Remembered

17.4K 232 21
                                    

Hillary's P.o.V

Hinawakan ko ang kamay ni Trey habang umiiyak

"H-hindi s-sila yan" -Miranda

"Imposible" Patricia

"T-tell m-me I'm dreaming" -Briana

"T-this c-can't b-be h-happening" -Emerald

Lalo ko naman hinigpitan ang hawak kay Trey, yinakap naman ako ni Trey. Kanina pa kaming tahimik habang umiiyak ni Nami, hindi namin kayang tignan ang...



 Sunog na katawan nina Chara at Crissy

Nakakainis no? Kung kailan okay na kami ng FDG saka pang may ganitong mangyayari. A-akala ko magiging okay na eh. Bakit pa nangyari to?

Bumitaw ako sa yakap ni Trey at pumunta sa sasakyan ko. Doon ko naibuhos lahat ng dinadamdam ko. Napatingin ako sa langit, Chara, Crissy, sabihin niyo sa akin na hindi kayo iyon. please

Umiyak nalang talaga ang magagawa namin, brineak na namin ang pangako namin sa sarili namin na hindi na kami iiyak.

Pero hindi talaga eh.. Kahit anong pagpipigil ko, lalabas at lalabas sila. Ayaw ba nilang tumigil? My life is worse

S-si Chara at Crissy, sila ang nagtayong magulang namin simula nang bata pa kami. Napakaaruga nila. Bago ko silang makilala. Sabi ko sa sarili ko na hindi na ako sasaya, araw-araw parati kong nadadatnan ang parents ko na nag-aaway, halos wala na silang ginawa kundi mag-away at magtrabaho. I thought na happiness does not exists in this world

But I was wrong.. nakilala ko sina Chara. Sa kanila ko lang nadama ang pagmamahal at saya. After nilang nalaman ang buhay ko, sinabi nila na 'Hillary, Emerald, kami nalang ang magiging magulang niyo!' parati kong naalala ang mga katagang iyon tuwing nakikita kong nag-aaway sina mama at papa para hindi ko sabihin na happiness don't lasts in this world

Crissy, Chara, I'll miss you, kahit wala kayo sa mundong ibabaw, I know na binabantayan niyo lang kami. Aalagaan namin ang PGG. Mananatili kaming makikipaglaban para sa revenge. H-hindi namin kayo kakalimutan, we'll fight for your revenge

*knock* *knock*

Tumingin ako sa window. Si Patricia, sinenyales niya ako na pumunta daw sa ospital. Stinart ko ang engine at pumunta sa pinakamalapit at nag-iisang ospital dito.

Pagkadating ko sa ospital, bumaba ako at pumanta kanila Briana na umaagos pa rin ang luha ko. Sinundan ko sila papunta sa isang room.

W-wag mong sabihin na si Ate Zhal na ang susunod. Napaupo ako sa sahig, ayoko ng may sumunod kanila Chara at Crissy. Tama na silang dalawa, hinding hindi ko na kayang may mawala pa sa amin

Inalalayan ako ni Trey papunta sa chair at ako naman hindi ko talaga matigil ang luha ko. 'Your such a crybaby' naalala kong sinabi ni Chara.

"Boys, pwedeng umalis muna kayo?" -Shaun. Parang alam na niya ang tungkol sa amin

Nagnod ang boys at umalis

"Anong nangyari?" tanong ni Miranda kay Shaun

"Nasa bahay kami nun nang dumating si Zhalia para sabihin sakin ang tungkol sa photoshoot ninyo ni Sapphire. Nasa gitna ako pagdedesiyon ko nung may pumutok, tatlo iyon, tig-iisa bawat floor. Dahil malapit lang ang pumutok sa office ko, natamaan ng impact si Zhalia na cause ng pagkawalan ng malay niya. Pagkatapos ng ilang minuto, pumunta si Sapphire sa office ko, nagulat siya nang nakita si Zhalia, agad naming binuhat si Zhalia at dumaan kami sa bintana una siyang bumaba at inalalayan niya akong ibaba si Zhalia. Lumapit sa amin si Lian at tinulungan na rin kami"

Secrets of Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon