Chapter Three

105K 2.1K 113
                                    

"BAKIT kailangan kong sumama?" kulang nalang ay maglupasay siya sahig ng sabihin ni Yelena na sasama siya sa outing nito at ng pamilya nito, and that includes Yelena, Grayzon, Yvonne and Reigan, nandoon pa si Reen at si Damon, tapos ang younger sister ni Yvonne na si Yzzy. At sino pa ba ang hindi pwedeng maiwan? Kundi si Rooke mismo.

"Kasi mas masaya kapag marami hindi kasi pwedeng sumama si Ayeth at kuya dahil magha-honeymoon daw sila para sundan iyong bunso nila. Si Bree naman at Allyxel ay nasa London din, si Dreia naman and Albie ay busy sa farm dahil tag-ani na ng mga flowers. Kaya tayo nalang at saka ipinagpaalam na kita kay tita Yuri at pumayag siya." Pumalakpak pa ito. "I am so excited with this."

"Kailan ba ang bakasyon?" gusto sana niyang gumawa ng lusot upang hindi siya makasama. Halos itago na nga lang niya ang sarili sa kahon upang hindi magkrus ang landas nilang dalawa ni Rooke. After the dinner ay siya na mismo ang nagtago, hindi siya pwedeng makampante dahil alam niyang may gagawin na naman itong ikakapahamak niya.

"Three days from now, after ng proposal ni Reigan kay Yvonne. Alam mo na para double celebration, tomorrow na ang proposal eh kaya kailangan magfocus muna siya." Napangiti naman siya sa sinabi nito. Mukhang siya nalang ang maiiwan at talagang maiiwanan na.

"Okay."

"Punta ka bukas for support ha."

"Titingnan ko." Kinuha niya ang sketch book niya at nagsimula ng gumuhit doon. She isn't a painter like Bree but she loves accessories. Kaya nga kahit na iba ang propesyon niya ngayon ay hindi pa rin niya kinakalimutan ang passion niya for accessories and jewelries. Hindi siya mahilig magsuot ng mga iyon pero mahilig siyang gumawa at magdesign. Siya ang pasimuno ng mga marks na iyan dahil natutuwa lang siyang magdesign ng mga ganoon.

"Ano iyan?" tanong ni Yelena ng mapansin ang ginagawa niya.

"A baby bracelet." Nakangiting sagot niya as she starts to make shades and accents.

"Ang galing mo talaga diyan no? Bakit hindi ka nalang magtayo ng jewelry shop total magaganda ang mga designs mo."

"Hobby ko lang ito and besides para hindi siya common. I'll give this to you Reen bagay ito sa kanya kasi girl siya."

"Really? She will love that."

"She will."

"Nasaan nga pala iyong mark mo?" muntik ng mabali ang lead ng hawak niyang lapis dahil sa tanong nito. Bakit ba masyadong observant ang babaeng ito?

"N-nasa bahay naiwan ko noong naligo ako." Pagdadahilan niya sana ay hindi nito napansin ang singsing na suot ni Rooke na ginawa nitong kwentas.

"Akala ko kasi ibinigay mo na."

"Kanino ko naman iyon ibibigay?" patay malisyang tanong niya.

"Ewan baka may nahanap ka ng boyfriend na tinatago mo sa amin."

"W-Wala no."

"Ikaw talaga masyado kang defensive."

"I'm not!" kinakabahang sita niya na ikinatawa lang nito.

"Oo na, I need to go. Kailangan ko pang pumunta sa doctor ko for my baby. Sinusundo na ako nang asawa ko." Nakangising paalam nito sa kanya. tumango lang siya bilang pagtugon, pinanood niya ang pinsan niya na sinalubong ang asawa nito. Hinalikan ito ni Grayzon and even if she doesn't like the feeling, nagseselos siya... hindi dahil sa gusto niya si Gray because it never crosses her mind. Naiinggit siya sa pinsan niya dahil may masayang pamilya na ito samantalang siya forever alone na talaga yata.

Marked Series 7: Fall for Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon