinigilan makipagkaibigan kay Darren kahit alam nilang mas marami ang naging basher nya dahil close sila ngayon. But they chose to ignore.

Stuck on YouWhere stories live. Discover now