Stayin' Alive

184 11 2
                                    

"Kuya, so tell me more about ate Jayda" Si Lynelle. Kausap nya ang kapatid kasama ang mom at dad nya through videocall. Kapag hindi sya busy, ito lang ang lagi nyang ginagawa, ang makipagusap sa family nya who lives in Calgary Canada. Mga nurses ang mom at dad nya doon, pero ang mom nya, umuuwi sa Pinas every three months para masupervise din sya sa showbiz career nya. Kapag wala naman ang mom nya, mga tita at tito at pinsan nya ang kasama nya.

"Well, she's pretty of course, she's kind, she's simple, she's a singer, she's a songwriter, she can play guitar and piano and she's my everything!" biro nya sa kapatid. Hinihintay nya lang ang reaction dahil may pagkaselosa si Lynelle.

"What? Your everything? How bout me?" nakairap na si Lynelle.

"Haha! Just Kidding, of course you will be my forever baby girl" lambing nya sa kapatid.

"Pero anak, laging bilin ni Mommy ha? make sure to behave, nakakahiya kina Ms Jessa at Sir Dingdong, nagiisang anak nila yan, at obvious naman na never pa nagkaboyfriend. So make sure first of your feelings."payo ng mom nya.

"Tama si mom anak, siguraduhin mo muna nararamdaman mo. Wag padalos dalos. But Jayda seems to be the perfect catch. Parang mommy mo lang, ako ang first sa lahatlahat if you know what I mean"kumindat ang dad nya sabay backhug sa mom nya.

Oo nga, kung tutuusin, sya ang first ni Jayda sa maraming bagay. Una na dito ang unang lalaking kaibigan, at unang lalaking nakausap nito. Napangiti syang isipin na sya ang firsts nito kung magkataong maging sila. Stop Darren. You are thinking way too advance. sita na naman nya sa sarili.

Pagtapos makipagusap sa parents nya at Lynelle ay  balak nyang tawagan si Jayda. Ngayon kasi ang performance ni Jayda sa Eat Bulaga kaya gusto nya itong sabihan ng good luck.

💚 Hi, Just finished talking to mom and dad and Lynelle, just want to say good luck to your performance.

💜 Thank you D. I'm nervous.

💚Don't be. Kaw pa ba.

💜Yan tayo eh. Salamat.

💚Who's with you?

💜 Just Bibi. Mom and Dad are on out of town kasama mga friends nila. Wrong timing nga dahil Kuya Lau called in sick. So magtataxi kami.

💚 What? Okay ka lang ba magtaxi?

💜Oo naman. I can manage, don't worry.

💚No, you know what, I'll go with you. Tamang tama wala akong ganap today. I will just tell Manong to prepare.

💜No, Im good. Maabala pa kita. Okay lang nga ako.

💚 I won't take no for an answer. Wag na makulit. I'll just prepare and will head na to your house. See you.

💜 Hay naku Espanto. Kaw talaga. Basta ingat ka.

After almost 40minutes, dumating na sya sa bahay nila Jayda. Nasa gate na din si Jayda at Bibi. Kaya pala okay lang na late, naayusan na sya. pansin nya.

"Darren, thank you for doing this really." nasa sasakyan na sila on the way sa broadway.

"Anything for you." at tumitig sya kay Jayda. Hindi na nakapagsalita si Jayda.Ngumiti nalang ito. Alam nyang di sanay si Jayda sa mga ganitong klaseng atensyon.

Hindi na sya sumama sa loob ng GMA, maghihintay nalang sya sa parking lot. Sinabihan na sya ni Jayda na mauna na at magtaxi nalang sila pauwi pero ayaw nya. Mas makakampante sya kung sya din maghahatid.

Halos 3hours din sya naghintay, pero di naman sya nainip dahil magkavideocall sila ni Jayda.

"How's the performance" tanong nya. Nasa sasakyan na sila.

"It was nerveracking" sabay sandal nya sa upuan.

"
"For sure you did great! "

"Ate Bibi send me her video of the performance ha?" baling nya sa PA ni Jayda.Binilin nya kasi dito na make sure na ivideo si Jayda.

"NO!" sigaw ni Jayda.

"Why?" tanong nya.

"Kakahiya kasi" rason ni Jayda

"Hindi na nga kita nakita magperform eh" may pagtatampo sa boses nya.

"Okay okay, sorry. Dahil dyan let's eat somewhere, my treat" paglalambing ni Jayda.

"Nope, nagpareserve na ako sa fave restaurant mo," nakangiting sabi ni Darren. Sinigurado nyang malalaman lahat ng favorite ni Jayda kapag naguusap sila. Kaya habang naghihintay ay nasearch  at tumawag na sya sa Kimpura- ang fave restaurant nito.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Stuck on YouWhere stories live. Discover now