Ballet

60 5 6
                                    

Noticeable, yeah right., sa isip ni Allyssa habang naglalakad papunta sa isang coffee shop. She received a text from her frenemy. Iniisip niya rin kung ano ang sadya sa kaniya ng kaibigan. Napangiwi siya sa posibilidad na baka nagpapasama lang ito sa shopping. For sure it's either shopping o importanteng bagay.

"Frenemy!" tawag ni Lil Saint sa kararating na kaibigan. Napansin niyang mukha itong balisa at ngumingiti ito ng alanganin. "What's wrong?"

Napakunot-noo si Allyssa at niyakap ang kabigang si Lil Saint. She realized na namimiss na pala niya ang ito. "Nothing. I just had... a rough day." Umupo silang dalawa at agad na napairap si Allyssa. "Ano na naman ang gagawin natin?"

Natawa si Lil Saint sa kabigan, malamang naiisip nito na magsha-shopping na naman sila, "It's not what you think, uh, I came to warn you about Moncieller."

"Moncieller? W-what about him?"

"He will be enrolling at your school but just so you know that at a young age, he's already a graduate of medicine. Specialization? Surgical."

Allyssa's jaw dropped. "Y-you mean..."

"He will be taking a fake undergraduate course at you school." Lil Saint wished she could say more to her frenemy. PS Codes are agents and they're always taking advanced educational system. Some of them, at the age of 18 are already a holder of doctors and masters degree, like Moncieller and Nigel, and some are board and bar passers, like his kuya Reymond and Oasis.

"But why?"

Lil Saint pressed her lips. "It has something to do with you, frenemy."

Kahit nagtutunog delikado ang kaniyang kaibigan, hindi pa rin maiwasang lumundag ang kaniyang puso sa sinabi nito. "Nagbibiro ka ba? Pineke niya ang pag-aaral para lang mapalapit sa akin?"

"Maybe. I'm not really sure about "para mapalapit sa 'yo", but may kailangan siya sa 'yo." And I have to figure out what the PS is planning for my frenemy. The PS is keeping Lil Saint on the dark. Ayaw nitong malaman ng dalaga kung anong pinaplano nito para mawala ang 'The Risk' sa kaniyang kaibigan. At sa ngayon, ito na muna ang magagawa niya para sa kaibigan. "Gusto lang kitang balaan, but I assure you he's a good guy. You know that." Iniisip niya ang tamang salita. "Just be careful. Okay?"

Hindi alam ni Allyssa kung ano ang mararamdamn. Kakabahan ba siya o magsasaya? Naisip niya na lang na nadagdagan na naman ang problema niya sa mga lalaki. Una si Raymund na kailan lang nagtapat ng pag-ibig sa kaniya. At ito si Moncieller, na paglalapitin na naman sila but this time in different circumstances. Magsasalita pa sana siya nang tumunog ang kaniyang telepono at nakita niya ang pangalan ng kaniyang Ballet instructor. Oh God. At ito pa ang isa niyang problema, ang kaniyang ama na pinipilit siya sa mga bagay na ayaw niyang gawin. "Frenemy, I have to go." Tumayo siya at niyakap ang kaibigan. "Thank you."

"Anytime," nakangiting tugon ni Lil Saint. Hinatid niya papunta sa sakayan ng taxi ang kaibigan at sinubaybayan itong umalis. Ngayon, may iba pa siyang dapat kausapin. Lumingon siya sa kaniyang likuran at tama nga ang hinala niya. "Moncieller..."

"Lil Saint..."

Nagsukatan muna sila ng tingin. Sinusubukang basahin ang iniisip ng isa.

"Out of the way, Code 25."

Lil Saint's facial expression hardened. "Not until you tell me about your mission."

Ngumiti lamang ang binata. "It's classified."

Humakbang ang dalaga palapit kay Moncieller. "It concerns my friend."

Napayuko ang binata. "I'm sorry. It's classified."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Philosopher Stones (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon