Chapter 1

23 3 0
                                    

"Sa tingin mo ang ganda ganda mo?" taas noo kong tanong dito sa isa sa mga superstar dito sa kompanya ni dad.

Tinitigan ko siyang galit na galit ang mukha dahil sa sinabi ko. Siya ang nagsimula tapos siya pa itong galit.

"What did you say?" tanong niya ng mahinahon halatang nagpipigil.

"Ayoko yung inuulit ko ang sinasabi ko pero sige na nga. Sa tingin mo ba maganda ka?" My lips painted a smirk.

"You! Sino ka ba! Ang kapal ng pagmumukha mong sabihin sakin 'yan. You didnt know me aren't you?" tanong niya sakin. A half smug half mad, furious, huh?

"Kilala kita. Sino bang hindi makakilala sa isang tulad mo you're the queen among your fans. Sabihin na nating reyna ka pero diba wala namang reyna ang..." pinutol ko ang sasabihin ko. Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo.

"Pangit?" I've made my disappointment sound.

Pwede na yata ako sa pagiging aktress pero iniisip ko pa lang yun kinikilabutan na ko.

Nakita kong mas lalong lumagablab ang mukha niya. Sayang noong una gusto ko pa sana siyang maging kaibigan pero kalaunan ay bigla itong naglaho. I should not hope for that.

"YOU! I'M GOING TO REPORT YOU TO MR. DEL VALLE! ANG KAPAL NG MUKHA MONG BABAE! YOU ARE JUST NOBODY!" sigaw niya na ang sakit sa tenga. Buti na lang walang tao ang nakapansin sa labas dahil sa sigaw ng bruhildang kaharap ko.

"We'll go. Hindi naman ako natatakot sa katunayan galak na galak ako." mahinahon kong usad sakaniya.

Hindi ko naman ito gagawin kung hindi niya minaliit ang pag kompose ko noong kanta. Pero kahit nagkukunwari lang ang pagkokompose ko ay nairita ako sakaniya. Anong akala niya sa sarili niya perpekto. Looking at her looks, I'm way better.

Tatalikuran ko na sana siya ay sadya niyang ginalaw ang upuan para ma out of balance ako. Nakailag ako sa ginawa niya. At ako si Cierra na hindi palaging sanay ng naiisahan ay ginawa kung ano ang ginawa niya.

Technically, hindi siya natumba but I know, pretty sure that her knee was going to crack with the pain dahil sa biglang pag-usog ko ng upuan.

"YOU!BTCH! YOU ARE REALLY GONNA PAY FOR THIS!" sigaw niya na halatang maiiyak na dahil sa sakit.

Tumalikod na ako sakaniya at naglakad na parang walang nangyari. Alam kong sa ilang minuto ay may tatawag na sakin kaya pasimple lang akong naglalakad.

Tumunog ang cellphone ko at sinagot ito.

"CIERRA AGAIN! COME TO MY OFFICE NOW!" inilayo ko ang telopono sa tenga ko dahil sa sigaw niya.

Ngayon ay naiintindihan ko na kung saan ang ninuno ng sigaw ng babaeng yun, dito pala sa may ari nitong kompanya. Damn!

Pumasok ako sa opisina niya na handa na ang tenga sa umaatikabong sigaw niya.

"Yes po" magalang kong sabi.

He enhaled deeply with my remarks. Ano namang ginawa ko nagiging magalang na nga ako siya pa itong mukhang galit.

Kalaunan ay kumunot ng ang noo niya. Bakas na rin sa mukha niya ang pagtanda pero hindi ko maitatangging may itsura pa rin ang dating niya. Alangan naman na sabihin kong pangit siya kasi nangangahulugan na pangit rin ako.

"How come you insult Carlie? Goodness gracious! Cierra buti na lang hindi naiisipan ni Carlie na umalis. She's an asset to our company at ininsulto mo lang?" pailing iling niya.

"Dad,Hindi ko siya ininsulto sinasabi ko lang ang to---"

"Cierra!" papikit na sigaw niya.

"Bakit ba ang tigas tigas ng ulo mong bata ka. Hindi ako pumayag na ipaalam sa publiko na anak kita para lang gawin ang gusto mo. Ang akala ko magtitino pag sinunod ko ang gusto mo pero ano lumala ang ginagawa mo..." napatigil siya sa sinasabi niya dahil may biglang tumawag.

His TrapWhere stories live. Discover now