Chapter 27

10.2K 166 1
                                    

Eclaire's Pov

It has been a month at ewan ko ba pero pagkatapos kong umamin kay Neil, I expected something will change pero wala naman, katulad pa rin kami ng dati well siguro plus the kisses he would give or the well *ehem* we do at night, pero ewan ko ba kung bakit meron pa rin akong pagdududa sa kanya, maybe because I want to hear it from him, those words that would put me at ease. Andito ako sa sala watching my kids play, ng narinig ko ang mga yabag na pababa, ng nilingon ko siya ay bihis na bihis ito.

"May lakad ka?" tanong ko

"Yep, pupunta ako sa kompanya, may kailangan akong asikasuhin eh pero hindi ako magtatagal" sagot niya at inaayos ang necktie niya, pero mukhang hindi siya marunung kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Tanda mo na hindi mo pa ito magawa ng maayos" at inaayos ang necktie niya.

"Andyan ka naman eh para ayusin ito" napatingala ako sa kanya sa sinabi niya, at nakangiti lang ang sira kaya tinampal ko ang noo niya.

"Gagawin mo pa akong yaya mo eh"

"Hindi naman Misis, tsaka ang sexy at ganda mo naman para maging yaya, pakakasalan na lang kita" at tumaas baba pa ang kilay.

"Ewan ko sa'yo"

"Dad aalis ka?" tanong ni Nic

"Yeah, pupunta muna akong work"

"Yo-You will be back, right?" nag-aalinlangang tanong nito

Ngumiti si Neil at lumapit dito at pinat ang ulo at yumuko para pumantay kay Nic. "Of course babalik ako, this is my home" at ngumiti na si Nic, "Hali ka nga, yakap mo si Daddy" at yumakap din kaagad si Nic, tumingin ako kay Nate na nanunood lang, "Eh ikaw Nate? Can I have a hug?" tumayo na rin ito at yumakap kay Neil.

Pagkatapos nun ay hinatid namin si Neil sa labas.

"Babalik ako kaagad ah" sabi niya

"Oo na, tsaka dapat na naman talaga na bumalik kana sa trabaho mo, ilang araw ka na ring hindi pumapasok noh"

"Sus! eh namimis ko kayo eh masama ba yun" at nagpout pa ang panget

"Wag ka nga, bakla mo talaga"

"Hinay-hinay sa pagsasalita Misis baka gusto mo dito ko patunayan ang pagkalalaki ko sa'yo" and he grinned, kinilabutan ako doon

"Bastos mo!" sigaw ko

"Wala naman akong ginawa ah" inosente nitong sabi

"Che!" tapos inirapan ko siya, "Alis kana at malilate kapa niyan"

"Misis" tawag niya at ngumso-nguso pa

"Anong problema mo? Para kang pato diyan" alam ko naman ang hinihiling nito, asarin ko muna

"Aish! Slow mo naman Misis, goodbye kiss ko"at ngumuso ulit

"Ayoko nga! Alis kana"

"Misis naman eh, sige ka sa iba na ako hihiling"

"Hah! Eh doon ka, at ng di muna kami makikita pa ng mga anak mo"

"Uie! Walang ganyanan Misis" agad nitong lapit sa akin at hapit ng bewang ko, "Sayo na nga ako hihingi di ba?"

"Napipilitan lang?"

"Hindi no! Kaya kiss na, please" paawa pa nito

Aish! kulit nito kaya ayun hinalikan ko, pero smack lang.

"Ay? Yun lang?"

"Hoy! Mister wag kang abuso" tinampal ko ang noo nito

"Nakakabitin Misis eh"

My 18 year old wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon