Chapter 22.2

255 3 0
                                    

Sabi ng mga classmates ko na cla Meriene, antagal ko daw mag-update kaya eto na!! Sa Phone ako nagtatype ngayon.

ENJOY.

-----------------------------------------

Craig's POV

Puno ako ng galit nang marinig ko yun. Di ko alam kung susugudin ko ba siya o hindi?? Di ko alam kung susuntukin ko siya ngayon o hindi?? Sa sobrang galit ko, sobrang nakasarado ang kanan kong kamay. Parang gusto kong suntukin ang pader. Mga mata ko nanglilisik na. Ewan ko kung ano gusto ko gawin.

"Shantal, sigurado ka?" Tanong ko ng may galit.

"Oo. Pero Craig, siguro hindi niya kasalanan kasi niyaya naman niya akong sunduin ako lang naman ang di pumayag." Kahit si Shantal pa ang magsabi na hindi niya kasalanan, galit pa rin ako dahil pinabayaan ni Jake na di niya sunduin si Shantal.

"Shantal, kasalanan niya padin kasi hinayaan ka niyang basta ka nalang magTaxi. Shantal, wag ka magalala, bibigyan natin to ng hustisya."

"Craig Wag!! Di naman niya kasalanan, ako ang may kasalanan. ayokong magkagulo tayo ng dahil lang saakin."

"Di ako papayag Shantal. Mahal kita kaya sana pagbigyan mo ako." Sabi ko sakanya..

"Mali Craig. Kung Mahal mo ako, makikinig ka sakin. Kasi alam ko yung pangyayari. Craig, di naman niya kasalanan."

"Anuman sabihin mo, bibigyan ko padin ito ng hustisya. Ito narin ang pagbabawi ko sayo noon kay Jaycee." Sagot ko..

"Craig, simula nung nangyari yung incidente, nagbago ka. Hindi ko lang halata kasi may amnesia pa ako. Naging madaldal ka, at madali ka nang magalit. Craig, mas gusto ko parin yung dating ikaw, yung

Craig na palaintindi... Yung Craig na nakikinig sakin, yung Craig na kahit iniiwan ako, dadamayan parin ako sa problema! Craig, i need YOU back. Ayokong lumala pa ang away natin. U-uhm.. I don't mean-- " Tinakpan ko ng mga daliri ko bibig niya alam ko naman sasabihin niya pero totoo naman eh..

Nang marinig ko yun, nakaramdam ako ng malaking Guilt. Tama si Shantal, nagbago ako. Malaki ang pagbabago ko. Pakiramdam ko ngayon, kailangan ko munang lumayo. Para baguhin uli sarili ko, para ibalik uli sarili ko.

"Shantal..." tawag ko sakanya habang siya nakaharap sa kaliwa niya at nagteteary eyes na cia.. Di man nia ako pinapancn alam kong gusto niyang makinig..

"Alam ko galit ka sakin... Pero sorry na.. Sorry Mahal ko.. Tama ka. Nagbago nga ako, siguro kasi gusto ko lang matupad yung lagi mo akong nasa tabi hanggang makaalala kana.. Shantal, siguro para bumalik ako sa dati, hahanapin ko muna sarili ko.. Para tulad ng sinabi mo, bago pa lumala ang pagaaway nating dalawa.. Mahal kita.." Akmang tatalikod at maglalakad na sana ako para umuwi pero... hinawakan niya kamay ko..

"Craig, ayoko... Wag mo ko iwan.. :((" Sabi niya..

"Diba mas gusto mo yung dating Craig? Ito, babalik uli ako sa pagiging kong tahimik.. At dadating nalang ako pag kailangan mo ako." sabay nagteary eyes ko.. Yung maskara ko, nadudulas na dahil nababasa na mukha ko.. "Ingat ka. Babalik ako."

"CRAIG! WAG! Sorry.. Di ko sinasadyang sabihin yun.. Nabigla lang ako.." Sabi niya..

"Nabigla ka kasi yun ang gustong sabihin ng puso mo.. Pero wag ka magalala, di ako galit, ako lang naman may kasalanan eh, totoo naman lahat ng sinabi mo. IloveYou." Tapos akmang bubuksan ko yung pinto ngunit si Shantal tumayo pero natumba at hawak hawak ulo, sigaw ng sigaw..

"Shantal Ok ka lang!?" Sabay buhat ko sakanya at ihiniga ko uli siya sa kama niya.."Wag mo na ulit gagawin yun.. Baka kung mapano ka.."

"Ayos na kung mapano ako, wag mo lang akong Iwan." Sabay bumuhos mga luha niya.. "Craig, mas masakit kung wala ka sa tabi ko.." Sa sinabi niyang iyon, niyakap ko nalang siyang mahigpit.

"Mahal na mahal kita." tapos hinalikan ko siya sa noo niya at bumalik sa pagkakayakap ko sakanya..

"Iiwan mo pa ba ako??" tanong niya na may pagiyak na boses..

"Di na.. Mahal kita .. Ayokong mastress ka nang dahil sakin, lalo na kakagaling lang ng isip mo.. :(" Cinomfort ko nalang siya lalo na, sinabi ng doctor na bawal ko siyang i-istress.

**

Shantal's POV

Pag-gising ko.. Ramdam ko yung mata ko maga kakaiyak kahapon pero di ko na yun pinansin. Una kong hinanap si Craig pero wala siya.. Nakita ko may Sticky Paper sa drawer sa tabi ko, kaya kinuha ko, para sakin daw..

Nang binasa ko, galing kay Craig...

--

To: Shantal

Uuwi lang ako, para kumuha ng damit ko at damit mo.. Kasi pinaextend ko na yung pagstay mo sa Hospital, para mas makapagpahinga isip mo at maalagaan kita;). Pina-excuse na rin kita sa School, pumayag sila na magMake Up class. Dadaan muna ako sa palenke para sayo. I

<3U

-----------------------

Kilig naman ako... Yung feeling na malungkot ka kahapon tapos bigla kang sumaya, anu ba yan. !!!

Maya-maya dumating na si Craig. May mga dalang rosas at Prutas. Nagdala din siya ng Filipino food, yung paborito kong Kare-kare. ;')

"Shantal, nagpatawag na din pala ako ng guards dyan sa labas ng pinto. Sabi nga ni Dr. Uy, talagang di ka pa pwedeng umalis kasi madami pa daw siyang itetest para kamustahin yung 33% unknown Memory mo, base sa estimation niya. Ichecheck kung talagang bumalik na talaga o baka hindi pa."

"Ah.. Salamat.. Wala na akong pakealam kung di ko maalala lahat, basta nandyan ka lang sa tabi ko. :)"

"Oh mamaya na yang sweet moment, kumain muna tayo nitong Kare-Kare, nang maka-almusal na tayo."

"Gusto ko ng bagoong.." -Me, Shantal.

"Ay Oo nga pala andito sa mga prutas kunin ko lang..... Eto, Isa yan sa mga sikat na Bagoong dito sa Shadohe High, sana magustuhan mo." -Craig. Syempre naman! ;D

"Craig naman eh... Paano ko di magugustuhan to, eh ito yung brand na lagi kong binibili noh! ;D"

"Ay ganun ba? Nu bayan, pinakilala ko pa. Kain na nga lang tayo."

Alam ko masaya ako ngayon, pero sigurado ako may dadating pang kalungkutan dahil simula pa lang ito. Pero dahil napasaya ako ni Craig, ;'> feeling ko tuloy, wala nang dadating na kalungkutan. Buti nalang napigilan ko siyang umalis, kundi ewan ko nalang ang gagawin sa buhay ko.. Si Jake kaya, kamusta na.. Gusto ko siyang sisihin sa nangyari sakin, perd kasalanan ko din.

-------

ENJOY!

&quot;The Search for my Mystery Prince&quot; (On-going)Where stories live. Discover now