18

206 5 3
                                    

Ilang beses na yatang naiplay ni Darren ang cover ni Jayda na 18 ng one direction. Mas lalo sya naamaze. Marunong din pala mag gitara si Jayda. Sa sobrang curiosity nya rito, nagsearch sya sa youtube anything about her. Hanggang sa makita nya nga ang youtube channel nya. It seems she just made her channel since she downloaded only 1 cover. Sana damihan pa nya, sambit nya.

Mahigit isang linggo na buhat ng huli nyang minessage si Jayda. Gustong gusto nya na imessage uli ito, pero natatakot sya na maseenzone uli.

"Hoy, are you okay dude?kanina pa kita kinakausap, you seem a little off" si kyle. ang bestfriend nya sa showbiz. Nasa taping kasi sila ng ASAP. Sa sobrang preoccupied nya sa youtube video ni Jayda ay hindi na nya namalayan na kanina pa pala sya  kinakausap ng kaibigan.

"Sorry Kyle, just watching something." katwiran nya sa kaibigan. Pero imbes na sumagot ay hinablot nito ang phone sa kanya.

Natahimik ng ilang segundo ang kaibigan dahil pinanuod din nya ang video sa phone nya. "She's good. But who is she?" curious na tanong ni Kyle. Kinuha nya uli ang phone kay Kyle.

"Well, you don't know her, so never mind, you know what let's go to the studio, malamang tayo nalang hinihintay" pagyaya nya sa kaibigan. Kapag di pa nya kasi ito pinutol, lalo mangungulit ito na alamin sino ang babaeng pinapanuod nya. Habang naglalakad sila sa hallway ng ABS, di nya inaasahan na makakasalubong ang isang pamilyar na mukha.

"Tita Jessa, you are here?" gulat nyang sabi.

"Hi Darren iho, how are you? yes guest ako sa ASAP" sabay halik sa kanya.

"Really po, nice naman po. How's Jayda po?" Finally Darren, naitanong mo na din ang gusto mo itanong, pagpuri nya sa sarili.

Ngumiti naman si Ms Jessa "She's good, actually im begging her to come with me, pero masyadong homebuddy kasi yun. Busy din dahil nagsisimula sya  magsulat ng mga songs, actually nakapagcompose na sya ng ilan." 

Nagcocompose din sya? How can she be so talented?  "Wow really po. Please tell her po I said hi".

"Di ba kayo nagkakausap? I thought last time, you sent her message. Sumagot naman siguro?" may pagaalinlangan sa tanong ni Ms Jessa.

"Yes po, but she replied once. Di na po sumagot. " may hiya sa tono nya.

Nakita nyang napailing si Ms Jessa. "Naku yung bata talaga na yun, may rule sya kasi sa sarili nya na di sya makikipagusap sa guy at magkakaron ng guy friends and i guess she's living with that. Pasensya ka na. Pero you know what, don't mind her rules, give me your phone"  Nagtataka man, binigay nya din ang phone nya. "Okay, here's her number, gonna save it, if you have time text her, or better yet call her para wala na sya alibi. She needs new friends din para di masyado loner" sabay kindat at balik ng phone sa kanya after nya masave ang number ni Jayda. Nagpaalam na din si Ms Jessa dahil kailangan na nya mamakeupan.

"Sooo I guess Jayda is the name?" tanong ni Kyle na kanina pang nakikinig sa usapan nila. Nakalimutan na di  nyang ipakilala ito sa sobrang excitement nya.

"She's the daughter of Ms Jessa" tipid nyang sagot.

"And who is Ms Jessa?" clueless na tanong ni Kyle. Di naman na nagtaka si Darren, laking America kasi si Kyle, at gaya nya ay umuwi lang sa Pilipinas para sumali sa The Voice Kids kaya di na nya kilala ang mga singers dagdag pa na di pa sila pinapanganak nung time na sikat na sikat sila.

Inakbayan nalang nya si Kyle "You know what, never mind let's go" at niyaya na nya ang kaibigan papuntang studio. Basta sa ngayon masaya sya na may number na sya ni Jayda at alam na nya bakit di ito sumasagot sa kanya, dahil may rule sya binigay sa sarili. At plano nyang gumawa ng paraan para ibreak ito at makipagusap na sa kanya.

Stuck on YouWhere stories live. Discover now