CH 1: 1st Day of Classes

94K 1K 109
                                    

"ATE GISING NA!" -Tiara

"mmmmm... mmmm" -Ako

Ayun, narinig ko footsteps na papalayo tapos papalapit tapos,

"WWWWAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Tawa pa tong walangyang kapatid ko! Malasin sana siya! GRRR!!!

"Kalokohan mo rin no!"

Errr!! Paano naman kasi binuhusan LANG naman ako ng malamig na tubig!

"Ano ba kasing meron ha? Ang aga-aga 5 pa o!" Ako

"Hello Ate? Gusto mo malate? Pwes ako, Ayoko!" Siya sabay walk-out

Late?

.

.

.

.

.

.

WWWHHHAAATTTT????!!!!!!

Pasukan na??? NOOOO!!

Naligo na ako at nagbihis ng uniform. Ang uniform namin ay simple lang. White na polo at violet checkered skirt. Nagsuot rin ako ng watch. Brinaid ko ang buhok ko.

Kinuha ko ang pink na clip ko at sinuot ito. Tinignan ko ang sarili ko. Nagpalagay ako ng braces kahit aligned naman ang teeth ko. Frizzy ang buhok ko kapag linugay. Maputi rin naman ako. Kukunin ko na sana ang nerd glasses ko pero....

"TIARA!!!!!" sigaw ko. Narinig ko naman ang pagtakbo niya.

"Bakit Ate? Anong problema?" sabi ni Tiara habang nasa pintuan siya at hinihingal.

"Glasses ko?" -Ako

"Magcontact lens ka daw sabi ni mommy"-Tiara

"WHAT! Errr.. Sige na! Get Lost!" sabi ko sabay walk-out ni Tiara

Kinuha ko naman ang contact lens ko mula sa drawer at linagay ito sa mga mata ko. Alangan naman sa bibig no? =___=

Kulay blue ang contacts ko. Noong bumibili kasi kami, nakita ko to agad at nagandahan na rin. Ayoko ng walang kulay dahil mahahalata ang kulay ng mga mata ko.

Bumaba na ako at naabutan sina mom at Tiara na kumakain na. As usual, wala nanaman si dad. Parati naman siyang busy sa business eh. Pero nagb-bonding naman kami twice a month.

"O princess, andyan ka na pala" -Mom. Hindi picture lang to! picture lang!

"Ate, mind reader kaya ako! (,^^) " -Tiara sabay nakakalokong ngiti.

Lord naman eh! Bakit may mind reader akong kapatid? -_____-

"Yeah right... Mom, bakit niyo ako pinagcontact lens???" pagch-change topic ko.

"Para ma-iba yung look mo. Para hindi ka ganung ka nerd" -Mom

"Mom naman. Alam niyo naman kung bakit ako nakaganito diba?"

"Oo. Sabi mo para hindi ka habulin ng boys. Mahirap talaga ang maging maganda no? Naalala ko tuloy ang kabataan ko"

Umupo ako sa tabi ko at kumain na. Tahimik kaming kumain. 1st day nanaman. Bagong taon na pero hindi magbabago ang mga ugali ng mga estudyante doon. Bully kasi sila eh.

"Ma, una na kami ni Tiara." sabi ko pagkatapos kong kumain

Umalis na kami ni Tiara, Syempre may sasakyan kami no. Mayaman naman kami eh. Mag-iintroduce muna ako sa inyo ha.

Secrets of Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon