Chapter FOURTEEN

104K 2.4K 161
                                    

"I am dying Rooke, I was given two choices. To rid the baby and then live or let the baby live and I'll die and Rooke, I chose the latter."

Hindi siya makapaniwala sa narinig niya at iyon ang paulit-ulit na nag-eecho sa utak niya. Para kasing nakakatawa ang mga pangyayari, hindi siya makapaniwala sa naririnig niya. Totoo ba iyon o pinaglalaruan lang siya ni Dane.

"I am dying Rooke, I was given two choices. To rid the baby and then live or let the baby live and I'll die and Rooke, I chose the latter."

"Isn't it great sweetheart? She is dying which means we can be together again-." Hindi na niya pinatapos ang anumang sasabihin ni Sharmaine. Right now all he sees is red, hindi siya nananakit ng babae pero punong-puno na siya. Binalya niya ito sa dingding, his hand is on her neck nakita niyang nanlalaki ang mga maliliit nitong mga mata at namumutla na rin. If he wants someone dead right now ito iyon, hindi niya masikmurang isipin na mawawala si Dane.

"I swear Sharmaine if something happened to my baby and his mother I'll rip your throat apart. Can't you see it we can never be together I don't love you damn it! Stop pestering my life because you will never be a part of it." Binitiwan na niya ito bago pa niya ito mapatay. The least thing he would do right now is to murder someone because it will add stress to Dane kapag nalaman nito ang ginawa niya.

"Why? You love her?"

"Yes! Damn it!" gusto niyang matawa sa sagot niya dito. "I love her and now I am losing her because of you!" galit na sigaw niya dito. "And I am giving you a chance to leave or I will make sure you will see yourself in the jail for trespassing. Don't show me your face again!" taboy niya sa babae na nahihintakutan sa kanya. This is the first time he got mad. Tuluyan na itong umalis habang siya naman ay nanatiling nakakuyom ang kamao at sinusuntok ang pader ng bahay niya.

Lumabas din siya nagbabakasakaling maabutan niya si Dane but he knew that is impossible dahil kanina pa ito nakaalis. "Mahal na kita Rooke."

"I am dying Rooke, I was given two choices. To rid off the baby and then live or let the baby live and I'll die... and Rooke, I choose the latter."

"Damn! Damn!" tumutulo na ang dugo sa kamao niya. Pero hindi pa sapat ang sakit na nararamdaman niya sa kamao niya sa sakit na nararamdaman niya sa loob ng dibdib niya. He never thought he will open his heart again, he was brought up harshly so he thought he can survive... pero pakiramdam niya ngayon ay hindi na siya makahinga. Para na siyang mamamatay.

Kaya pala, kaya pala pinapili siya nito, kaya pala masyado itong reserve at distance sa kanya. Kahit na magkasama sila sa iisang bahay pakiramdam niya ay malayo pa rin ang loob nito sa kanya, kaya nga natakot siyang aminin ang tunay na nararamdaman niya dahil natatakot siyang may magbago sa samahan nila. He was contented living with her at natatakot siyang kapag inamin niyang mahal na niya ito ay lalayo ito sa kanya.

Damn it!

Bakit ba ang unfair ng mundo? They might start in the wrong foot but he was able to conquer his fear in having a relationship to someone richer than him. Yes, she is rich, her family is way too rich but he doesn't care because he loves her, he is rich in love. Tama ang sinabi nito sa kanya noon, masyadong maraming pagmamahal ang naipon sa puso niya at sa dami niyon ay sasabog na siya.

Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Dane kanina, hindi ito mamamatay at hindi mawawala ang anak nila sa kanila. Marami na siyang sinuong para makarating sa kinaroroonan niya ngayon and he will do everything even if bending the laws of God just to make her stay with him. That's how much he loves her.

Marked Series 7: Fall for Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon