Chapter 2

10 2 0
                                    

"Pwede ba huwag kang masyadong atat! Magpapakilala ako pero sigaw ka ng sigaw. Stupid!" I hissed.

Bakit ba lahat ng nakakausap ko ay sigaw ng sigaw kanina pa busog na busog ang tenga ko sa mga sigaw. Di ba pwedeng time-out.

Magsasalita na sana ako ng bigla naman siyang sumigaw.

"ANO?!!"

"What the effin freaking sh*t is your problem?!" Sumigaw na ko nauubusan na ko ng pasensiya sakaniya.

"Did you just called me Stupid?!" bahagyang tumaas muli ang tono ng boses niya.

Namumula na ngayon ang tenga niya dahil sakin.

"Oo. Ano naman dun?" diretsahan kong sagot.

Bigla niyang hinawakan ang braso ko pero kaagad ko iyong binawi dahil alam kong kakaladkarin niya ko palabas. Hindi pwede iyon.

Dumiretso akong umupo sa sofa niya habang naka cross leg. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. Ako rin naman pero kailangan kong gawin ito.
Hindi ako dapat magpadala sa mga sigaw sigaw niya.

"Okay, I'm Cierra at ako ang bagong makakasama mo." confident kong sabi sakaniya.

Napatingin ako sakaniya at nalaglag ang panga ko dahil sa nakikita ko. Nakasuot lang siya ng trunk at sleeveless gray shirt pero kahit simple lang suot niya (dahil nasa condo lang naman) ay kayang kaya niya itong dalhin na may dating. Ang gwapo gwapo niya tingnan. Shit!

Kunot noo niya kong tinitigan na halatang hindi naiintindihan ang sinasabi ko.

Pero kalaunan ay umukit ang nakakakilabot na ngisi niya sa kanyang labi. Oh my! May nasabi ba kong mali. Sinabi ko lang naman na ako ang bago niyang makakasama.

Biglang namilog ang mata ko knowing that he got it wrong.

"I mean, palagi akong nasa ta--no I mean nariyan akong nakabun---" napatigil ako sa mga sinasabi ko.

Paano ko masasabi ng maayos ang mga sasabihin ko sakaniya. Atsaka bakit ba ko kinakabahan sa harap ng lalaking ito. Dapat hindi ako kinakabahan.

"I should always be looking out on you." at yun nasabi ko rin ng maayos

Ginulo niya ang buhok niya na mas lalong nagpatingkad sa itsura niya.

"So you're the new one?" tanong niya.

Huh?

"Anong new one ang pinagsasabi mo."

"Nagtataka ako kung bakit babae ang pinadala niya dito. Alam niya naman kung anong kaya kong gawin." he played his smirked again.

Nakalagay sa bewang niya ang dalawang kamay niya. Pinagmamasdan ko siya dahil hindi ko maiwasan ang magandang mukha at katawan niya. I feel like I'm drooling over him. Eww!

"Ewan ko sayo, hindi kita maintindihan." irita kong sabi sakaniya.

Tumayo ako at kinuha ang cellphone sa bulsa ko. Kailangan ko ng tawagan ang tatay ko at ipaalam sakaniya na nandito lang naman sa condo niya ang hinahanap niya. Kailangan ko pa pala papuntahin itong si Vade sa opisina niya.

"What are you doing?!" patanong na sigaw niya habang naglalakbay papunta sa direksyon ko.

"Hep hep! diyan ka lang!" sabay duro ko sa kinakatayuan niya pero hindi siya nagpatinag.

Sinimulan ko ng tumawag kay dad at nagri-ring ito. Nagulat ako ng biglang hablutin ni Vade ang cellphone ko at mas lalo akong nagulat ng bigla niya akong...

Halikan!

Fvck!

His lips was soft pero....

Anong karapatan niya humalik sakin!

His TrapWhere stories live. Discover now