#Dead59 - Troy

644 21 0
                                    

Pumunta na sina Amiel at Caxandra sa bahay ni Troy. Nakita nila ang nanay nito at pinapasok naman sila.

"Oh teka, tatawagin ko lang si Troy sa loob. Baka gising na iyon pero hindi lang nalabas," sabi nito sabay punta sa second floor ng bahay nila.

Tahimik lang na umupo sina Amiel at Caxandra. Ilang segundo pa ay pumasok na sa loob ng katawan ni Caxandra si Caitlyn dahil gusto rin nitong makausap si Troy.

"Lovey, umalis na lang kayo tayo rito?" tanong niya.

"C-caitlyn? Ikaw ba iyan?"

"Oo. Ako nga. Tara, uwi na lang tayo. Hindi naman na mahalaga ang sasabihin ni Troy. Saka na lang tayo pumunta rito," sabi niya na may panginginig sa kanyang boses.

"Ano ka ba naman? Narito naman na tayo, bakit ipapaliban pa natin? Hayaan mo, uuwi rin kami ni Caxandra pagkatapos nito," sabi ni Amiel sabay ngiti.

"Eh kasi ano-" hindi na natapos ni Caitlyn ang sasabihin dahil bumaba na si Troy at ang nanay nito mula sa kwarto niy sa taas.

Gulat na gulat ang mukha ni Troy dahil nakita niya si Amiel. Takot ang nararamdaman niya dahil alam niyang malalaman na ng matalik na kaibigan ang katotohanan tungkol sa kanila ni Caitlyn.

"B-bakit narito kayo? S-sino iyang kasama mo, Amiel?" nauutal na tanong ni Troy sa kanyang mga bisita.

"Ah, may gusto lang sana kaming ibigay sa iyo. Gustong ibigay ni Caitlyn. Caitlyn, este Caxandra ibigay mo na sa kanya ang pinapabigay ni lovey," sabi ni Amiel.

Agad namang binigay ng dalaga ang letter na iyon para kay Troy. Halata mo sa kanya na iwas na iwas siya sa binata at ganoon rin naman si Troy sa kanya.

"Salamat pero kung pwede ay umalis na kayo kasi may mga ginagawa pa akong trabaho. Busy ako at hindi ko kayo mae-entertain na dalawa," sabi ni Troy para hindi na magtagal pa ang dalawa roon at hindi malaman nito ang katotohanan.

"Ha? Eh kararating lang namin, makinig ka muna--"hindi na natapos ni Amiel ang sasabihin dahil pinaalis na sila ni Troy.

Wala namang angal si Caitlyn dahil alam niya ang nangyayari. Hinayaan na lang niya na ipagtabuyan sila ni Troy. Naaawa na lang din si Caitlyn kay Amiel dahil wala itong alam sa mga nangyayari.

Pagkalabas nina Amiel at Caitlyn sa bahay ni Troy ay bumalik na lang ulit ito sa kanyang kwarto. Gulat na gulat naman ang kanyang nanay sa ginawa ni Troy.

"Oh, bakit mo naman pina-alis sila agad? Maghahanda pa sana ako ng merienda ninyo."

"Sa susunod na pumunta sila rito ay huwag mo na silang papapasukin."

"Ha? Bakit naman, anak?"

"Basta, huwag mo na ulit gagawin po iyon. Bawal na silang pumunta rito."

Pumasok na nang tuluyan si Troy sa kanyang kwarto habang si Amiel naman ay takang-taka sa mga kinikilos ng matalik na kaibigan.

"Bakit naman siya ganoon, lovey? Wala naman akong sinasabi sa kanya ah. Nakakainis siya, kung wala lang tayo sa bahay nila eh sinapak ko na iyon eh."

"Hayaan mo na, baka stressed lang. Umalis na lang tayo at bumalik na sa Laguna."

"May problema ba kayong dalawa? Ano iyon? Sabihin mo sa akin, para alam ko kung bakit ganoon siya. Hindi ko maintindihan eh."

Hindi na iyon sinagot ni Caitlyn, tumahimik na lang siya. Ilang minuto pa ay bumalik na rin si Caxandra sa katawan niya. Medyo nalungkot siya dahil hindi pa rin alam ni Amiel ang katotohanan. Iniisip tuloy niya kung siya na ba ang magsasabi o hahayaan niya si Caitlyn ang gumawa noon.

Alam rin kasi niya na magagalit si Amiel sa kanya, siya ang mapagbubuntungan ng galit nito kapag nagkataon dahil wala naman na si Caitlyn sa mundo para akuin ang mga kasalanan niya.

My Dead Ex-Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon