SOCN Final: The Last Person Protecting

18.4K 216 19
                                    

Shaun's P.o.V

"SAAAAPPPPHHHIIIIIRRREEEE!!!" sigaw ko

Tumakbo ako sa katawan niya na puno ng dugo. No, bawal mawala si Sapphire! Lahat ng tao nakatingin sa amin. Tumingin ako sa nakabangga.. Sh*t! Isa siya sa mga kalaban!

Tinandaan ko ang mukha niya at binuhat si Sapphire papasok sa ospital. Sinalubong agad ako ng mga nurse at sinakay si Sapphire sa stretcher. Sumunod ako hanggang sa pinto ng emergency room. Lord, please save her.

Tinawagan ko silang lahat na kasalukuyang nasa hospital room ni Naomi. Pupunta daw silang lahat dito except kay Xander na magbabantay kay Nami. Tagos sa glass door ng emergency room ang humihinang heart beat ni Sapphire. Kinakabahan ako.

"Shaun!" sigaw ng lahat na kakarating pa lang.

"Sapphire" mahinang wika ni Kian habang blangkong nakatingin sa pintuan ng E.R. Alam ko na nakikita rin niya ang nanghihinang heart beat ni Sapphire

"Bantayan niyo si Miranda. Huwag niyong hahayaan siya na umalis mag-isa, siya nalang ang natitira dito" walang emosyong sambit ni Cristian

Napadako ang tingin ko kay Miranda na kasalukuyang umiiyak kay Frey. Tama si Cristian, siya nalang ang natitira dito na PGG. Si Briana at Zhalia ay nawawala, si Nami, Hillary at Emerald ay nasa hospital room, si Patricia nasa bahay niya sana, si Xandra naman ay hindi pa nakikita, si Sapphire ay nasa E.R., at si Chara ay binisita si Hillary.

Pinipilit kong hindi umiyak. Alam ko na sa akin silang lahat umaasa, alam kong ako ang pinanghuhugutan ng lakas ng FDG. Dapat ako maging matatag, ako si Black Lion, ang kuya nila at dapat hindi ko pinakikita ang kahinaan ko.

Marami na ang nangyari, ngayon pa ba ako susuko? Kailangan ko maging matatag hanggang sa dulo. Dapat ko kayanin.

Lahat ay naalarma nang lumabas ang doktor. Lahat kami ay lumapit sa kanya.

Umiling siya "I'm very sorry pero tuluyan nang bumigay ang kanyang katawan dahil sa sakit" sabi ng doktor

Kwinelyuhan agad ni Kian ang doktor. "YOU A*SH*OL*!! KARAPATAN NIYO NA ILIGTAS ANG MGA PASYENTE NINYO!! ANONG SINASABI MO NA WALA NA SIYA?!!!" nanggigil na wika ni Kian.

I tapped his shoulders. Binitawan naman niya ang doktor at tumakbo ang doktor paalis. Humagulhol na si Miranda. Hindi ako naniniwala sa mga nangyayari... hindi ito totoo diba?

Napasandal nalang ako sa dingding. Sa dami ng nangyayari, bakit pa kami lumalaban kung lalaban kang rin naman kami sa wala?

"Wag na kayong malungkot. Wala na rin naman tayong magagawa"


Cryztal's P.o.V

"Wag na kayong malungkot. Wala na rin naman tayong magagawa" mahina at walang ekspresiyon na wika ko.

Tumingin ang lahat sa amin ni Mark. Si Kian ay nangigil sa galit. Alam ko ang nararamdaman niya. Galit. Kung ang mahal niyo mamatay, ano sa tingin niyo ang mararamdaman niyo? Lungkot at galit diba? Galit sa mga taong akala ninyo ay hindi pinalagahan ang mahal niyo. Galit sa mga taong walang paki sa pagkamatay ng mahal niyo.

"ANO KA BA CHARA?! WALA KA BANG PAKI KAY SAPPHIRE?! PATAY NA SIYA CHARA PERO HINDI MO SIYA INIISIP, NA PARA BANG WALA SIYANG SILBI! AKALA KO IKAW ANG PINAKAMATALIK NA KAIBIGAN NI SAPPHIRE PERO HINDI PALA! ANG INAAKALA NIYANG KAIBIGAN AY HINDI SIYA INAALALA OR PINALAGAHAN MAN LANG! I'M SO DISAPPOINTED AT YOU CHARA! ISA KANG MALAKING BITCH NA SAGABAL LANG SA MUNDO!! DAPAT KANG MAWALA!!!!" galit na galit na sambit ni Kian

Secrets of Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon