Prologue

250 15 13
                                    

Wala ka namang mapapala sa pagmamahal ng taong wala naman ni katiting na pagtingin sa iyo.

Sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos ay palagi akong sinasampal ng katotohanang iyan. Masakit na nakakainis. Pero naisip ko rin naman, nagmamahal lang ba ako para may mapala? Anong kagaguhan iyan?

Nagmamahal lang para makinabang?

Ako kasi, hindi.

Pero bakit nga ba ako nagmamahal? Bakit patuloy ko pa rin siyang minamahal sa kabila ng pagsasawalang-bahala niya? At higit sa lahat, bakit hindi ko magawang ibaling sa iba ang nararamdaman ko, sa iba na kung saan ramdam na ramdam kong pinapahalagahan ako?

Wala akong kasagutan sa lahat ng tanong na bumabagabag sa isip ko. Hanggang sa... dumating ang araw na nagulo ang buhay ko ng dahil sa kaniya.

Nakakagago, ano? Hindi na nga ako nabigyan ng halaga, ginulo pa ang buhay ko.

Saka lang din ako napangiti ng mapait at nagkaroon ng isang sagot sa napakarami kong tanong. 

Kaya pala. 

Kaya pala.



----

Hello, readers!

If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.

Love, SheIsLexa

The Philosopher Stones (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon