Back Story

1.3K 43 8
                                    

Pumuntang Laguna si Caitlyn noon sa luma nilang bahay. Nakilala niya ulit ang kababatang si Caxandra. 2 weeks siyang namalagi sa probinsya.

"Cait, bakit ka nga ba pumunta rito?" tanong ni Cax

"Bakit? Ayaw mo na ba akong makita? Naku, magtatampo ako sa iyo niyan," sagot naman ni Cait

"Hindi naman sa ganoon, sobrang tagal mo na kasi sa Maynila eh. Okay ka naman roon hindi ba? Bakit ka bumalik?" tanong ulit ni Cax

"Eh kasi, gusto kong magpahinga. Nakakapagod sa Maynila, puro stress ang dala eh. Ikaw ba, kamusta na?" sabi ni Cait

"Ayos naman. Maganda pa rin," sagot ni Cax habang natawa

Ilang minuto pa ay nag-cellphone si Caitlyn dahil may inaayos siyang file mula sa Maynila.

"Uy, ang ganda naman ng cellphone mo! Siguro, mahal iyan ano?" sabi ni Cax

"Hmm. Hindi naman. Gusto mo ba sa iyo na lang?" tanong  ni Cait

"Eh, gusto ko pero ayaw ko rin kasi sa iyo iyan eh. Ayaw kong magalit ka sa akin. Saka, importante sa iyo iyan kaya hindi ko kukunin," sabi ni Cax

"Sige. Lilinisin ko lang ang files na narito pagkatapos ay ibibigay ko na lang sa iyo. Gusto ko na rin namang magpalit ng cellphone eh," sabi ni Cait

"Eh paano mga nagte-text sa iyo dyan?" tanong ni Cax

"Se-sendan ko na lang sila ng text na bago na ang number ko. Okay? Sa iyo na itong cellphone ko," sagot ni Cait

"Sige. Kung iyon ang gusto mo eh," sagot ni Cax

"Oo nga pala, kapag may nagtext dyan na Amiel ang pangalan eh sabihin mo break na kami ha? Ayaw ko na sa kanya eh," sabi ni Cait

"Ha? Bakit naman?" tanong ni Cax

"Wala. Mahabang istorya. Sige na, lilinisin ko lang ang cellphone ko pagkatapos ay ibibigay ko na sa iyo. Alagaan mo ha? Mahal na mahal ko iyan eh," sabi ni Cait

"Oo naman, ikaw ang nagbigay eh. Salamat ha?" sagot ni Cax

After 2 weeks, nabalita na lang sa TV na namatay na si Caitlyn dahil sa isang car accident. May iilan pa ring nag-text sa luma niyang number, pero hindi na sinagot iyon ni Caxandra dahil nagdadalamhati rin siya sa nangyari.

My Dead Ex-Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now