Ikadalawpu't-isang kabanata

411 12 6
                                    

[a/n]: YEHEY! Nakapag-UD rin! *U*

Busy si Ate Otor. Busy sa school eh T^T

One year na pala kami ni watty nung 10! yey! 

Readers po ng SMS, d ko pa ma-update kasi nawawala yung file niya sa lappy ko T^T.

AT ANNOUNCEMENT: Birthday ng totoong Florivee ngayon. Batiin niyo siya hah! :D

VOTE AND COMMENT. MADAMI GUSTO KO HAHAHA

Basa na~ NyanCat ;))

Follow me on twitter: @SerenityRiri

----

Maaga akong umuwi. Hindi matanggal sa isip ko yung usapan naman ni Gabriel kanina.

Alas-sais.

Tumingin ako sa relo ko. 5:35 pm

Haaay, nababaliw na ata ako. Sisiputin ko ba ang lalaking yun matapos ng ginawa niya sakin? Ako, ilang oras ko siyang hinantay. Pero hindi siya dumating. Tapos ngayon, sisiputin ko pa siya? ano ko baliw?

Oo, baliw na nga ako. Baliw sa pagmamahal ko kay Gabriel. Na kahit ano atang pagkakasala yung magawa niya sakin, papatawarin at papatawarin ko pa rin siya. oo magagalit ako, hindi, magtatampo lang pala, pero syempre hindi ko siya matitiis.

Mahal ko eh.

May dumaang tricycle sa tapat ng bahay nila Mitch. Tinawag ko.

“manong pasakay po!”

“saan ba miss?”

“sa Lighthouse po. Yung katabi ng mga burol?”

“sige.”

Inabot ako ng sampung minuto bago makarating sa harap ng gate ng lighthouse. Nagbayad ako sa sinakyang kong tricycle, binigyan ko pa ng tip. Kasi naihatid niya ako ng safe at maayos kahit minamadali ko siya sa pagmamaneho.

Pumasok na ko dun sa gate ng lighthouse. Sa likod kasi ng lighthouse, nandun yung mga burol. Mga kulay green na green ung burol since pinapangalagaan talaga toh ng gobyerno. Lalo na yung burol na nasa likod lang halos ng lighthouse, yung tinatawag nilang Rose Hill.

Sabi nila, mahiwaga daw yung burol na yun. Pag pinanood mo raw yung sunset mula doon kasama ang mahal mo, magiging forever daw yung relationship niyo.

Ano ba naman pakialam ko run? =________= ano naman kung totoo ung sabi-sabi tungkol sa Rose hill

Naglakad na ko papasok sa lighthouse. Buti na nga lang open for public ang lugar na toh. Kaya lang, pag ganitong weekdays wala halos nagpupunta rito.

Pagpasok ko, wala halos tao. Yung guard lang nakita ko at ilang mga umiistambay dito.

Bakit ba walang elevator sa lugar na toh? Mapipilitan tuloy akong akyatin yung ilang palapag ng tore na toh. Tapos yung lalaking yun gusto sa tuktok pa kami magkita. =___________=

Aaminin ko, takot ako sa heights. Eh anong magagawa ko kung parang matatanggal ang puso ko kapag nakikita kong hindi na ko nakaapak sa lupang tinutubuan ng mga puno? =____=

Pagdating ko dun sa pinaka mataas na palapag, syempre hingal na hingal ako. Ang nakakabwiset pa, late na naman ata yung Gabriel na yun. -____________-

Don’t tell me na hindi na naman niya ko sisiputin? =_____=

Lumapit ako run sa may malaking sliding na bintana. Wow, ang taas ng kinalalagyan ko! hindi na ko natatakot bagkus hangang-hanga ako sa tanawin. Kita ata yung buong bayan dito.

Lumipat naman ako ng pwesto hanggang sa makarating ako sa isang sliding window na nakabukas. Binuksan ko ito at naglakad papuntang balcony ng lighthouse.

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon