Chapter 24: It's Liza's Birthday!!

280 4 0
                                    

Hey! Im here, updating again. ;* 

Don't forget to Share this Story GUYS! Pinaghirapan ko ito, SHARE and VOTE lang yung kapalit. :>

-----------------------

Shantal's POV

Awwwww.. Happy Birthday to my SISTER!

(Remember Sister=Liza Huji=Assistant ko=Bestfriend ko)

"Hi MAAA! Kamusta po kayo diyan??" Sabi ni Sister sa Mama niya sa Phone.. ;D

"Naku ANAK, namiss ka ng Nanay! Aba eh ayos naman kami ng Itay mo. Eh ikaw? Anak, Happy Birthday! Naku sayang kung nandito ka sana nakapagcelebrate sana ikaw ng Birthday mo kaso kailangan mo ng trabaho. Miss you aAnak. ;*" Sabi ng Nanay niya sa kabilang linya..

"Naku, Ma, mabuti naman po. Eh ayos naman po ako dito, kasama ko po ang Prinsesa ngayon pinagbigyan niya akong tawagan kayo. At Ma, Salamat sa bati pero hindi niyo na po kailangan sabihin yan ang Prinsessa na po yung sumagot sa celebrasyon at sa totoo lang di ko naman kailangan ng selebrasyon, mas gusto ko parin na magtrabaho para sa pamilya at makatapos ng pag-aaral. Miss you too Ma." Sagot niya sa Mama niya..

"Naku, paki-sabi sa Mahal na Prinsessa Maraming maraming Salamat. Pagpalain siya ng Diyos. Oh Anak, ang Itay mo sabik ka na'ng kausapin. Eto.." Sagot naman ng Inay niya.. At sabay sinabi saakin ni Liza yung pinapasabi ng Nanay niya at sabi ko Welcome sila. Sunod Itay naman niya ang nagsalita.. "Anak! Naku kamusta ang Prinsessa ko? May nangliligaw ba sayo dyan, Ah? Naku sabihin mo kamo magpakilala muna sa Pogi niyang Itay. Haha Happy Birthday Anak ko." Sabi ng Itay niya..

"Naku, Itay naman kakarating ko lang dito kahapon, Lalaki agad? Tsaka Tay', kahit sinong lalaki man ang dumating mas Pogi parin kayo noh'.!!  Salamat po Itay. I love you po. :>" Sagot ni Liza sa Tatay niya..

Ako naman habang naririnig ko silang mag-kausap parang naiiyak ako.... Para ba'ng may INGGIT akong nararamdaman... Kaya naisipan ko munang lumabas ng Dormitory kahit alas-6 palang ng umaga..

"Ahmm.. Sister, labas muna ako haa? Magpapahangin lang ako. Ahmm.. Usap muna kayo dyan, babalik din ako agad." Sabay lumabas na ako at hindi ko na hinintay yung sasabihin ni Sister saakin kasi di ko na mapigilan lumabas mga luha ko..

Paglabas ko... Hayy.. Humikbi-hikbi rin ako.. umupo ako sa Bench, namimiss ko na sila Mommy and Daddy.. Naiinggit ako sa ibang pamilya, kahit mahirap lang sila, puno sila ng pagmamahalan sa isa't isa, puno ng kasiyahan, malayo man sila o hindi.. Eh kaming Pamilya, nagmamahalan nga pero hindi kami tulad nila.. :'(( May Guilt din akong nararamdaman.....

Kasi, si Liza tinanggap niyang pumunta dito para makapagtapos at magtrabaho for her Family.. How about me? I came here for a Man.. Nararamdaman ko na yung Inggit..... Specially the Guilt.

"Oh? Bakit ka umiiyak?" Uhmm.. Boses ng lalaki ito ahh..

.

.

.

.

.

Si Craig... 

Bakit pa ito nagpakitang lalaking Toh! >:|

"Ahhmm.." Sabay pinunas ko luha ko. "Hindi ako umiiyak noh. Oh, bakit ka naman nandito?" Tanong ko at medyo lumayo sakanya..

"Eh.. Umiiyak ka eh, tignan mo teary eyes ka.." Balak niya sana ilapit kamay niya para punasan luha ko pero iniwas ko yung Mukha ko.. Siya naman, biglang nagtaka.. "Ahh.. Shantal, may problema ba?" Tanong niya..

"Ikaw problema ko, kaya umalis ka na." Sabi ko..

"Ehh, pwede naman natin pagusa--" Hindi ko na siya pinatapos magsalita.. At nagsalita ako agad.

"The Search for my Mystery Prince" (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon