Noticeable

75 5 10
                                    

"Alyssa Franchesca—"

"Ano bang nakukuha niyo kapag binanggit niyo ang buo kong pangalan? Ally na lang, p'wede?"

"Sungit nito," natatawang pahayag ni Cabaron. Kasalukuyan silang magkasama ni Allyssa sa Cafe ng kanilang paaralan. May 30 minutes break kasi sila bago ang susunod na klase. "Mayro'n ka?"

Halos mamula ang dalaga sa tanong ng binatang si James Cabaron. Hinampas niya 'to dahilan para matapon nito ang ice cream na kinakain. "Baliw!"

"Teka." Mas lalong natawa si Cabaron sa ginagawa ni Allyssa, "Ikaw ang baliw. Med students tayo. Anong problema ro'n?"

"Tse! Napaka-FC mo."

"Cute naman."

"Saan banda?" 

Nagulat na lang si Allyssa nang biglang inilapit ni Cabaron ang kaniyang mukha sa kaniya. Halos mahigit niya ang hininga nang maramdaman ang mainit na hininga ng binata.

"Are you insulting my Cute Stone title?" naka-smirk na pahayag ng binata. Napakunot na lamang ang kaniyang noo nang may maamoy mula sa bibig ng dalaga. Mas lalo niyang inilapit ang kaniyang mukha rito upang makompirma ang hinala niya. The smell of Gloss to Doze. "Allyssa—aray!"

"'Wag mo 'kong lapitan nang gano'n kalapit!"

Napahimas na lang si Cabaron sa tungki ng kaniyang ilong. "Alam kong irresistible ako, pero hindi mo naman ako kailangang saktan. Grabe ka."

"S-sorry," buntong-hiningang sambit ni Allyssa. Wala kasi siya sa sarili niya ngayon. Iniisip niya ang ginawang pag-amin ni Raymund kahapon. Kung bakit ba kasi hindi niya magawang mahalin ang binata? Kung bakit ba kasi 'yong taong hindi niya kailanman maabot-abot ang iniibig niya. Naiinis siya, magulo ang pag-ibig. Bakit ba hindi p'wedeng gustuhin na lang ng puso ang taong may gusto sa kaniya at ayawan ang taong wala namang pakialam sa kaniya? Magulo talaga ang pag-ibig. Simpleng bagay ginagawang komplikado.

"Anak ng teddy bear naman, Allyssa. May problema ba?" tanong ni Cabaron nang makitang nakatulala ang dalaga. May naalala kaya siya kagabi?, tanong niya sa isipan. Bwisit na Moncieller. Naka-isa pa., aburido niyang pagpapatuloy.

"Bakit..."

"Bakit ano?"

"Why..."

"Anak ng gummy bear. In-english mo lang, e."

"Alam mo nag-eemote 'yong tao, sinisira mo. Nakaka-distract ka," pahayag ni Allyssa saka tinitigang muli ang kaharap na burger.

Apparently, that's my mission, missy., "Seryoso, Allyssa. What's wrong?"

"Wala naman." Kinuha ng dalaga ang burger at kinagatan ito. "At saka isa pa, 'wag kang FC d'yan. You don't know me that much. Malay mo, isa akong member ng tago-piso gang. Mag-gancho pa kita."

Naiilang na ininom ni Cabaron ang juice sa kaniyang harapan. "I know you. Allyssa, contrary to what you believed, you are noticeable."

Halos mabulunan ang dalaga sa sinabi ng binata. "I am noticeable?"

"Yeah."

"Liar."

"I don't lie. No'ng nasa Woodsen pa lang tayo, kilala ka na namin dahil bestfriend ka ni Liit."

Itinaas ng dalaga ang kaniyang kamay at saka nagsalita, "Correction. Frenemy, not bestfriend."

Napakunot ang noo ng binata at saka nagpatuloy, "Girls language is hard to understand. So yeah, do'n pa lang we already noticed you. At sa buong Woodsen yata, ikaw lang ang walang pakialam sa ayos mo. Ang importante lang siguro sa 'yo, e kasama mo ang gitara m at palaging may dalang bimpo."

This time, napatitig na talaga si Allyssa kay Cabaron. Hindi niya inaakalang may makakapansin sa mga gano'ng kaliit na bagay tungkol sa kaniya. It's not really important, but for her malaking bagay na 'yon. Pakiramdam niya kasi noong high school pa lamang sila ay invisible siya, lalo na sa mata ng mga PS. Sino nga lang ba siya? Kung hindi niya siguro naging kaibigan si Lil Saint baka hanggang ngayon, wala siyang kaibigan. "R-really?"

"Yes." Nilingon ni Cabaron ang dalaga. He can't help, but feel good. Pakiramdam niya nailabas na niya lahat ng itinatago niyang nararamdaman. He's aware that he liked the girl so much, but he's not yet ready to give up everything for her. Kung ikukompara niya siguro ang pagmamahal niya sa pagmamahal ni Raymund sa dalaga, speck lang 'yong sa kaniya. Walang wala.

"Omg! It's the cute stone!"

"Girls, come on!"

"Hello, James!"

Napalingon ang dalawa sa mga nagsalita.

"Hello!" bati rin ni Cabaron na alanganing ngumiti. Sa tingin niya ay mga senior Med students na ang mga dalaga. Tiningnan niya si Allyssa na naiiling lang.

"Can we have a lunch with you?"

"Yeah, like omg since we were high school I was dreaming to have a lunch with one of the PS Stones."

"And you're like here! Omg. Dream come true!"

Mahinang napailing si Allyssa. She can't help, but relate to the three girls. Ang kulang nga lang sa kaniya ang determinasyon. Kung nandito siguro ang Olaf niya, hindi niya pa rin ito magagawang yayaing makipag-lunch. She doesn't have the guts to confess. Kaya nga... umabot ng isang dekada ang pagmamahal niya rito nang walang kapalit, na walang ibinibigay na pansin. Because she doesn't have the guts. Saan ba mabibili ang guts na 'yan?

"I really am sorry girls, but I'm with Allyssa."

Mabilis na napalingon si Allyssa sa binata at binigyan ito ng what-are-you-talking-about look.

"Don't tell me..."

"She's your girlfriend?"

"That can't be! She doesn't even look like a girl. She doesn't wear make-up and she's too plain!"

Napakagat ng labi si Allyssa.

Napatiim-bagang si Cabaron. He didn't like what they just said. Tiningnan niya sa mga mata ang babae at binigyan ng isang nakamamatay na tingin. Really. Hindi siya pumapatol sa mga babae bilang babae, pero pumapatol siya sa mga ito bilang tao. "Girls, stay away or I'll crush your dreams." Dali-daling nagsialisan ang tatlong babae. Agad namang nilingon ni Cabaron ang dalaga. "Hey, I'm sorry-"

"Noticeable, huh? You're right. I am noticeable," mapaklang saad ni Allyssa at saka naglakad palayo.

"A-alyyssa, wait—"

"Cabaron."

Natigilan si Cabaron nang makarinig ng boses mula sa kaniyang earpiece. "M-moncieller?"

"Code White it is. I'll take her from here."

"What?" naguguluhang pahayag niya. Napatingin siya sa tatlong babae kanina at nakita niyang may hawak ang mga ito na violet na mga maskara. Mga subordinates ni Moncieller. What are they planning? What are you doing, Moncieller?



---


Hello, readers!

If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.

Love, SheIsLexa

The Philosopher Stones (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon