Chapter 25

12.2K 230 3
                                    

Eclaire's Pov

Andito kami ngayon sa mall para bumili ng mga gamit pangeskwela.

"Dad gusto ko niyan!" turo ni Nic sa bag na may Naruto na design

"Okay" nakangiting sangayon ni Neil

"At tsaka ito pa Dad!" turo naman nito sa tumbler with the same design, "At ito, ito, ito pa!" natawa si Neil

"Tss! And dami naman niyan like he can use all of it" inis na sabi ni Nate na nasa tabi ko

"Eh ikaw wala ka bang gusto Nate?"

"Mom you pick, just those things I need"

"Ako rin ang bahala sa design na gusto mo?"

"Sure" at nagkibit balikat pa ito, sometimes I would think 7 years old ba talaga itong si Nate, the way he talks and acts, para talagang matanda.

"Hey Nate!" tawag ni Nic at nagtatatakbo patungo sa amin

"Nicolas wag kang tumakbo, baka madapa ka" saway ko

"I'm fine mom, so Nate may napili kana?"

"Nah, anything will be fine" baliwala nitong sagot

"Talaga? Kahit barbie pa yung design?" at sinamaan ito ng tingin ni Nate kaya dalidali itong nagtago sa likod ni Neil

"Woah! Chill Nate, kaw naman Nic, wag mo ngang asarin si Nate, baka masapak ka niyan lagot ka" sabi ni Neil

"Nah he won't hurt me, we're twins! We're brothers! Right Nate?" nakangiting sabi nito

"I will skin you alive paginasar mo pa ako Nic" malamig nitong sabi

"Or not" at mas lalong sumuksuk si Nic sa likod ni Neil

I chuckled, ganito talaga magasaran ang dalawang ito but later on nagkakasundo naman lalo na pagdating sa kalokohan.

"Tama na yan baka magkabalatan pa dito" awat ko, "So ano na ang nabili ninyo?" tinignan ko ang laman ng cart at nagulat ako sa dami ng laman nito, "Ano ba itong binili ninyo? Ba't ang dami?"

"Well yan kasi ang mga pinili ni Nic Misis kaya ayan ang nangyari" paliwanag niya

"Neil naman elementary pa ang anak natin, ano naman ang gagawin nila sa mga bagay na yan?" nakapamewang kong sabi, lumapit ako at kinuha ang mga bagay na hindi kailangan lalo na ang mga laruan na ewan ko kung papaano napunta dito, "Neil naman eh, ano ba ito? At isa kapa Nicolas ano ba itong kinuha mo"

"Sabi kasi ni Daddy, get all the things I need! Well I need all of that"

"Really? Ano naman ang gagwin mo ng isang toy truck sa school?"

"Well, I'll play with it during break time" nakangiting sagot nito kaya napailing na lang ako, at akmang itatabi ko na yan,"Mom! I want that!"

"Nic! You don't need it, you have plenty of toys at home, no need for another"

"But Mom!"

"Nicolas" seryoso kong sabi

"Misis pabayaan mo na tsaka regalo ko na yan sa kanya"

"Tss! Stop spoiling them"

"Ngayon lang yan, bumabawi ako sa kanila eh"

"Mom please..." at nagpawa effect pa ang batang ito, at dahil ako ang ina, well hindi ko rin matiis, I sighed.

"Fine, but last nato ha Nicolas"

"Yeahey!" at nagtatatalon pa ito

"You are such a baby Nic" sabi ni Nate

My 18 year old wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon