Chapter 6

2 1 0
                                    

Pinagmasdan ko silang lahat habang hawak pa rin nila ang camera. Hindi ba nila alam na tapos na ang palabas dito.

"Alright. Pwede niyo ng ibaba ang mga cellphone niyo atsaka ba't ba kayo nagvi-video eh wala namang concert dito." sabi ko habang tumatawa.

Nakatingin lang lahat sila sakin. Hindi pa rin binababa ang kaniya kaniya nilang telepono.

"Hindi niyo ibababa?" tanong ko habang nakangisi pa rin sakanila.

Hindi pa rin sila natakot sa kabila ng pagbabanta sa tono ko. Nag-uumpisa pa lang ako kaya malamang hindi pa tumatalab. Salita pa lang kasi wala pa kong ginagawa.

"Okay. Mukhang kailangan ko talaga 'tong gawin." wala sa sarili kong sabi.

Naglakad ako at pumunta sa isang babae na nakahawak ng iphone X na cellphone na tutok pa rin sakin at kay Vade ang camera.

Hinablot ko ang hawak hawak niyang cellphone at inapak apakan iyon hanggang sa nakita kong wala ng pag-asang gumana pa. Sayang mukhang bago pa naman. Kung sinunod niyo sana ang utos ko ay hindi ko gagawin ito.

Nilingon ko ang babae at lahat ng nandito ay sabay sabay napasinghap sa ginawa ko.

"Anong ginawa mo sa cellphone ko?! Bagong bili 'to ni mama!" sabi ng babae ng mag sink-in sa utak niya
ang nangyari sa cellphone niya.

"Oopss! Wala na eh." sabay kagat ko ng labi.

Nakita kong maiyak iyak na siya habang pinupulot ang sirang sira na cellphone niya. Hinayaan ko na lang ang babae at tinuon ang atensiyon sa mga tao.

Magsasalita na sana ako ng biglang bumulong sakin si Vade.

"Anong ginagawa mo? Pinapalala mo lang ang sitwasyon."

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "I'm not. Atsaka concern ka na sa lagay na 'yan. Kung kanina mo pa pinairal yang concern mo eh di sana hindi ko 'to gagawin. Tumahimik ka na nga lang at manuod" I hissed to him.

Siya ang may gawa nito kaya tumahimik muna siya. May nililinis ako dito sabat siya ng sabat. Siya kaya ang linisin ko ng mawala na siya sa landas ko. Kainis!

Binalingan kong muli ang mga tao.

"Now, kung hindi niyo ititigil ang pagvi-video ay tiyak..." sinadya kong putulin ang sasabihin ko habang umiiling.

"Ganun rin ang gagawin ko diyan sa mga hawak niyong cellphone." ngiti ko.

Muli silang nagsinghapan at sabay sabay na binaba ang cellphone.

"At wait kailangan kong makita na dini-delete niyo ang mga video na nakahunan niyo kani kanina lang." sabi ko.

"Bakit ka naman namin susundin?" maarteng tanong ng isang babaeng naka ponytail.

Aba ang tindi rin naman ng tapang ng babaeng 'to.

Pumunta ako sa kinaroroonan niya ng may ngiti pa rin sa labi ko. Ang sakit sa pangang magpanggap na ngumiti.

"Bakit ayaw mong sumunod,iha?" sabi ko at hinawakan ang dulo ng buhok niya na may guhit pa rin isang ngiti.

Huminga ako ng malalim dahil any second sasabunutan ko ang babaeng 'to.

"Ayaw. Sino ka ba?!"

Huwag mo kong susubukan pony girl.

"Wala ka ng pakialam kung sino ako. Give me your damn phone." banta ko sakaniya.

Tinitigan ko siya ng tingin na tiyak na maibibigay niya sakin ang cellphone niya. Kailangan ko naman yata magpakita ng isa pang sample para sumunod sakin ang mga tao dito. Konti lang naman sila kaya alam ko kung sino ang nagvi-video kanina kahit binaba na nila ito.

His TrapWhere stories live. Discover now