#Dead54 - Family

694 19 0
                                    

Pumunta si Caxandra at Amiel sa bahay nina Caitlyn. Gulat na gulat ang mga magulang ni Caitlyn dahil sa pagpunta ng dalawa.

"Caxandra and Amiel, pasok kayo sa loob. Tamang-tama, nagluto ako ng paboritong adobo ni Caitlyn. Come and have lunch with us," sabi ng nanay ni Caitlyn sa dalawa, ramdam pa rin nila ang pagka-miss nito sa namatay na anak.

Ngumiti sila at umupo habang nasa dining area. Hindi nila masabi ang pakay nila dahil hindi pa tapos magluto ng adobo ang nanay ni Caitlyn.

Hinainan na ng nanay ni Caitlyn sina Caxandra at Amiel, kumain rin sila pero konti lang iyon dahil gusto na nilang sabihin agad ang pakay nila.

"Bakit nga pala kayo naparito? Na-miss niyo ba ang anak kong si Caitlyn?" tanong ng nanay ni Caitlyn sa kanila.

"Opo. Saka may ibibigay po sana kami sa inyo. Pinabibigay po ni Caitlyn noong buhay pa siya." sagot naman ni Caxandra.

Binigay nila ang isang letter na naglalaman ng gustong sabihin ni Caitlyn sa pamilya niya. Hindi mapigilan ng nanay niyang mapa-iyak dahil sa nabasa nito.

"Kailan niya ito binigay sa inyo? At saka, bakit ngayon lang?"

"Tita, kasi po si Caitlyn ay pumasok sa katawan ko lately. Hindi ko po alam kung paano pero iyon po talaga ang totoo."

Hindi naniniwala ang nanay ni Caitlyn kay Caxandra. Kaya minabuti na ni Caitlyn na pumasok sa katawan ng kaibigan para maniwala ang nanay niya sa kanila.

"Mommy, ako ito si Caitlyn. Maniwala ka sa kanila kasi totoo naman na iyon ang ginawa ko."

"Paano ko naman malalaman kung totoo ang sinasabi mo aber?" mataray na sagot ng nanay ni Caitlyn.

Agad na kinuha ni Amiel ang hairclip na sinabi ni Caitlyn sa loob ng sulat. Agad ba lumaki ang mga mata ng nanay nito dahil sa nakita.

"Mommy, tanda mo pa ba ito? Binibigyan mo ako dati ng mga hairclip hindi ba? Sabi mo kasi, mas maganda ako kapag maayos ang itsura ko."

"B-bakit mo alam iyan? Sinabi ba sa iyo ni Caitlyn ang tungkol sa hairclip?" tanong ng nanay ni Caitlyn na hindi pa rin naniniwala.

"Kasi nga, ako si Caitlyn. Diba, natumba ako noong bata habang naglalakad tayo sa gubat? Ang sabi mo sa akin noon, lakasan ko lang ang loob ko kasi darating ang araw na mas masakit pa ang mararanasan ko sa buhay."

Niyakap na lang ng nanay ni Caitlyn ang dalaga dahil naniniwala na ito na sumasapi ang anak niya kay Caxandra.

"Ikaw nga, ikaw nga ang anak ko." naluluha ang nanay ni Caitlyn habang sinasambit ang mga salitang iyon.

"Oo, ako nga. Mommy, alagaan mo si Darius ha? Mahal na mahal ko kayo. I'm sorry that I didn't make it. But I know, my death has a purpose. Please move on from it, hindi man ngayon but soon." sabi ni Caitlyn.

"I will, anak. Pero hindi agad, it will take time. Thank you for making me feel you again. I love you so much and I miss you."

"I love you and I miss you too, mom." sagot niya sabay yakap ulit sa ina.

Bumalik na si Caxandra sa katawan niya. Masaya si Caxandra na nakatulong siya sa kaibigan niya at sa pamilya nito. Niyakap ulit niya ang nanay ni Caitlyn.

"Thank you po. God bless, sana po talaga ay maka-move on na nga kayo."

"No. Thank you. Thank you for letting me feel my daughter once again. Kanina, I can see her face smiling kahit na ikaw ang kaharap ko."

"No worries, tita. Caitlyn loves you so much. Mauna na po kami, malayo pa po kasi ang Laguna rito sa Maynila.

"Sige, mag-iingat kayo ha? Kung sakali man, kapag may gusto pa siyang sabihin sa akin ay i-text mo lang ako."

"Opo. Salamat ulit."

Umalis na sina Amiel at Caxandra roon. Masayang-masaya sila, lalo na si Caxandra dahil sa nangyari.

"One down, four to go!"

"Yes, matatapos rin natin ang lahat ng nasa list ni Caitlyn. Thank you, Amiel."

My Dead Ex-Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now