Bridge

157 11 23
                                    

"Daisy!" sigaw ni Edward nang pumasok siya sa opisina ni Code Priestess. May dala siyang rosas at nakangiting inilapag ito sa mesa ng dalaga. "Orange rose, pinabibigay ni Martin."

Napatitig si Daisy kay Code Comedy bago siya bumuntong-hininga at sinenyasan ang binata na umalis na.

"Grabe! Wala man lang bang thank you?" hinaing ng kawawang si Edward. "You're welcome ha?"

Napataas ang kilay ni Daisy then she crossed her arms."Get out, Edward."

Tumawa lang si Edward sa tinuran ng pinuno. "Ba't ba ang ha-high blood ng mga tao ngayon? Kanina si Oasis, nag-away daw sila ni Josephine. Tapos si Cabaron din, sininghalan ako habang may hawak-hawak siyang T.O.R. Tapos ikaw!" turo ni Edward sa pinuno.

"Out, Edward," may himig pagbabantang pahayag ni Daisy sa binata. Napahilot na lamang siya sa kan'yang sentido nang makitang tumatawa itong lumabas. Naisip niya na sana naging kasing masiyahin siya ni Edward. Pero imposible iyon. Sa dami ba naman ng trabahong nakatalaga sa kan'ya imposibleng madadaan lang sa pagngiti ang stress na inaabot niya sa isang araw.

"Knock knock!"

Napalingon sa pintuan si Daisy at tila ba lumiwanag ang kan'yang araw nang makita ang taong nakatayo rito. "Dahlia!" sigaw niya nang masilayan ang dalawang buwang buntis na kambal.

"Sis!" Patakbong yumakap si Dahlia sa kan'yang kambal nang biglang may humawak sa kan'yang mga braso dahilan para mapatigil siya sa paglapit kay Daisy.

"Jesus woman, magdahan-dahan ka."

Naka-pout na binawi ni Dahlia ang kan'yang braso sa asawang si Reymond saka lumakad na lamang palapit sa tumatawang kambal.

Natatawang niyakap ni Daisy ang kan'yang kambal. Napaka-pasaway kasi nito. "Mag-ingat ka kasi, Dahlia. Baka mapaano pa si baby mo," sambit niya sabay hawak sa tiyan ng kambal.

Dahlia shrugs then said, "Malakas ang baby ko no? 'Di ba baby—"

"Damn it, Hannah! Bitawan mo ako!"

Saglit na napatigil sa pagsasalita si Dahlia nang marinig ang pagsigaw ni Lence. Nagkatinginan silang dalawa ni Daisy saka sabay na dumangaw sa labas ng pinto para tingnan kung sino ang kaaway ng binata. Nakita nila ang nakatiim-bagang na mukha ni Hannah Hartwell, ang kanilang Superior Authority at ang naiinis na mukha ni Lence Canley, ang kanilang Code Technique IV. Muling nagkatinginan ang kambal at natatawang napailing na lang nang makita nila ang magkasalubong na kilay ni Hannah.

"Sino ang babaeng Violet na iyon? God! Gusto ko siyang bugbugin para maging Violet talaga siya dahil sa pasang makukuha niya mula sa akin!"

"Hannah! Kung makaasta ka para ka namang girlfriend ko?"

"Lence, I already confessed how I feel for you—"

"At sinabi ko na rin ang nararamdaman ko para sa iyo, Hannah."

Napayuko na lamang si Hannah at hinayaang umalis si Lence. Hanggang ngayon, hindi pa rin binubuksan ng binata ang puso nito para sa kanya. Noong una ay naiintindihan niya ito ngunit masyado na yatang matagal ang paghihintay niya. At saka may isa pang hampaslupa ang umentrada sa lovelife niya. Napalingon na lamang siya sa likuran nang maramdaman ang pagdapo ng isang kamay sa kan'yang balikat. "Dahlia," sambit niya.

"Come on." Hinatak ni Dahlia ang kanilang Superior Authority papasok sa opisina ng kambal niyang si Daisy. Nang makita niya ang asawang prenteng nakaupo sa sofa ay agad niya itong pinandilatan. "It's a girl talk, Reymond."

"But—"

"See you and I love you!" She gave him a quick kiss at sinarado na ang pinto.

"Damn. All my life pinaramdam ko naman sa kanya na mahal na mahal ko siya pero bakit parang wala lang ang lahat ng iyon?" daing ni Hannah habang nakasandal sa isang upuan. "I'm close to giving up."

The Philosopher Stones (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon