Chapter Eight

100K 2.2K 175
                                    

"ANONG oras ka umuwi kagabi?" tanong nang kapatid niya ng bumaba na siya, as usual late na siyang nagising dahil late din naman siyang natulog. Medyo late na rin kasi noong umuwi sila ni Rooke galing sa restaurant.

"Hindi ko na namalayan ang oras kuya, bakit?"

"Akala ko kasi kung saan-saan ka nagpupunta." Tiningnan siya nito, nakagayak kasi siya. She is wearing a floral shorts and loose top. "Saan ka pupunta?"

"Mamamasyal ako sa labas ng resort." Shit, hindi pa man siya nakapagpaalam ay heto na ang kuya niya at mukhang ayaw siyang payagan. Kanina pa umalis si Rooke, nagtext na ito sa kanya na mauuna na daw ito sa labas ng resort.

"Ikaw lang mag-isa?"

"Kasama po ako." Singit ni Yvonne, kasama din nito si Reigan. "I mean kami pala." Napansin niyang naghihikab pa din si Reigan. Hindi niya alam kung sinabi ba ni Rooke ang tungkol sa sitwasyon nila since magbestfriend ang dalawa. Wala namang sinabi si Reigan.

"Huwag niyong iwanan si Dane kung kani-kanino."

"Masyado kang OA Dale." Reklamo ni Rayleigh na nagsign na umalis na siya. "Halika nga dito hayaan mo na iyang kapatid mo matanda na iyan." At kumindat pa ito sa kanya. Mabilis siyang lumabas ng cabin habang nakaagapay naman sina Yvonne sa kanila.

"Alam mo ang feeling ko Dane, nakakatawa kayong dalawa ni Rooke." Natatawang wika ni Yvonne. "Para kasi kayong lovers na pilit na pinaghihiwalay ng isang wicked older brother."

Napatingin siya kay Reigan, nakangiti lang din ito at sa tingin niya ay may alam nga ito. "Hindi naman kami lovers."

"Hindi pa ba?" si Reigan na iyon. "He is my bestfriend Dane and he is doing this not just for the baby but for you as well."

Tama nga ang hinala niya, Reigan knows everything. "He is doing this for the baby and I understand dahil gusto ko rin ang nakakabuti sa magiging anak ko."

"Pareho kayong indenial, you are both attracted to each other." Nag-iwas siya ng tingin mula kay Reigan at mapait na ngumiti dito.

"I might be attracted to him but it doesn't mean he is attracted to me too, believe me Reigan everything is for the baby." She said. Sumakay na sila ng kotse at ilang minuto lang ay nakarating na sila sa isang maliit pero desenting clinic. Nandoon na rin si Rooke na tila ba hindi maipinta ang mukha. Hindi pa man niya nabubuksan ang pinto ay nandoon na ito sa side niya at mabilis na bubuksan sana ang pinto pero nakalock na iyon.

Narinig niya ang pagtawa ni Reigan na halata bang inaasar ang bestfriend nito. "Mas mabuti ngang kayo nalang ang umalam sa mga nararamdaman niyo sa isa't isa. You have all the time in the world to do that." Nakangising tinanggal nito ang lock sa sasakyan nito.

Nabuksan na ni Rooke ang side niya at masamang tiningnan si Reigan. "What the hell was that?" inis na tanong nito.

"Cool down Rooke, it's just fun to reverse the cards." she makahulugang wika nito sa kaibigan while she on the other hand doesn't understand a bit maging si Yvonne ay nakangisi lang na para bang may alam na hindi niya alam.

"Fuck you."

"Same here Rooke. Enjoy and by the way Dane, I'll call you later to ask when and where I need to fetch you okay?"

Hindi pa man siya nakakasagot ay nagsalita na si Rooke. "Don't call her I will call you." Maingat na hinawakan siya ni Rooke. "Halika na umalis ka na sa kotse niya hindi magandang amoy dito."

Marked Series 7: Fall for Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon