Ikatlong kabanata

773 13 2
                                    

[a/n]: salamat sa mga sumusuporta sa fl.

lalo na sa mga nagvo-vote at comment :'))

Comment kayo kung gusto niyo ang dedication ng chapter na toh :'))))

-------

Nagising ako na nakahiga ako sa isang madilim na kwarto.

Hindi dumating si Gabriel, walang nagligtas sa akin.

Saan kaya ako dinala ng mga walang hiyang yon?

Sumikip na naman ang dibdib ko, yung mga luha ko walang tigil sa pagpatak.

Nakuha ba nila yung gusto nila sakin?

Hindi ko alam ang mga nangyari dahil nawalan ako ng malay.

Tinignan ko kung may saplot ba kong suot. Tumingin ako sa ilalim ng kumot, meron. At iyon pa naman yung suot ko kanina. Pero hindi eh, nakuha nila yung gusto nila sakin. Walang dumating para iligtas ako. Pero bakit dinamitan pa ulit nila ko? kinuha na nga nila ang lahat ng makukuha nila sa akin, pero dinamitan pa nila ko? mga walanghiya sila!

“AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!”

Hindi ko na napigilang sumigaw dahil sa galit, poot, at suklam. Marumi na ko ngayon, hindi na ko malinis.

Hindi na ko malinis.

Lalong lumakas yung pag-iyak ko. ang sakit sakit.

Biglang bumukas yung pinto at may pumasok na kaunting liwanag sa kwarto.

“UMALIS NA KAYO! ANO PA BANG GUSTO NIYO! NAKUHA NIYO NG LAHAT SAKIN! MGA WALANGHIYA KAYO!”

Tuloy-tuloy ang pag-iyak ko.

Biglang may umakap sa akin.

“BITAWAN MO KO! ANO PANG KAILANGAN MO! DINUMIHAN NIYO NA KO!”

Nagpupumiglas ako sa yakap kung sino man toh. Hindi ko makita yung mukha dahil madilim pa rin sa kwarto.

Ang higpit nung yakap sakin, kahit anong gawin ko ayaw niya kong bitawan.

“BITAWAN MO KO! BITAWAN MO KO!”

Bigla akong kinilabutan ng bumulong siya sa tenga ko.

“maayos na ang lahat. Wag ka ng umiyak. Nandito ako sa tabi mo.”

Para kong binuhusan ng malamig na tubig.

Si Gabriel…

Lalong lumakas ang paghikbi ko.

“Gabriel! Bakit ngayon ka lang? bakit hindi mo ko pinagtanggol kanina? Kahit naman hindi tayo ganun magkakilala, sana tinulungan mo ko. kinuha nila, binaboy nila ko.”

Tuloy ako sa pag-iyak habang akap-akap niya ko.

Ang sakit kasi, hindi niya ko tinulungan.

Naramdaman kong lumuwag yung yakap niya.

Tapos pinunasan niya yung mga luha ko sa pisngi.

“pasensya na kung nahuli ako ah? Wag ka ng umiyak, wala ka naman dapat ipangamba. Hindi ko naman hahayaan na may mangyari sayong masama.”Gabriel

Hindi ko makita yung mukha niya, masyado kasing madilim.

“a-anong ibig mong sabihin?”

“dumating ako para iligtas ka.”Gabriel

Biglang bumukas yung ilaw at nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng kama.

“a-ayos ka lang ba? Ano bang ibig mong sabihin?”

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon