Ikadalawampung kabanata

418 9 7
                                    

[a/n:] Sensya, minadali ko lang yung chapter na toh dahil pine-pressure ako ng isa jan. HAHA. Guys, kilala niyo ba yun babae ni Gab na DJANICA ang name? Hanapin niyo sa watty si SuperDja, siya yon. HAHAHA XD Peace Bhe.

Okaay, the truth behind the temporary amnesia... mababasa niyo sa chappie na toh.

Vote at comment. :)))

Kelan kaya malalaman ni Ivee na angel si Gab? hmmmmmp. MALAPIT NA.

Basa!

----

“Ivee, don’t tell me... hindi mo kilala si Gabriel?”Mikael

“k-kakilala ko ba siya?”

Tinitigan ko lang si Gabriel. Nakatingin lang siya sakin.

Pain is the only thing I can see in his eyes.

“h-hahaha. W-wag ka ngang ganyan! H-hindi magandang biro yan.”Mikael

Tinitigan ko lang si Gabriel. Hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya.

“kaibigan ko ba siya? B-bakit hindi ko siya maalala!”unti-unti ng tumulo yung luha ko

“MIKAEL! SINO SIYA?! Bakit hindi ko siya MAALALA!” tuloy-tuloy kong sigaw

Inakap ako ni Mikael.

“ssh, tahan na. baka naman nakalimutan mo siya. Sandali lang yan, maaalala mo rin siya.”sabi ni Mikael habang hinahaplos yung buhok ko

“Cyann, ilabas mo muna si Gabriel.”Mikael

Tumayo na si Cyann.

“come on Bro. Looks like Ivee CAN’T REMEMBER you. Lemme get you out of here.”Cyann

Hinatak niya yung braso ni Gabriel pero nagpumiglas siya sa pagkakahawak sa kaniya ni Cyann.

“hindi ako aalis dito hanggang hindi si Florivee ang nagsasabi.”mariin na sabi ni Gabriel

Lumapit siya sakin. Hinawakan niya yung kamay ko.

“Florivee, sabihin mong nagbibiro ka lang. Sabihin mong kilala mo ko. Sabihin mong ayaw mong umalis ako at iwan kita dito.”Gabriel

Napa-tingin ako kay Cyann at Mikael.

“sorry pero hindi talaga kita maalala.”

Nakita kong nakatingin lang sakin si Gabriel. Sobrang lungkot ng itsura niya.

Binitawan na niya yung kamay ko. Tahimik siyang lumabas ng kwarto. Sinundan naman siya ni Cyann.

Psh, ano ka ngayon?!

***

Nakaraan ang ilang araw at pinalabas na ako ng ospital. Medyo natagalan pa nga dahil sa temporary amnesia ko raw. :/

Haay, kung alam lang nila na ang hirap umarte na hindi mo na kilala yung taong mahal na mahal mo. :(

Hindi ko alam kung may epekto nga ba yung ginagawa kong pag-iwas na toh sa kaniya, pero tuwing tumitingin ako sa mata ni Gabriel, nakikita kong nasasaktan siya. Sana nga nasasaktan siya. Kasi ibig sabihin non, importante din ako sa kaniya kahit papaano.

“Florivee, gusto mo ba ng makakain? Ibibili kita. Juice gusto mo?”

“ahh, wag na. nakakahiya naman sayo.”

Umupo si Mikael sa tabi ko. andito sa room namin tumambay ngayong recess.

“para saan pa na naging bestfriend mo ko kung napaka-cold mong makitungo sa akin.”Mikael *m*

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon